SOPHIA IT's a wonderful tuesday morning today. Ewan ko ba, pero para sa akin kakaiba ang araw na 'to ngayon— parang may magic. Though dapat ay malungkot nga ako at galit dahil sa kapatid ko, nawala lang ang lahat ng 'yon nang maisip ko si Red. Ito talaga yata ang may magic. Dahil uniform day at may ilang major subjects ako kaya naka-formal ang suot kong damit — usually it's a combination of black and white slacks and polo shirts na tenernuhan ko ng flat shoes ko. Nagmadali na ako dahil nasa baba na raw si Manong Pido na maghahatid sa akin sa school. Ang akala ko kagabi si mommy dahil nga day-off ng family driver namin dapat ngayon, pero heto at wala yatang balak magpahinga at siya ang maghahatid sa akin sabi ni Manang. Kaya ako nagmamadali ngayon at baka pagkatapos niya akong ihatid