CHAPTER 7

1725 Words
Hindi ako dumaan sa harap dahil maraming tao doon. I don't want them to see my face with tears at baka isumbong ako ng ibang empleyado kay West ‘pag nakita nila akong umiiyak. Sa likod ako dumaan at pumunta sa banyo. Doon ko pinagpatuloy ang pag-iyak ng sakit na nararamdaman ko. Ang gusto ko lang gawin sa mga oras na to ay ang umiyak hanggang sa mapagod ako at kusa na lang huminto ang mga luha sa pagpatak. "Aw, you're here! Sabi ko na self." Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na boses. Malabo na ang paningin ko but I can still recognize Gle Ann's face. May hawak siyang cotton candy. "G'Ann." She sighed and hugged me. Akala ko wala na kong iiiyak pero nung yakapin ako ng kaibigan ko sumakit na naman ulit ang puso ko. Hindi ko kayang isipin ang mukha ngayon ni West kasama ang ibang babae. Hindi ko kaya, masakit. Alam kong wala akong magagawa sa nararamdaman ng best friend ko pero gusto kung sabihin na sana ako na lang. Sana ako na lang ang dahilan ng pag-ngiti niya ngayon. Sana ‘wag na lang siyang sagutin. "Nakita kita kanina kasama si West pero may nakita rin akong babae kani-kanina lang na hinahanap rin si West kaya sumunod ako sa pinuntahan niyo. Hindi na kita nakita sa tulay pero nakita ko ang best friend mo na kasama yung babae. Alam mo namang matalino ako kaya na gets ko agad ang nangayari kaya hinanap na kita," paliwanag niya at hinagod ang likod ko. I wiped my tears and laughed bitterly, "That's the girls he wants to his girlfriend." Hindi nagulat si Gle Ann. "Do you know? Her name is Kyla too." Unti-unting nanlaki ang mata niya at nabitawan ang hawak niyang coton candy. "What?!" Kung nasa normal na pag-uusap lang kami baka natawa na ko sa reaksyon niya. Gle Ann is funny but I just can't laugh right now. "Alam mo rin bang akala ko ako yung Kyla na mahal niya? I heard him talking with his friend and said that he really loves 'Kyla' and I thought that was me. Nagkamali ako G'Ann, may iba na pala siyang Kyla. Mas maganda, mas sexy, mas---" Hindi ko na naituloy dahil tumulo nanaman ang luha ko. Bakit ba ang hina ko sa ganitong bagay? Why can't I control my tears from falling down? Hindi ba sila napapagod? "Oh, my goshness, my sweet friend. Sinasabi ko na nga bang dadating talaga ito." Inayos niya ang buhok ko. "Hayaan mo na. E, ano ngayon kung mas maganda at sexy siya? Mas kawalan ang isang tulad mo na malambing at cute kasi nakakasawa ang mga magagandang mukha." I get it, she is trying to make me smile but I just can't. This damn teardrops of mine is hard to stop. "Aanhin ko ang hindi pagiging kawalan kung ayaw niya sakin?" Umiling siya, "Wala naman sigurong sinabi si West na ayaw niya sayo ‘di ba?" "Then why can't he love me back?" "It's because he respects your friendship, Kyla. Nakatatak na siguro sa isipan niya na hanggang kaibigan o kapatid ka lang." "Maybe, pero imposible bang maramdaman niya ang nararamdaman ko? Hindi rin naman siguro siya ganon ka manhid para hindi mapansin ang nararamdaman ko sa kanya diba?" I asked again. Malungkot siyang umiling. "Hindi ko alam, Ky. Siguro oo, pero sabi ko nga na baka binabaliwala niya lang iyon kasi baka akala niya ang mga bagay na ginagawa mo para sa kanya ay sa pagkakaibigan niyo lang. Ayaw niyang lagyan ng meaning, sis." Tumahimik ako at inisip ng mabuti ang narinig ko. Matalino si West kaya hindi malabong maramdaman o makita niya na may ibang meaning ang mga actions ko pero sinanay niya na lang ata ang sarili niya at inakalang mali ang nakikita niya. "Tell me G'Ann, mali ba itong nararamdaman ko?" I asked her. Hindi close si Gle Ann sa iba kong nga kaibigan o mas tamang sabihin na hindi siya nito kilala pero malapit kami at alam niya ang mga nangayayari sa buhay ko. She shook her head, "No, no. Nothing’s wrong with it but, if you will still continue pushing yourself and staying on his side knowing that he's already in love with someone else is not good anymore. That's already a torture, Kyla." I know, she's right. "B-but I can still stay on his side as his bestfriend right?" She sighed, "I don't know. Ilagay natin ang sitwasyon mo bilang si Kyla ---i mean the other Kyla, paano kung yung boyfriend mo nakakasama pa rin ang best friend niya sa iisang bubong? Kahit alam mong walang nangyayari pero bilang isang babae syempre may iisipin ko talagang iba." E saan ako lulugar? Mas nauna naman ako kaysa kay Kyla Maxine. Mas nauna kong nakilala si West. "It's better to stay away from him, Ky. By that, makaka move on." ~~~ Move on. Easy to say than done. Hindi pa nga ako iniiwan ni West sobrang nasasaktan na ako, ano pa kaya kung malaman kong sila na? Kung ang iba mas gugustuhin na lumayo para mag move on at para hindi lalong masaktan, ako naman mas pipiliin ang manatili at least nakikita ko siya kahit hindi na ako ang laging dahilan ng pag-ngiti niya. I remembered our high school days. West told me that I am his favorite person because I am making him happy every day. Gusto kong itanong ngayon kung ako pa rin ba? But it's already obvious Kyla, may iba na siya. Hindi sa lahat ng oras mananatili sa ‘yo ang isang bagay o tao dahil dadating ang panahon na magigising ka na lang na wala na pala sila. I closed my eyes as I lay on my bed. After naming mag-usap ni Gle Ann umuwi na ako sa bahay namin dahil alam kong hindi ako makakatulog pag nandun ako sa hotel at kapag doon naman ako sa condo ni West, mabibingi lang ako sa sobrang katahimikan kasi wala siya. I better go home and let my mother asked a lot of questions. Napakarami niyang tanong pagkadating ko dito sa bahay. Kung bakit daw ako nag commute pauwi, kamusta ang lakad namin ni West at kung ano-ano pa. I just pouted at her and answered, "I'm tired, mommy. Bukas ka na lang gumawa ng reporting sa 'kin. Love you po." As my mother, alam kong alam niya na may problema ako kaya hinayaan niya na lang akong pumasok sa kwarto ko at hindi na ginulo pa. "Love you more, anak. Good night." Kung ang ibang nanay masyadong mausisa, masaya ako kasi hindi ganon si mommy kapag alam niyang gusto ko munang mag-isip o magpahinga. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko mapilit ang sarili ko na matulog kahit pagod na pagod ang pakiramdam ko. Inalala ko na lang ulit ang mga nangyari ngayong araw at mga sinabi ni Gle Ann bago ako nagpasyang umuwi. Napaisip ako ng mabuti sa sinabi niya. If ever I fell in love with someone and he has a best friend, will it be okay for me that they share the same house? Wala sa sarili akong umiling. No. Kung ganun kailangan kong umalis sa condo ni West dahil baka maging dahilan pa ito ng pag-aaway namin ni Kyla Maxine. I am in pain because West fall in love on her but it is not her fault in the first place. Wala namang nakakahawak ng puso ni West kaya pwede siyang mahulog sa iba. Kahit nasasaktan ako wala pa rin akong karapan magalit kay Kyla Maxine dahil nakikita ko namang mabuti siya. Bumangon ako at tinignan ang cellphone ko. I am expecting for West’s message if he'll found out that I am not in the resort anymore, but seems like he's still busy with her. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon? Nasa loob ba sila ng cabin ni West? Kumirot nanaman ang dibdib ko habang naiimagine na si Kyla Maxine na ang nakaupo sa upuan na inuupuan ko dati at sa kama na hinihigaan ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagkawala sa ‘kin ng mga bagay na konektado kay West, hindi na dapat ako magtataka sasusunod na siya naman ang mawawala. Hindi ko kaya. Ayaw ko. Pero nag-uumpisa na, sino ba ako para pigilan siya sa gusto niya? Best friend niya lang ako na pwede niyang kalimutan kapag nasa iba na ang atensyon niya. I was about to close my eyes again but I saw my phone lit up and heard the familiar music when someone is calling. Should I answer it? Pano kung isa 'to sa mga kaibigan ko? April, Glendel, Rochel, Marienel and Welmar? Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila ang nangayari ngayong araw kasi nahihiya ako. Nahihiya ako sa sarili ko na pinaglaban ko pang may pag-asang maging kami ni West pero ito ako ngayon at galing lang sa pag-iyak dahil nalaman kong may nililigawan na pala si West. Parang ayaw ko na lang ipakita sa kanila ang mukha ko. Hindi ko alam kung may ideya na ba sila pero sana wag na lang nilang malaman kasi natatakot akong sisihin nila ako kaya ako nasasaktan ngayon. Ang kapal pa ng mukha ko na isiping ako ang Kyla na tinutukoy niya pero hindi pala. East is right, sana naniwala na lang ako sa kanya. Hindi ko na sinagot ang tumutunog na cellphone hanggang sa mamatay ito at tumahimik na naman ang kwarto ko. Akala ko makakatulog na ako ng tuluyan pero tumunog ulit ito ng paulit-ulit. Sabi ni mommy, kapag may tumawag daw sayo ng paulit-ulit, ibig sabihin raw no’n ay importante ang sasabihin sa ‘yo ng tumatawag kaya inabot ko na ang cellphone at sumagot. I didn't bother to look at the name of the caller since my eyes is already close. "Hello?" I said with my sweet and tired voice. Walang sumagot kaya nagsalita ako ulit. I heard someone sighed on the other line that makes my eyes open. Alam na alam ko ang pananalita at kahit pagbuntong hininga niya. "B-boo?" Rinig ko ang tubig galing sa dagat kaya ibig sabihin lang nito na nasa dalampasigan siya at nakaupo. Kasama niya ba si Kyla Maxine? Pero bakit hindi ito nagsasalita? I was about to call his name again when I heard him said, "I need you right now, Bee. Na-basted ata ako ni Kyla."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD