CHAPTER #1.

1064 Words
MAAGA akong nagising dahil may naririnig akong ingay at kahit anong takip ko sa aking tenga ang ingay parin kaya bumangon na ako at napatingin sa birada. Tumayo ako at nag tungo doon at doon ko nakita si Zayden Jude Cordova na nag wowork out. "Wala kabang gym?" Inis kong tanong, nahinto ito sa ginagawa niya at tumingin sa'kin sabay puaas ng pawis. "Wala kanang magagawa kung dito ko gusto mag work out, at saka umaga na at bilang asawa ko dapat ipag handa mo ako ng umagahan" aniya at nag patuloy ulit sa ginagawa. Grabe isa siyang mafia boss at hindi ko akalain na ganito siya ka bossy, napatingin ako sa mga bumble at kay Zayden na busy sa pag wowork out. Napangiti alang ako dahil sa iniisip ko. Nag ayos na ako para makapasok sa school, nag luto ako ng baon at sinabay kona rin yung umagahan ni Zayden. Matapos kong mag luto kumain na ako at matapos non sakto bumaba nasi Zayden at paalis na ako. "Hindi ko makita yung isa sa mga dumbel ko gamit ko lang kanina iyon" aniya nung nakasalubong ako. "Nasa kaldero niluto ko umagahan mo" ani ko, nakita ko ang gulat ni Zayden kaya agad itong nag punta sa kusina. "Autumn Mae!" sigaw nito, woah , kilala pala niya ako ang akala ko may magaganap na introduced yourself pa kami. Hinatid ako ng driver ni Zayden kahit ayaw ko dahil agaw pansin kaso sure ako na hindi ako makakapasok kapag hindi ako sumunod. Si Zayden ang masusunod siya ang boss kaya wala akong magagawa kapag sinabi niya dapat gawin wag na siyang galitin pa. "Malapit na ojt hindi ko parin alam kung saan ako kag oojt" tumingin ako kay Sara kaibigan ko. "Diba may company yung ate mo doon ka nalang para hindi ka mahirapan pa" ngumuso si Sara. "Ayaw ko doon gagawin lang akong utusan ni ate kaya sa iba nalang" aniya. Architect ang kinuha kong curse kahit na mahirap kahit papaano kaya naman lag pasan, isang architect si mama at pangarap kong maging katulad niya balang araw. Ang kaso simula nong iwan niya kami ni papa hindi kona siya nakita pa, wala na akong balita sa kaniya kaya naman ginaya ko nalang si mama. Matapos ang klase namin umuwi na agad si Sara gusto kopa naman sanang mag punta ngaun sa library para mag study kahit saglit o di kaya tumambay sa malapit na café ang kaso nandito na agad ang sundo kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi. Pag uwi ko tahimik ang bahay, medyo natatakot parin ako sa mga dalang baril ng mga guard pero wala naman akong magagawa, dahil utos iyan ng magaling nilang boss na puro hangin laman ng katawan. "Oh, nakauwi kana pala" si Zayden na ang sarap pa ng hinga sa sofa at may hawak na libro, nag babasa pala siya pero mas maganda kung bible hawak niya para naman masunog si Zayden ng unti. Hindi kona sana kakausapin si Zayden dahil umiinit lang ang dugo ko sa kaniya ang kaso napahinto ako sa sinabi nito. "Hindi pa ako nag hahapunan, sinadya ko para makasabay ko sa hapunan ang asawa ko" nakangiti niyang sabi, ngumiwi ako at umakyat na sa taas para mga bihis. Sabagay gutom narin ako nakakagutom rin ang mag-aral at saka mamaya may mga gagawin pa ako kaya need ko ng food for energy. Pag baba ko nag punta ako agad sa kusina nakahanda na ang pag kain, naka helera ang limang katulong na babae at isang lalaki na mukhang butler. Meron si Zayden neto? Nag simula na kaming kumain tahimik lang kami pero hindi ako confortable sa mg katulong na nandito iba talaga ang buhay ng isang mayaman. Matapos naming kumain agad na akong umakyat ng kuwarto dahil my project pa akong dapat tapusin ang kaso... "Isa ka palang architect student" ani ni Zayden. Bakit siya nandito? "Puwede ba doon kanga, at saka hindi kaba busy ngaun ang dami mo kayang trabaho" ani ko ng hindi nililingon si Zayden. "May mga tao ako na gagawa non para sa'kin at saka wala ako sa mood ngaun mag trabaho" "Sana mawala rin ang mood mo na guluhin ako dahil gusto kolang naman ay ang mag aral ng tahimik at walang pang gulo" nag simula na ako sa pag cacraf kailangann ko itong matapos bago mag ojt isang linggo nalang. "Inspiration kaya ako hindi pang gulo" ani ni Zayden na parang sinasadya niya. Gusto ko siyang suntukin ang kaso hindi puwede. Baka mamatay ako... Hindi ko pinansin si Zayden nag patuloy lang ako sa ginawa ko at hindi ko inaasahan na hindi siya titigil hanggang sa mainis ako . Ayan tuloy wala akong nagawa pumasok ako na walang dala isang linggo nalang ang meron ako para tapusin ang project na iyon. "First time kong makita kang walang dala Autumn" ani ni Sara. "Kung alam molang wala akong tulog" "Pero kasi isang linggo nalang 'yon baka hindi ka makapasa nag papartime ka paba?" Dati bago ako ikasal kay Zayden nag papart-time ko sa dalawang shop kaya masuwerte nalang talaga ako kapag nakatulog ako ng isang oras at makapag pahinga ng isang oras... "Buti pa yung sa'yo patapos na" "Syempre nag puyat ako at nag focus" ngumiti ako , ang cute talaga ni Sara sana kapag dumating ang araw na mag mahal na siya hindi mapunta si Sara sa maling tao. "Siya nga pala may hanap na akong company gusto mong sumama?" Tanong nito. "Please, wala parin akong nahahanap" kung alam molang ang pinag dadaanan ko ngaun Sara maski ikaw matatakot at hindi maniniwala. "Company iyon ng pinsan ko sinabi ko kasi kay ate na ayaw ko sa company niya kaya naman nilapit nalang niya ako sa pinsan namin" "Isabay mona ako para mag kasama tayo" "Sure" Dahil kay Sara hindi kona poproblemahin ang ojt dahil may company na kaming papasokan ang problem ako nalang ngaun ay yung project ko hindi ko matapos dahil may magulo sa bahay. Nag uwian na kaya umuwi na kami wala naman na akong work kaya hindi na ako pupunta doon, pag dating sa bahay nakakatakot parin. Buti pa yung mga katulong nakakaya niya ang makita ang mga lalaki na ito namay baril araw araw. Pag pasok ko sa loob tahimik, kumurap ako at nakiramdam mona and then wala akong naramdaman so mag-isa ako ngaun... So magagawa ko ng payapa ang project ko... ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD