"Bee?" kunot noong tawag niya sa ‘kin na parang nagtataka kung bakit ko sinabi 'yon. Palihim akong bumuntong hininga at ngumiti na lang sa kanya. "Sabi ko ako na lang. Ako na lang ang maghuhugas ng plato." Saying those words is hard for me. Hello, hindi naman talaga yun ang gusto kong sabihin sa kanya pero kailangan kong sabihin yun for the sake of this friendship that I have with him. Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin noon na mahal ko siya dahil baka masira ang pagkakaibigan namin kung hindi kami pareho ng nararamdaman. I don’t want to lose everything with him. Baka hindi na kami magiging katulad noon dahil awkward na at mahihiya na rin akong lumapit sa kanya kasi inamin ko lang naman na may gusto ako tapos siya wala. Mabuti at nakakapag-isip pa ako ng tama noon. "You alread

