Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa aking nasaksihan. Ang mas ikinasama pa ng loob ko ay ang pag-uusap nila na para bang wala ako sa paligid. Parang gusto kong sugurin ang babaeng ito! Gusto kong magwala at sumigaw ng malakas para mabawasan ang bigat ng dibdib ko. “B-Bakit ako nasasaktan? Dapat okay lang ang lahat, because you don’t love him! Tama! Itatak mo sa kokote mo na wala kang nararamdaman para sa lalaking ito. Kailangan mo lang si Alistair para makapaghiganti sa lahat ng mga umabuso sayo! Wake up, Louise! Hindi ka nasasaktan kasi manhid ka na.” Ito ang mga salitang umuukilkil sa utak ko, pero malalim na ang bawat hugot ng aking paghinga na para bang nasasakal na ako. “Felma? Kailan ka pa bumalik ng bansa?” Seryosong tanong ni Alistair pagkatapos siyang halikan ng babae.

