SOPHIA I've been scrolling for almost thirty minutes na. Wala pa rin talaga akong ganang mag-ayos. Though napakarami pa naman ng oras. 'Wala na ba talaga siyang balak tanungin ako?' malungkot kong sabi sa sarili ko, habang nilalaro-laro ko na lamang ng tinidor ang pagkaing hinanda sa akin ni Mommy. Ilang beses na rin nagtanong sa akin ang Nanay ko kung ano ba raw ang balak ko at handa naman ang lahat ng kailangan ko. I don't know how to answer my Mom, kahit na alam niyang wala akong kapareha— na walang may nagtangka sa aking imbitahin ako. Extra baggage lang din siguro ako sa kanila kung sakali. Natatawa na lang akong napaismid. Tamad akong tumayo at nagpasya na lang tumungo sa silid ko. I don't want to think more, nagiging anxious lang ako. Basta ang alam ko wala akong kasalanan