Nanginginig ang mga kamay habang nakahawak ito sa manibela. Ilang oras ng naghihintay si Denice mula sa di kalayuan. Halos hindi na kumukurap ang kanyang mga mata na nakatitig sa malaking gate ng isang bunggalong bahay. Ilang sandali pa ay bumukas ang bakal na gate at lumabas ang isang itim na sasakyan. Dahil nakababa ang mga salaming bintana nito ay malayang nakikita ni Denice ang mga taong sakay nito. Wari moy hinampas ng maso ang kanyang dibdib ng makita ang masayang mukha ng kanyang asawang si Rhed. Sa tabi nito sa kabilang bahagi ng front seat ay nakaupo ang isang babae na may kalong na batang babae na sa tingin niya ay naglalaro sa edad na siyam. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya ulit nakita na naging masaya ang mukha ng kanyang asawa. Sa kabila ng kasiyahan ng mga ito ay p

