Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag-kulo ng tyan ko. Ah yeah, wala rin pala akong kain mula kahapon. Great. Nagpahanda ako ng pagkain sa katulong bago ako pumunta sa banyo at naligo. Hindi ko pa tinitignan ang cellphone ko kaya hindi ko alam kong tumawag ba si West o hindi. Hinanap niya kaya ako? Hindi ako nag-paalam na aalis ako sa condo niya kaya siguradong magtataka yun na wala ako. Tama nga ako sa hinala ko nang buksan ko ang cellphone ko pagkatapos kong maligo. Forty-two missed calls from him and messages asking where in the earth I am. I want to roll my eyes, alam naman niya siguro na may ibang bahay rin akong inuuwian ‘di ba? Uh, not funny Kyla. Geez. Bumalik na naman ang kaba ko nang maalala na dapat ko palang ihanda ang sarili ko para sa mga tanong niya kapag nagkita na ka

