SOPHIA AFTER the long tiring week. Nakapagpahinga rin kami mula sa exams. At ang acquaintance party na naman ang haharapin o kailangan namin paghandaan ngayon. As a chairman of students council, nakatalaga sa mga kamay ko ang isang mabigat na responsibilidad— iniisip ko na lang na ang bigat ko na nga dadagdag pa 'to. Mabuti na lang talaga halos isang linggo ko ring nakasama si Pula sa labas at loob ng university. At least! Bago ako maging abala, naranasan ko muna ang maging masaya ng sobra sa presence nito. "Good morning, Tabachingching," bati sa akin ng mga co-students councils ko. Nasa iisang faculty kami ngayon at pinag-uusapan namin ang ilang mga mahahalagang bagay na kailangan namin gagawin. Isang linggo pa naman ang lilipas. Marami pa kaming oras actually. Ang importante