Third Person's P.O.V Papunta sina Ace at Fred ngayon sa Light Clan, ngunit batid din nilang mahirap na puntahan ito lalo na't hindi nila alam kung anong mga pagsubok ang kakaharapin nila doon. Habang naglalakbay ay mapapansin ang katahimikan ng dalawa. Dahil na rin sa sobrang tahimik ay binasag na ito ni Fred. "Anong nangyari sa atin?" tanong nito kay Ace na nagpagulat sa kanya. "Bakit hindi mo tanungin yung sarili mo? Diba ikaw rin naman ang nagdesisiyon para sa ating dalawa, at hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka. Kaya huwag mo sa akin tanungin kung anong nangyari sa atin." sagot nito habang inaalala ang mga panahong magkasama sila. "Kung ganon nga, bakit hindi ka nagparamdam man lang?" tanong ulit nito at sa pagkakataong ito ay naiinis na si Ace. "So ano ang gusto mon

