“What happened to you, Denice!? Hinayaan mo na mapunta sa babaeng iyon ang malaking proyekto!?” Hindi makapaniwala na pahayag ni Cynthia. Kapapasok pa lang niya mula sa pintuan ng opisina nito ay ito kaagad ang bungad niya sa kanyang anak. Dalawang araw na ang lumipas simula ng manalo si Louise mula sa bidding. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na nakuha nito ang lahat ng mga malalaking investor. Mas lalo siyang sumabog sa galit ng tuluyang umatras ang ilang investor na bumoto sa kanya. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Cynthia ng napansin niya na hindi gumagalaw mula sa kanyang kinauupuan si Denice. Ni hindi man lang ito nag-effort na lumingon sa kanya, para itong walang narinig. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Cynthia. Ibinabâ niya ang bag sa isa

