NAKARAAN...
“Naalimpungatan ako dahil sa banayad na mga haplos sa aking katawan. Ang kamay na iyon ay tila kilala ng aking katawan, dahil ang bawat dantay ng malambot at mainit na palad nito ay nag-iiwan ng tila apoy sa aking balat. Pinilit kong igalaw ang katawan ko ngunit pakiramdam ko ay naging paralisado na yata ito. Marahil ay dahil sa tagal na pagkakahimlay ko sa higaan.
Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagtutôl ng lumayo ang mainit na palad sa aking balat. Parang gusto ko itong habulin, danang nga lang ay hindi ko maigalaw ang aking katawan. Maya-maya ay hindi ko na maramdaman ang presensya ng babae, hanggang sa narinig ko na bumukas sara ang pintuan ng banyo.
Sinamantala ko ang pagkakataon at dahan-dahan na i-ginalaw ang aking mga daliri na kalaunan maging ang mga braso ko ay maayos ko na ring naigagalaw.
Susubukan ko na sanang bumangon, ngunit muling bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagpanggap ako na wala pa ring malay.
Narinig ko ang isang ingay mula sa bangko na hinihila. Hanggang sa muli kong naramdaman ang presensya ng taong kasama ko sa loob ng silid.
“No one even smiled when the wise man repeated the joke again and again. On the other hand, they kept glaring at him and asking what it was. The wise man finally responded, "You can't laugh at a joke multiple times, then what makes you cry at a problem over and over again?"
Nang marinig ko ang malamyos nitong tinig habang binabasa ang paborito kong libro na ‘The Wise Man’ ay parang natunaw ang puso ko. At iyon ang nagtulak sa akin na imulat ang aking mga mata. Napatda ako ng masilayan ko ang mala anghel na mukha ng isang magandang babae.
Sa tingin ko ay naglalaro sa seventeen at nineteen ang edad nito. Kahit napakasimple ng suot nitong bestida ay nangingibabaw pa rin ang natural niyang ganda.
Napako ang tingin ko sa kanyang mga labi, at napapalunok ako sa bawat kibot ng mga labi nito. Nang naramdaman ko na titingin siya sa akin ay mabilis kong ipinikit ang aking mga mata.
“Mr. Thompson, katulad ka rin ba ni Mr. Wise man? Hm, base sa mga libro na nakikita ko dito sa silid mo ay mukhang matalino kang tao. Nasasabik na akong makilala ka, kaya pakiusap gumising ka na.” Ani nito bago hinawakan ng malambot niyang palad ang aking kamay. Matinding pagpipigil ang ginawa ko na huwag mag-react ng dalhin niya ang aking kamay sa kanyang pisngi.
Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan dahil iba ang epekto niya sa akin. Sa babae lang na ito ako nakadama ng ganitong damdamin hanggang sa isa-isang lumitaw mula sa isipan ko ang nangyaring aksidente. Tama, natatandaan ko na! Ang babaeng ito ang sakay ng nakabanggaan kong sasakyan. Nakadama ako ng kasiyahan dahil ligtas ito at ngayon ay nasa aking harapan. Ngunit ang labis na ipinagtataka ko ay kung bakit nandito siya sa silid ko.
Natigil ang pag-iisip ko mula sa nakaraan ng marinig ko na bumukas ang pinto. Naramdaman ko na natataranta na tumayo ang dalagang kasama ko, dama ko ang tension na bumabalot sa buong pagkatao nito. Kaya batid ko na natatakot siya.
“Babae, linisin mo ang silid ko, bilisan mong maglinis dahil aalis ako ngayon.” Utos dito ng isang boses babae.
Anong ginagawa ng taksil na ito sa pamamahay ko?” Anya ng matigas na tinig mula sa utak ko. Nanginginig na ang mga nakakuyom kong kamay dahil sa matinding galit.
Gustuhin ko mang bumangon ngunit hindi ko ginawa dahil gusto kong malaman kung ano ang mga nangyayari sa paligid ko habang wala akong malay.
Nang tuluyang nawala ang presensya ng dalawang babae sa loob ng silid ko ay saka pa lang ako nagmulat ng aking mga mata at tumitig sa kisame. Nagtakâ ako ng wala pang sampung minuto ay narinig ko mula sa naka saradong pinto ang isang malakas na lagabog. Muli kong pinikit ang aking mga mata ng makita ko ang paggalaw ng serradura. Kasunod nito ay ang pagpasok ng magandang babae sa silid ko.
“Walang hiya ka! Palibhasa kasi napakatanga mo! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang damit na sinira mo!?” PAK! Narinig kong sabi ni Donita na sinundan ng isang malakas na sampal. Dinig ko na napasinghap ang babae dahil sa sakit. Nanginig ang mga laman ko at parang gusto ko ng patayin ang lapastangan na si Donita.
“Ikaw ang walang hiya! Wala kang karapatan na sampalin ako!” Narinig kong sagot ng magandang babae, nakadama ako ng awa para rito dahil kahit galit na ito ay napaka lambing pa rin nitong magsalita. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata kaya kita ko ng itulak ng magandang babae si Donita at iyon ang tagpong nadatnan ng bagong dating na si Mamâ.
“Aba’t ang kapal ng mukha mo babae para manakit sa mismong pamamahay ko!” Galit sabi nito bago sinabinutan ang magandang babae. Matinding pagkahabag ang naramdaman ko, at ng mga sandaling ito ay tila hindi ko na kilala ang aking sarili. Kailan pa ako natutong maawa sa ibang tao lalo na pagdating sa babae?
Pagkatapos ng ilang minuto na pagtulungan ng dalawa ang kawawang babae ay galit na lumabas ng silid si Donita at ang aking ina. Natigilan ako ng lumapit sa akin ang babae at mahigpit akong niyakap nito habang patuloy na nakikiusap na imulat ko na ang aking mga mata.”
KASALUKUYANG SITWASYON
Masuyong pinagmasdan ni Alistair ang natutulog na si Louise, lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha ng matitigan ang maamong mukha nito. Maya-maya ay kumilos siya at humiga sa tabi ni Louise saka mapang-angkin na niyakap ito. Napangiti siya ng gumanti ito ng yakap.
“Don’t worry, Sweetheart, kailanman ay walang mananakit sayo dahil mananatili ka sa tabi ko hanggang sa huling hininga ko...”