Isla POV:
"I won't take a No for an answer" 'yon ang huling sambit ni Seve sa 'kin bago ito bumalik sa dagat. Napailing na lamang ako dahil ni hindi man lang nito hinintay ang sagot ko.
"Ang tagal naman ni kuya" mahina kung bulong sa sarili, lumingon ako sa likod sakto naman nakita ko itong papalapit na pala sa akin. Tulad kina Seve at Sid may maganda ding pangangatawan ang kuya ko kaya hindi nakapag tataka na maraming babae humahanga dito. Actually, lahat ng Kuya ko ay pang model ang mga katawan.
"Let's go!" masayang yaya pa nito ng makalapit.. "Okay" sagot ko habang hinuhubad ang aking cover up na see through.. Binalingan ko ng tingin saglit si Sid at parang tulog pa rin ito. Sumunod naman agad ako kay Kuya na nauna ng konti sa akin..
Nag enjoy kami na nag tampisaw sa dagat kasama ang mga mag pipinsang Miranda. Nakisali na rin kami sa kulitan, tawanan at habulan nila, mabilis ko namang naka gaanan ng loob si Athara, Cedrick and Ben na kaedaran ko lang at ni Seve. Ang ibang pinsan naman nila na nasa di kalayuan sa amin ay masaya din ka bonding, mas bata ang mga ito sa 'kin kaya medyo di 'ko masabayan ang kakulitan nila. Si Seve at Kuya naman ay parang nagiging close na, nakikita ko silang nag a appear at nag tatawanan na dalawa. Pansin ko itong si Seve maya't-maya nahuhuli ko na sumusulyap sa akin para tuloy akong na conscious sa itsura ko.
Napag pasyahan na naming umahon ng makaramdam na ng gutom ang iba. Sabay kami ni Athara na umahon sinundan naman kami nina Kuya at Seve. Napag kasunduan nila na kumain sa restaurant ng hotel pagkatapos pagkatapos nilang mag bihis, doon din kasi silang lahat naka check in ngayon pati si Kuya. Ako naman nag alibi na may pupuntahan kaya di'ko sila masabayan mag lunch.
"Hey! Pretty, don't forget tonight. Pinag paalam na kita dito" paalala nito sa date kuno namin na abot tenga ang ngiti sabay turo kay Kuya. Napakunot noo akong tiningnan si Kuya nag kibit balikat lamang ito at nginitian pa ako pati si Athara ay parang kinikilig sa narinig kay Seve.
"Wow ha! magaling si Seve dumiskarte at parang basic lang sa kanya mag paalam kay Kuya" bulong ng isip ko. "Bye! Is, see you around" paalam ni Athara habang naglalakad na sila papuntang hotel ako naman nag paiwan muna dito sa beach lounge chair. Gusto ko munang magpa lipas ng oras sa tabing dagat wala naman akong gagawin today.
Wala na si Sid ng bumalik ako parang may na feel tuloy akong disappointment. "oh! 'bat parang nalungkot ka Isla?! iniinis ka nga lang noon e? tsaka tinarayan mo kasi kaya umalis!?" ano ba naman 'tong utak ko nagsisimula na namang makipagtalo sa 'kin. Minabuti ko nalang humiga sa pwesto n'ya, pinikit ko ang mata ko at lumanghap ng sariwang hangin. Mayamaya pa'y nakaramdam ako ng antok, ayaw ko namang maidlip dito ng ganito ang suot baka madaanan pa ako ng manyak sa paligid.
Sinout ko ulit ang cover up ko at binitbit ko ang dalang cellphone at gitara. Malapit na ako sa bahay ng makita ko si Sid sa di kalayuan at halatang hirap ito sa paglalakad parang pauwi na 'ata ito sa hotel. Nang mapansin ko ang paa n'ya na may tumutulo na dugo agad ko nilapag sa gilid ang bitbit ko at mabilis s'yang pinuntahan.
"Hey! Are you okay? What happened?" may pag aalala kung tanong sa kanya, para naman s'ya nagulat ng makita ang presensya ko. "It's okay maliit na sugat lang naman 'to" sagot nito sabay angat sa paa'ng may sugat. "Let me see?" sabay luhod ko sa buhanginan at tiningnan ang sugat n'ya. "Di naman masyadong malaki, pero kailangan pa rin natin gamutin 'yan baka ma infect mahirap na, nandito ka pa naman sa resort namin" tumayo ako para samahan s'ya sa clinic.
"Halika samahan kita sa Clinic" aya ko sa kanya. "Thank you but, Don't bother yourself? my clinic naman sa hotel ako na bahala" magalang n'yang tanggi sa 'kin. "Are you sure!?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa sugat. Tumango lang ito at akma na s'yang tatalikod ng maalala ko na my first aid kit pala ako sa bahay. "Hey! My house is just a few steps away from here and I have my first aid kit doon. Ako na gagamot, at baka ma infect pa 'yan 'pag di nagamot agad konsensya ko pa" alok ko sa kanya.. "Sure ka?!" nagtataka niyang tanong. "Aalokin ba kita kung hindi?" pilosopo kung sagot sa kanya sabay ngiting pang iinis. "Tara na, sunod ka sa 'kin" sabay talikod at naglakad. Dinampot ko ang cellphone at gitara tsaka patuloy na naglakad hanggang umabot kami sa pinto ng bahay.
"Come in" sabay open ko sa main door ng bahay, hindi s'ya nag sasalita at nilibot lang ang kanyang paningin ang bahay. Parang namangha ito sa nakikita sa loob ng aking mini bungalow, napaka ganda naman kasi ng interior design ng bahay ko very cozy, modern and elegant di mo aakalain na nasa Isla ka. And thanks to my Kuya's na nag regalo sa 'kin nito. Kaya ko naman sana bumili ng sariling bahay kung gustuhin ko pero hindi ko pa kasi iniisip masyado. Meron naman na din akong kotse at condo na nabili galing sa sariling ipon na bigay ni Dad, gigs and other sidelines madiskarte kaya ako.
"Upo ka muna kunin ko lang 'yong first aid kit" iniwan ko muna ito saglit at kinuha ang kit.. "Akin na paa mo? linisan ko?" sabay upo sa tabi n'ya at kuha sa paa'ng may sugat. Para naman itong nahiya at binawi ang paa n'ya na nakatingin sa akin "What?" tanong ko na naka kunot ang noo. "Ako na nakakahiya sa 'yo" sabay kuha ng betadine na nasa center table. "Ako na! 'wag kanang mahiya kung ayaw mo na palabasin kita dito sa bahay!" sabay hablot ko sa gamot at bulak na hawak n'ya. Hindi na ito nakapalag at pinatong ang sugatang paa sa couch na inuupoan niya lumuhod naman ako sa tabi ng couch para di mahirapan sa pag lilinis ng sugat.
"Living here alone?" biglang tanong n'ya habang naglilinis ako ng sugat nito. "Yah for now! Actually, kasama ko ang bestfriend ko dito si Mika kaso may inaasikaso pa sa malayong lugar kaya sa ngayon ako na muna" sagot ko sa kanya na patuloy pa rin sa pag gamot sa paa nito."O ayan! Done!" nakangiti kung sabi sa kanya. "Thank you" matipid n'yang sagot na nakatitig sa akin. God! parang bigla ang lakas ng kabog ng aking dibdib, ito na naman 'yong mga halo-halong emosyon na 'di ko maintindihan. My God self kalma!? wag kang mag padala sa mga mata n'ya!.
Bigla naman akong nakabawi at dali-daling tumayo pero hinawakan n'ya ang aking kamay at ng akma na akong tatalikod. Nanigas ako sa aking
kinatatayuan ng maramdaman ang init ng kanyang palad. Dahan-dahan itong tumayo at hindi bumibitiw sa pag titig sa akin.. Gusto kung bawiin ang kamay ko pero hindi ito nagko-cooperate sa gusto kong mangyari pati na ang aking mata na titig na titig din sa kanya. "S**t! is he going to kiss me? Oh God! What will I do?!" sigaw ng utak ko. And he kissed her..