Chapter 2

1193 Words
Sandaling nawala yata ang kalasingan niya dahil tila gusto niyang umatras sa mga sandaling iyon. Binalak n'yang akitin ang lalaking ka-affair ng Mommy n'ya pero sa loob lang ng club. Lasing na s'yang talaga kanina kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig n'ya. "Has the cat got your tongue, love?" paanas na tanong ni Matteo nang marating nila ang parking lot. She was supposed to hate this man. Pero nanlalamig ang kamay niya at tila siya nahihipnotismong sunud-sunuran sa sinasabi nito. "A Porsche 911... You're driving a very expensive car alone. Kung ako ang magulang mo'y mapapalo kita pag-uwi, Miss del Rio!" "Ang sabi mo'y kilala mo 'ko. I am my father's daughter, Mr ---" hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin na kilala niya rin ang lalaki. She pretended otherwise. "Matteo," dugtong naman nito na itinaas ang baba niya. "Give me the key." "I'll drive..." "No way that I will let a kid drive for me." "I am not a kid!" "Sure, you aren't." Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa saka kinuha ang susi sa kamay niya sa marahas na paraan. This man is definitely rude! "Fasten your seatbelt, baby... I'll give you one hell of a ride..." Pumikit siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa pisngi niya dahil inayos ni Matteo ang seatbelt niya. 'She knows now how it felt that shiver down the spine thing'. Sa ngayon ay tila may paro-paro sa tiyan niya at na-e-excite yata ang buong kalamnan niya. Umandar ang kotse at napahawak siya sa pinto nang paharurot nitong nilisan ang VIP parking ng Zen Club. Hindi niya alam kung saan ang binabaybay nilang 'yun pero wala siyang lakas ng loob magtanong. She wanted to seduce him to get even. Gusto niyang patunayan na pera lang ang habol nito sa Mommy n'ya. At dahil halos madaling-araw na 'yun ay nakapagtatakang hindi pa siya hinahanap ng ina. Doon siya kinabahan. Dahil pag hinanap siya sa bahay at wala pa siya, tiyak niyang kung sinong security agency na naman ang uutusan nitong maghanap sa kanya. It happened once. Nagpunta siya sa Tagaytay mag-isa noong una niyang nakita ang Mommy niya na kayakap si Matteo sa isang restaurant. Dahil sa sobrang sama ng loob ay hindi siya umuwi. Hanggang ma-i-report na nawawala siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng Mommy at Daddy niya kung bakit siya lumayo nang ilang araw noon. Then her Dad decided to hire a bodyguard for her. She was annoyed. Sa ilang buwan ay nabuhay siyang may nakasunod lagi sa likod niya at hindi siya komportable sa ganoon. She promised her parents to tell wherever she was, who was she with and what time she'll be home so they could take that bodyguard away from her. Until tonight. Hindi niya alam kung saan na ang tinatahak nilang daan kaya napatingin siya kay Matteo na nasa konsentrasyon ang pagmamaneho. "Saan tayo pupunta?!" "I thought you want me to kiss you until you run out of breathe? Wala akong pang-hotel dahil mahirap lang ako. Sa bahay ko kita dadalhin," kaswal nitong sagot na alam niyang kasinungalingan. Hotel? Ano ba ang iniisip nito? "Are you trying to kidnap me?!" pagalit niyang tanong. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito bago nagsalita. "Mukha ka akong kidnapper? You were the one who picked me. And you should thank me, love... kung sa iba'y kidnap for ransom ang kauuwian mo bukod sa rape." Biglang sumakit ang ulo niya sa pinag-uusapan nila ng lalaking ito na na-misinterpret yata ang sinabi n'ya. At tama ito; may mga taong makikilala siya at pagsasamantalahan ang pag-iisa niya kanina sa club. And she doesn't understand why all of a sudden, she felt safe in Matteo's hands. Safe nga ba? Iniliko ni Matteo ang kotse sa isang exclusive village na napakunot ang noo niya. Matataas ang mga bakod ng mga bahay na nadadaanan nila. He wasn't poor like what he told her a while ago. He tricked her. Pero kung may gagawin itong masama sa kanya ay malalagot tiyak ito sa Mommy niya. Doon ay nakadama siya ng kapanatagan kahit paano. Ipinasok nito ang kotse sa sliding gate at may dalawang security personnel siyang natanaw. Katulad ng ibang kabahayan sa village na 'yun, hindi rin biro ang modern house na may dalawang palapag. "Is this yours? Paano kang naging mahirap tulad ng sinasabi mo kanina? You're a liar," wika niya para tanggalin ang kaba sa dibdib. Ang alam niya'y may condo itong pag-aari na malapit sa opisina ng security agency nito. Hinawakan nito ang kamay niya saka iginiya sa loob ng bahay. A contemporary house indeed. Off white at beige ang motif ng sala na may pale yellow light na dumagdag sa pagiging elegante ng bahay. She took a deep breath. Nakapasok na s'ya sa bahay ng kaaway n'ya. He was attracted to her that she can use to seduce him and make him leave hee mother. Siguro naman ay tapos na ito sa panghuhuthot sa Mommy n'ya. ------- Tumuloy si Matteo sa komedor para kumuha ng dalawang beer in can saka binuksan at bumalik sa sala kung saan naroon si Sahara. He cursed himself silently. Kanina nang mag-text siya kay Estella del Rio, ang ina ni Sahara, na nasa club ang anak nito'y ibinilin nito na huwag na huwag niya itong pababayaan. So he came to the rescue her when a man approached Sahara to introduce himself. Kasama sa trabaho niya 'yun. Hindi lang niya sukat akalain na pagkatapos ng una nilang pagkakausap ng personal ng spoiled-brat na dalaga ay aanyayahan siya ng dalaga ng halikan. What the hell? At kung dapat ay hindi niya ito hinalikan kanina, lalong hindi dapat na dinala niya ito sa bahay n'ya ngayon. He could sense danger. Sahara was one hell of a seductive woman. But as far as he knows, she was, is and still a virgin. In capital V. Paano niyang hindi malalaman? Lahat ng importanteng kliyente niya'y may personal profile sa opisina niya. Especifically Saraha del Rio. Tiniyak niyang alam niya ultimo brand ng chewing gum nito. Minsan lang itong nagkaroon ng boyfriend, pero hindi rin nagtagal dahil anak din ng isang pulitiko ang lalaking nagustuhan; lapitin ng mga babae at nagkataong wala ring balak magseryoso kahit pa isang maganda at sikat ang girlfriend nito na si Sahara. Pagkatapos ng relasyon nito sa lalaking iyon ay puro kaibigan na ang lalaking kasama nito. Sa anim na magkakaibigan ay si Sahara ang madalas na napaaway sa mga kaklase o kung sino-sino sa campus. Of course, kasama nitong lagi si Heather na isa ring walang pagtitimpi sa katawan. Kung tutuusin naman ay laging nasa katwiran ang dalawa. But still, they can avoid trouble if they want to. Pero lagi nitong hinaharap ang bawat away na masusuungan. Sahara is a pain in the ass. And now in his groin too. At dapat ay sa bahay ng mga Del Rio niya ihahatid ang magandang dalaga kung hindi lang ito magtataka kung paano niyang nalaman kung saan ito nakatira. And now, he is with a beautiful young woman... at midnight, with an alcohol in his body, and hungry eyes intently bewildering him. Paano niya mapapanaig ang matinong kaisipan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD