SOPHIA HINDI ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko maipagkakait ang lungkot na mayroon ako kahit na magkasama naman kaming dalawa. Ramdam ko man ang pagiging malapit namin ngayon ni Red , nandoon naman ang takot na baka sa tuluyang paglalim ng lahat ng 'yon matinding sakit lang ang magiging dulot. Napatingin ako sa gawi kung saan ito lumabas. Nagpasya na itong magpaalam sa akin matapos namin sumabay kumain. Nagbilin pa ito na kung may oras kami pareho, sabay na rin kami sa tanghalian. Pumayag naman ako at sa araw-araw ito lang naman ang gusto kong makasama at wala ng iba pa. Masaya naman talaga ako dapat. Ang hindi ko lang inaasahan ngayon ay ang maayos ng pakikiharap sa akin ni Red— kung noon ayos lang kahit pakitaan niya ako ng hindi maganda naiintindihan ko, pero ngayon