Chapter- 3

1676 Words
TEN in the evening, naririto pa rin ako sa gitna ng highway. At kahit gusto ko ng umuwi ng bahay ay hindi pwede. Dahil sa natanggap kong impormasyon, kailangan kong pumunta sa Red Butterfly club. Naroon ang taong isa sa mga pumaslang sa aking mga magulang. Dumaan muna ako sa boutique ni Desiree, ngunit sarado na kaya naman ay agad kong tinawagan ito. “Where are you, b***h?” “Anong kailangan mo sa ganitong oras?” “Narito ako sa pintuan ng boutique mo kaya buksan mo at kailangan ko ng dress.” “At pababalikin mo ako diyan dahil lang kailangan mo ng dress?” “Bilisan mo na at baka makaalis ang kriminal na yon.” “Huwag mong sabihin sa akin na gagamitin mo ang mamahaling damit sa isang kriminal?” “Bakit ba ang dami mong tanong, dalian mo at wala na akong oras!” “Fine!” napangiti ako bago sinara ang aking cellphone. Ilang minuto na ang nakalipas at naiinip na ako sa tagal dumating ng kaibigan ko. At habang palakad lakad sa gilid ng nakasaradong boutique ay panay din ang aking sulyap sa suot kong relo na pambisig. Hanggang isang hummer ang huminto. Bumaba si Desiree at agad na binuksan ang pintuan ng boutique. “Nakakainis ka, sinira mo ang dinner namin!” sermon nito sa sa akin sabay pindot nito ng switch at nagliwanag ang buong paligid. Hindi naman ako sumagot bagkus ay dumiretso sa mga naka-hanger na damit. Dala ang isang pirasong damit ay nagtungo ako sa fitting room. Pagka suot ay agad na lumabas at iniwan ko ang black card sa ibabaw ng counter. “Bukas ko na yan babalikan, pasensya na sa abala. Salamat friend, bye.” sabay kaway ko sa nakatayong kaibigan at agad na sumakay ng sasakyan. Club, Red Butterfly. Dumiretso ako ng parking nang biglang may tumawag. Hindi ko sana sasagutin ngunit nag-appear sa screen ang pangalan ni Brix Montemayor. “Yes, bastardo anong kailangan mo at bilisan mong magsalita dahil busy ako.” “Go home! Alam kong nariyan ka sa Red Butterfly.” “How did you know?” “ Nakalimutan mong kaibigan ko ang spy mo? Umalis ka na diyan bago ka pa pag lamayan ngayon gabi!” nailayo niya ang cellphone sa tenga sa ginawang pag sigaw ni Brix. “Alam mong matagal ko na itong hinihintay. Kaya bakit kita susundin? Kung ayaw mong paglamayan ako ngayon gabi ay puntahan mo ako dito at mag-back up ka!” sigaw ko rin dito. “F*ck you, woman! Matigas talaga ang ulo mo!” “Asshole! Bye!” at agad kong sinara ang aking cellphone. Bahala ang bastardong yon, huh! At bago bumaba ay minsan pang kinapa ang weapon na nasa katawan. Pagkatapos ay dinampot ang baril at sinukbit sa kanyang hita. Pagpasok ko sa entrance ay aking binunot sa bulsa ng suot kong jacket ang isang bundle na pera. At tumango na lang ang staff bago mabilis na dinampot ang pera. Kailangan ko itong gawin upang maipasok ko sa loob ang weapon. Sa counter ako naupo at agad na nag-order. “Pogi, three shots of tequila.” sinulyapan pa ako ng bartender bago nakangiti na nagsalin sa tatlong baso. Nilapag sa aking mismong harapan kaya naman ay mabilis ko iyong nilagok. Nag-init agad ang aking katawan matapos mainom ang tatlong shots. Nang maibaba ang huling baso ay gumala ang aking paningin sa kabuuan ng club. Hindi gaanong maraming tao at may ibang bakante pang table. “b***h! Totoo nga ang sabi ni Gabriel, magpapakamatay ka.” “Anong ginagawa mo dito, Miles?” “Hindi ako nag-iisa ayon si Desiree at Dyosa ng kagandahan.” paglingon niya sa kanang bahagi ay naka pwesto ang apat. Sa itsura ng mga ito ay tila pakawalang babae. “Bakit ganyan ang suot ng mga yon parang GRO?” “Alam mo naman kapag nag-trip ang mga yan. Pati ang kanilang mga asawa ay ayon at pinainom ng pampatulog. “Maiwan ka dito at may titingnan lang ako sa banda doon.” mabilis na tumayo at pagkatapos ay malaki ang hakbang na tinungo ko ang mga VIP room. Isang waiter ang nakasalubong at agad na inagaw ang dala nitong tray. May laman iyon na inumin kaya agad na gumana ang isipan. Habang naglalakad patungo sa Room #:005 ay dinayal ang numero ni Desiree. Pagkatapos ay mabilis na ipinasok sa bulsa ang hawak na cellphone. Pagpasok sa loob ay nadatnan ang tatlong lalaki at may tatlo din babae sa tabi ng mga ito. Nang tumingin sa direksyon ko ang mga ito ay agad na tamayo ang isa sa tatlo. “Sweety, come sit on my lap.” tinapik pa nito ang mga hita. Hindi naman siya nag-paapekto. Bagkus ay binaba ang tray sa ibabaw ng table. “Paalisin mo ang mga babae dito kung gusto mong sundin ko ang kagustuhan mo.” malapad na ngumiti ang lalaki sa kanya bago mabilis na suminyas. Nang wala na ang tatlong babae ay muling bumukas ang pinto. Pumasok si Desiree at Miles. “Wow! Mga kasama mo ba silang lahat sweety?” “Yes, mga kaibigan ko sila,” sabay sinyas ko kay Miles at nang tumango ito ay lumapit na ako sa naghihintay na lalaki. Subalit sa bilis ng pangyayari ay muntik na akong tinamaan ng lumilipad na bote. “Miles!” malakas kong sigaw dito at agad naman nitong naiwasan iyon.” “Akala yata ninyo ay hindi ko alam na kami ang pakay nyo?” gigil na sigaw ng lalaking aking kaharap. “Mabuti pala at alam mo at siguro naman ay kilala mo rin ako, huh!” “Anong kailangan nyo sa amin dahil wala akong alam na may atraso kami sa inyo, b***h!” sa narinig ay hindi ko na pigilan paliparin ang magkasunod na sipa. Marahil hindi nito iyon inaasahan kaya na sapol sa dibdib at bumagsak ito sa sofa. “Kill them!” muling sigaw nito sa kasama. Ngunit hindi ako kumilos o kahit sulyapan ang mga kasamahan nito. Hinayaan ko ang aking dalawang kasama at nag-focus ako sa kaharap ko. “Hindi kita papatayin kung ituturo mo sa akin kung nasaan ang amo mo!” “Nagpapatawa ka ba b***h!” sa narinig ay muling nagpanting ang aking tenga. At agad akong tumalon sa table na nasa pagitan naming dalawa. Sipa at suntok ang aking pinakawalan ngunit mabilis na nakailag. Magaling din pa lang makipaglaban ang tarantado. Ang hindi yata inaasahan ay nang bunutin ko ang baril sa aking likuran. “Tatapusin ko ang buhay mong gago ka kapag hindi ka pa nagsalita, sinong boss mo?” sabay kasa ko sa aking baril at agad na tinatukan ito sa ulo. “Wala kang malalaman sa akin kaya kalabitin mo na lang yan.” mas lalong uminit ang aking ulo at sa isang iglap ay kinalabit ko ang gatilyo. Ngunit hindi sa ulo ang patama kundi sa kamay nitong may hawak na kutsilyo. Kahit ang totoo ay nangangati ang aking kamay na butasin ang ulo nito. Kahit paano ay malinaw pa rin ang aking isipan, hanggang maari hindi ako papatay. ILANG araw na rin ang lumipas at magmula ng gabing yon ay hindi na kami nagkita ng mga kaibigan ko. Ngayon ay narito ako loob ng barko patungong Leyte. Ang sabi ng isa sa tatlong lalaking umamin ay doon ko matatagpuan ang amo ng mga ito. Hindi ako makatulog sa samut saring gumugulo sa aking isipan. Kaya lumabas at nagpasya na maglakad lakad muna sa labas. Wala ng gaanong tao dahil midnight na at marahil ay natutulog na ang karamihan. Naupo ako sa isang bench at sumandal, hinayaan ang malakas na hangin humahampas sa aking mukha. Pumikit ako at sinikap na ma-relax ang isipan upang makapag-isip ng maayos. Ngunit napadilat din agad ng may naulinigan ingay. Humakbang patungo sa maliit na hagdan at umakyat hanggang narating ko ang rooftop. “Huwag ka ng pumalag kundi ay ihuhulog kita sa dagat ng walang makinabang sayo!” “H-Huwag po, maawa kayo sa akin may m-malubhang sakit po ang aking mama. Kaya kailangan kong makauwi upang ibigay ang halaga na kailangan niya sa operasyon.” “Wala akong pakialam sa nanay mong may sakit, ang kailangan ko ay ang halagang yon!” “W-Wala po sa akin ang p-pera…. “Sinungaling!” hala ihulog ang babaeng yan upang kainin ng mga pating!” “Let her go!” hindi ko na natiis ang aking mga naririnig. Kaya lumapit ako sa kanila at agad na nasanagan ng ilaw ang kumikinang na kutsilyong hawak ng mga ito. “Sino ka para makialam o baka gusto mong ihulog din kita?” “I said let her go!” “Sino kayo at anong ginagawa nyo sa lugar na ito?” narilihan ako sa gagawing paglapit sa dalawang lalaki ng marinig ang baritono na boses ng lalaki. Umatras ako bago lumapit sa babaeng nakaluhod. “Miss. Tumayo ka na riyan at sumama ka sa akin.” ngunit hindi pa man lang nakakakilos ang babae ay lumitaw sa tabi ko ang lalaking may baritono na boses. Madilim at hindi kita ang mukha nito ngunit aninag sa silaw ng ilaw ang matipuno nitong katawan. Matangkad din ito at sa taas niyang five and six inches ay hanggang balikat lamang siya nito. “Kasabwat ka ba ng dalawang ito sa pagnanakaw?” “Huwag mo akong akusahan mister kung wala kang katibayan.” agad na nag-init ang aking ulo sa narinig. “Miss, nagtatanong lang ako kaya yon ang sagutin mo.” “Sino ka ba at para kang pulis kung umasta, Mister?” “Kung sabihin kong pulis nga ako sasagot ka ng maayos?” “Hindi, dahil wala sa itsura mo ang isang pulis. Miss, halika na at ihahatid na kita sa cabin mo.” ngunit akmang hahakbang na siya ay mahigpit siya nitong hinawakan. At dahil nabigla ay agad niya itong nasipa. “Ouch! Bakit mo ako sinipa?” “You deserved it!” saka mabili kong hinila ang babae at tumakbo na kami pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD