Chapter Twelve

2051 Words
CHAPTER TWELVE Thorn's Turn I woke up because of the sun rays coming from the east side. The light is perfectly targeting my eyes and it hurts like hell! "Damn! The curtains! Damn!" inis na mura ko at gumulong sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Biglang dumilim ang kwarto at nakahinga ako ng maluwag. Humiga ako ulit at hinila ang kumot papulupot sa aking katawan dahil sa lamig ng aircon. Teka... Kama? Kurtina? Unan? Kwarto? Kumot? Aircon? Shitangna! Bumalikwas ako ng bangon at tiningnan ang paligid. Nasa kwarto nga ako. Pero-- the last time I remember is that, I am outside there somewhere, diba? Tsk. Damn! Oh really damn! Ang sakit ng buong katawan ko! Tsk. Luminga ako sa paligid. Masyadong dark ang colour ng kurtina kaya madilim na talaga sa loob ng kwarto. I look around more. There. There he is. Nakita ko si Reevean. Nakatayo sa may kurtina at nakatitig sa akin. "Nasaan tayo?" tanong ko. Damn! Hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari sa amin kagabi. His hands, his lips, his voice, his moves, his... all! Lahat iyon nakatatak na naman sa isipan ko. But still, my thorn side still ups. "A-Are you okay?" he asked. Uhm, why? Do I not look okay? "Do I not look okay?" balik tanong ko. Wait, why does he stutter? Parang gusto ko tuloy ibalik sa kanya yung tanong niya kanina. Lumapit siya sa akin. Nakaupo ako sa gitna ng kamang iyon at umupo siya sa gilid ng kama para abutin ako. He reaches for my arm and he sighed heavily. Erm, why? "You are trembling." he said. "S-Sorry." Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Yes, I am. Nanginginig nga ang katawan ko. Damn! Isa lang ang alam ko na dahilan kapag nanginginig ang katawan ko. Iyon ay sa tuwing napapagod ako ng sobra sobra at hindi na kinakaya ng katawan ko at sistema ko. And that means na nasobrahan talaga kami ni Reeve kagabi at... at napagod ako ng... sobra sobra. PInalis ko ang kamay niya na nakahawak sa aking braso at niyapos ko ang sarili kong mga tuhod. I tried to calm my nerves. "I'm... I'm just... exhausted." sabi ko at ginawa ang inhale-exhale process para marelax pa ang katawan ko. "Err, yeah. S-Sorry..." sabi na naman niya. Tumango lang ako habang kagat ko ang labi ko. Iniyuko ko ang ulo ko sa tuhod ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa tuhod ko. Maya-maya ay ramdam kong hindi na ako nanginginig. Medyo kumalma na din ang sistema ko at naramdaman ko na humupa ang pagod na nararamdaman ng katawan ko. Itinaas ko ang ulo ko at tumingin kay Reeve na nakatingin pa rin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Damn. Kahit ilang beses ata kaming umulit ng umulit sa pag-aano, hindi pa din mawawala sa akin ang hiya at hindi makapag eye contact sa kanya. "S-So... are you... okay now?" tanong ko. "Yes..." sagot naman niya. Is it just me, or it really is awkward in here? "Uhm, nasaan tayo?" tanong ko. "HAM Academy. Brave 01." he said and smiled at me. Oh hell yes! Binili niya nga pala ang suite na dati ay tinitirhan niya dito sa HAM Aca. Ayaw daw kasi niya na maglipat ng gamit. Sa tatlong taon na pamamalagi namin roon ay talagang makakanya mo ang kwartong tinutuluyan mo. Brave ang itinawag sa hilera ng mga kwarto ng building na iyon dahil sa pagtigil ni Reevean doon noon at pinanatili ni Reeve ang kapayapaan at walang gago ang nakakagawa doon ng kagaguhan. Maliban sa kanya... dahil ako ang halos lagi niyang kasama sa... kagaguhan noon. "Er... did you dressed me?" tanong ko. Fully dressed na kasi ako nung magising ako. Madiin niyang ipinikit ang mga mata niya at nagpakawala na naman ng matalim na buntong hininga. "You don't expect me to carry you naked all the way, right?" suplado ni kuya ah? PMS? "I won't let anyone take a glimpse of your body." habol pa nito. Owwwkay? Damn! He really knows how to make me feel so speacial! Damn this butterflies! I cleared my throat. "Y-Yes or No lang naman ang sagot. You don't need to speech, you know." nakanguso kong sabi at yumuko na naman. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod kong yakap yakap pa din. He just tsk-ed and sighed again. "Mela, I'm sorry for making you... exhaust like this. Hindi ko sinasadya. I got the spirit of drugs last night and I  can not control myself and... do you for an...uncountable times. Sorry..." his voice sounds really apologetic. He is sorry? Teka, eh parang kagabi ata ay ako ang nag...wild? Hahaha. Okay, that was s**t. Damn! Carmela, tanga mo talaga! Saglit akong natahimik at nanghagilap ng pangsagot. Para bang may bikig sa lalamunan ko kaya nakakailang ubo na ako. "W-Wag mo nang isipin pa y-yun... ginus--" natigilan ako dahil sa isang boses na pumailanlang sa aking isip... Friends with benefits... Can we be friends... Friends with benefits... Nasa gitna na ako ng salitang sasabihin ko na ginusto ko din ang nangyari but no. No. No. No. Kapag sinabi ko iyon ay parang pumayag na din ako sa sinabi niya noon na malaking... kalokohan. I cleared my throat first, "Alis na tayo dito. We need to report what happened. Gen. is expecting you, and the agency is in a riot now."  sabi ko at pilit tumayo sa kamang iyon kahit masakit ang buong katawan ko. I tried my best to be tough. Kahit hindi ako makatayo ay nakatayo pa din ako ng ayos. Kahit gusto ko nang ngumiwi sa umiindang sakit ng katawan sa tuwing gagalaw ako ay hindi ko ginawa. Pinanatili kong seryoso ang aking ekspresyon. Pinilit kong magmukhang matatag. "Stay, Carmela. Rest." maawtoridad na sabi niya sa akin. WTF?! Sino siya sa akala niya? Who the hell he think he is? Hindi porket mas mataas siya sa akin. Via credentials, skills, agilities, and all ay uutusan nya ako! Damn! "Shut Up, Reevean. You don't have the right to order me around. Hindi kita Boss dito, Reeve. We're just even." We are always even Reeve. Whatever you are, whatever I am. We are still even. "You are damn exhausted, Carmela Mariz Mercado Ocampo! So lay down here or I will make you more damn exhausted." may diin sa bawat salita niya. Uminit ang dugo ko. "Huwag na huwag mo akong matakot takot sa ganyang paraan, Reevean!" dinuro ko siya. "Tandaan mo, wala kang karapatan sa akin. Hindi mo ako uutusan. Hindi mo ako basta basta ia-under. Hindi mo na ako pag-aari. Hindi na kita susundin pa! Dahil wala ka nang karapatan sa akin! Matagal ka nang walang karapatan sa akin." madiin at puno ng hinanakit ang mga salita ko at mas inemphasize ko ang huli kong linya. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok niya. "I just want you to damn rest." he hissed. "And I don't want to damn rest!" at tinalikuran ko na siya. "Carmela! Carmela!" tawag niya. Tuluyan na akong lumabas ng kwartong iyon. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nagbalik sa akin ang alaala ng kahapon. Ganun na ganun ang mga pangyayari noon. Tumatakbo din ako noon habang tinatawag niya ang pangalan ko... Flashback... "Damn! Huwag mo na ikaila, Bro! Nakita ko kayo sa side field kanina! Nagto-torrid kayo ni Thorn!" that voice was James. Pangatlo sa pinakamagaling na cadet ng HAM Aca. Natigilan ako. Nasa bukana na ako ng kwarto ni Reevean. Ang boyfriend ko. Nanatili ako sa parteng iyon at pinagpatuloy ang pakikinig sa mga nag-uusap. "Mukhang matinik ka na din ngayon, Brave! Napaamo mo ang tigreng iyon?" si Bulk iyon. Pang-apat sa pinakamagaling. Napuno ng tawanan sa loob ng kwartong iyon. "At ngayon naman, may chicks dyan sa tabi mo. Kawawang Thorn. Sineryoso ka ata eh! Hahaha!" -James. Namutla ako. "She's just a dare, guys. Di ko naman tutuluyan ang pangliligaw sa babaeng yun kung hindi niyo ako dinare. Ehem. Where's my thirty bucks?" si Reeve yon. Boses iyon ni Reeve. Namutla ako. Gusto kong umiyak... Totoo ba ito? Sa mga oras na iyon ay parang gusto kong mabingi na lang at mapawi ang huling linyang narinig ko. Ginawa niya ito sa akin? Dare? Ako? Bet? Ako? Thirty Bucks? Puta! Pasintabi pero ganun ba ako kababa? Ganun na ba ako kamura? His next words crushed me. "I never loved her, James. Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hahaha! I never love, but I am loved. Isa lang siya sa mga umasa sa akin. Hindi ko na kasalanan kung nahulog siya sa akin ng tuluyan." Narinig ko ang tawa ni James at Bulk. Habang nasusugatan at patuloy na nagdurugo ang puso ko dito. "Eh sino ba yang babae sa tabi mo, Brave?" tanong ni Bulk. Isa pa yun. May babae siyang katabi ngayon? SINO?! "Ah! Meet Sheryl. My fiancé." sabi ni Reeve at bakas sa boses niya ang saya.. Fiancé... Fiancé... Ang sakit... "Hahaha! Talagang wala pala talagang pag-asa si Thorn sa iyon, taken ka na pala!" sigaw ni James. "Oh, eto ang thirty bucks!" Doon na ako lumabas. Himala... walang luha ang mga mata ko. Salamat, Lord! Kahit papaano, panig kayo sa nagdurugo kong puso. "Brave Man! Sino naman ang nagsabi sa iyo na mahal kita?" Pero talagang mahal kita... "Ang kapal naman ng mukha mo para magpustahan pa ako. Hahaha. Sorry but you fell hard. Nahulog ka sa bitag ko." Bitag ko sana pero ako ang totoong nahulog ng husto... "You really think that I love you? Alam mo ba na sa twing binabanggit ko ang three words na iyon ay nasusuka ako?" Lie. That was a lie, Reeve. "Duh. Hindi kita mahal noh, hindi kita minahal at hindi kita mamahalin." Another lie. Nakasmirk pa ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Oh s**t! Walang luha? Walang luha? Thanks God! Napatayo naman siya at siya na ngayon ang namumutla. "Oh? Bakit, hindi ka makapaniwala?" Hindi naman talaga totoo, huwag ka nga sanang maniwala... "Hindi ka lang ba sa bitag ko nahulog? Nahulog ka na din ba sa akin? Hahaha!" Sana nga nahulog ka na din sa akin... "Kawawa ka naman. Sayang, dapat naghanap din ako ng kapustahan." ngumiti pa ako sa kanya. Evil smile. "Pasalamatan mo nga pala ang Lolo mo. Siya ang dahilan kung bakit kita nilapitan ng husto. Akala mo, totoo na, ano? Hahaha!" Totoo. Ng dahil sa Lolo niya...  Oh pano, una na ako. Ang poor niyo nga pala, thirty bucks? Ako? Haha. Sorry but I'm priceless." Pero kahit ano man ang nangyari at utos ng Lolo mo, nilapitan kita di dahil sa utos ng iba kundi dahil iyon ang utos ng puso ko... Dahil ayaw ko man, minahal kita... At minamahal kita...That is more priceless. Lumabas na ako ng kwarto niya... Nagmamadali hanggang sa tumakbo na... "Carmela! Carmela!" tawag niya. Tinatawag niya ako. Tinatawag niya ako. Bakit? Bakit niya ako tinatawag? At... Bakit hindi niya ako sinundan? Bakit hanggang tawag lang? End of Flashback... Tumigil na ako sa pagtakbo... Nasa field na ako ngayon. Sikat na ang araw. Marami na ang nagtetraining. Marami na ang nagwowork-out. Maingay na. Marami na ang sumisigaw ng kung ano anong tinuturo ng instructors. Pero kahit ganoon... Kahit maingay... Kahit madami ang tumatakbo sa harapan ko... Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit ko ba siya mahal? Bakit mahal na mahal ko siya?! Bakit ako tinatraydor ng puso ko? Bakit ako hinahayaang umiyak at masaktan? Bakit sa dami ng tao sa mundo, ang minahal ko pa ay ang taong nanakit din sa akin ng sobra? Bakit? Bakit wala akong mahanap na sagot? Bakit?!!! Niyapos ko ang sarili ko habang nakatayo doon at umiiyak. Ayoko ng masaktan... Ayoko ng mahirapan ng ganito... Past haunts me still. And present is hurting me so bad. Saan na ako lulugar? Napapitlag ako ng may yumapos sa akin mula sa likuran... Amoy pa lang... Built palang ng katawan... Alam ko na kung sino. Hinihingal siya. Hinabol niya ba ako? "Carmela..." Napapikit ako dahil sa boses niya at ang pagtawag niya sa pangalan ko... may kakaibang haplos akong naramdaman sa puso ko. "Carmela... Gusto kong magkaroon uli ng karapatan sayo. Please give me another chance... Sa akin ka na lamang uli. Be mine again. Love me again. Because I still do. I love you, still. Be mine again..." Nananaginip ba ako? Am I hearing things?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD