"Are you officially dating already?" Nabitin sa ere ang barbecue na isusubo ko sana dahil sa tanong niya. I thought he was busy with his phone but I was wrong. Nakapatay ang screen niya at nilalaro niya lang 'yun. "No," agad kong sagot. "I mean, not yet." "You have plans?" Lumunok ako at tumango. "W-why not?" Sumandal siya sa inuupuan niya at tinignan ako sa mata. "Yea. You f*****g like him after all." "Where is Kyla Maxine? Hindi mo kasama?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko naman nakita ang girlfriend niyang nakabuntot sa kanya. "May nakikita ka?" suplado niyang tanong kaya umawang ang labi ko. "Kaya ko nga tinatanong, diba?" balik ko. "Wala ka ngang nakikita, ‘di ba?" "Pikon." "Maldita." My jaw clenched because of annoyance. Saang parte ako nag maldita? Hindi ko na alam ku

