Chapter 19

1015 Words
“Wear this.” Seryosong utos sa akin ni Mr. Alistair. Ngunit, nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanyang mukha. Marahil ay napansin niya na nakatulala lang ako sa kanya kaya nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago muling nagsalita. “What?” Kunot noo nitong tanong sa matigas na tinig. Napakasuplado ng dating nito ngunit para sa akin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumingkad ang taglay niyang kagwapuhan. Pagkatapos na magtanong ay mataman niyang tinitigan ang mukha ko. “O-Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya, dahil kagigising lang nito kaya sigurado ako na makakasamâ para sa kanya ang labis na paggalaw. Pagkatapos kong tanggapin ang t-shirt na ibinigay niya sa akin ay nagmamadali akong tumalikod at kaagad itong isinuot bago muling humarap sa kanya. Napansin ko na natigilan siya sa naging tanong ko na tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Mula pa kanina ay hindi na niya tinatanggal ang mga mata mula sa pagkakatitig sa mukha ko. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ko naitanong ang bagay na ‘yun, dahil kung iyong susuriin ay higit na malalâ ang sakit na inabot ko mula sa kanyang ina at sa kamay ni Donita. Tapos, mas inalala ko pa ang kondisyon niya kaysa sa akin. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago ako nito tinalikuran. Naalarma ako ng akmang lalabas na siya ng silid, kaya mabilis ko siyang hinabol at mahigpit na kinapitan ng dalawang kamay ko ang malaki at maugat nitong braso. Dahil sa ginawa ko, tumigil sa paghakbang ang kanyang mga paa. Pumihit siya paharap sa akin at napako ang mga mata niya sa mga kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. “Mr. Thompson, pakiusap tulungan mo akong linisin ang pangalan ko, batid ko na alam mong hindi ako ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na mangyari ang aksidente.” Pagsusumamo ko sa kanya. Nahigit ko ang aking hininga at tila tumigil sa pagtibôk ang puso ko ng muli na namang tumitig sa mukha ko ang matapang nitong mga mata. Sa totoo lang, sa tuwing ginagawa niya ito ay ibayong kilabot ang hatid nito sa aking pakiramdam. Hindi talaga ako komportable sa paraan ng mga titig niya sa akin. Para bang binabasa na niya ang buong pagkatao ko. “Then, what you gonna do after that?” Seryoso man ang pagkakatanong niya sa akin ngunit nakakaramdam ako ng panganib mula sa kanyang tinig, kaya ibayong kabâ ang lumukôb sa puso ko. “G-Gusto ko ng makasama ang mga magulang ko, kaya kung tutulungan mo ako na linisin ang pangalan ko ay babalik na ako sa amin.” Tapat kong sagot na may kaakibat na kabâ kaya naman bahagya pa akong nautal sa pagsasalita. Napansin ko na bigla na lang dumilim ang mukha nito. Napalunok pa ako ng wala sa oras ng tumalim ang titig niya sa akin. Nagsimulang humakbang ang kanyang mga paa palapit sa akin kaya nanginginig ang katawan na napaatras ang mga paa ko habang magkahinang ang aming mga mata. Ilang sandali pa ay kinilabutan ako ng bigla na lang niyang hinaklit ang aking braso. Napangiwi ang mukha ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya dito. “You can’t go anywhere. You’ve heard what I said, right? You’re mine, and you will stay here with me. Is that clear?” Matigas, subalit may diin ang bagkakabigkas ng mga salitang ‘to. Tila may kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng aking laman habang ibinubulong niya ito sa tapat ng mukha ko. Gahibla na lang kasi ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Matinding kilabot ang siyang lumukob sa buong pagkatao ko at halos maihi na ako sa takot kaya kusang pumatak ang aking mga luha. Nagsimula na ring manginig ang buong katawan ko, nang mga oras na ito ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin, basta ang alam ko lang ay natatakot ako sa kanya. Marahil ay napansin niya ang panginginig ng aking katawan, maging ang pamumutla ng aking mukha. Sa isang iglap ay kay bilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Napaigtad pa ako ng sapuin ng kanyang kamay ang kaliwang pisngi ko. Pinahid nito ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. “Ssssh... stop crying, Sweetheart, don’t worry, I’m here. Don’t be scared, hm?” Anya bago dinampian ng pinong halik ang buong mukha ko. Halos pigil ko na ang aking hininga ngunit malakas pa rin ang tahǐp ng dibdib ko. Paanong magiging panatag ang loob ko kung siya nga mismo ang kinatatakutan ko? Mas gugustuhin ko pa na ang ina nito ang aking makaharap kaysa sa taong ito na kay hirap basahin ang totoong pagkatao nito. Base sa obserbasyon ko mula sa kanyang mga kilos, pananalita at mabilis na pagbabago ng kanyang pag-uugali ay hindi normal ang lahat sa kanya. Nasa ikatlong taon na ako ng kursong abogasya at napag-aralan na namin ang tungkol sa psychological or iba’t-ibang behavior ng isang criminal. Malakas ang kutôb ko na ang lalaking ito sa aking harapan ay maaaring dumaranas ng mental illness. Hindi pa man ako sigurado subalit nararamdaman ko. Hindi ko sukat akalain na malalagay ako sa ganitong sitwasyon at ng mga sandaling ito ay talagang matinding takot ang nararamdaman ko. Napapa-singhap na lang ako dahil sa matinding pagpipigil na huwag umiyak. “I’ll be back later, Sweetheart, huwag kang lalabas ng silid na ito, maliwanag?” Mahigpit niyang bilin sa akin. Wala sa sarili na tumango ako at saglit na natulala sa kawalan. Dahil walang pasabi na hinalikan niya ang mga labi ko. Isang mapusok na halik ang iginawad niya sa akin, nanggigigil na kinagat muna niya ang ibabang labi ko bago niya ito nilubayan. Para akong estatwa na hindi gumagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa pintuan na nilabasan ni Mr. Thompson. Sa nakikita ko sa lalaking iyon ay mukhang malabo yata na makaalis pa ako sa impyernong bahay na ‘to. Dapat ko pa bang ipagpasalamat na nagising na siya? O, kailangan kong paghandaan ang bagong unos na hatid ng lalaking ito sa buhay ko!?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD