(A/N: Nangyari ito noong pumunta sila Silver sa isang misyon) ---------- Third Person's P.O.V Nang makaalis na sila Silver ay nagbalik sa normal ang lahat, maliban sa pagiging malungkot ng lahat, lalo na si Chester na kahit ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay namimiss na niya ito. Gusto man niyang tutulan ang pagsama ni Silver sa misyo kasama si Aeolus ay hindi maaari. Dumating ang lunch, sobrang tahimik lang sa table nila, hindi tulad dati noong mayroon si Silver, sobrang saya, puro tawanan at asaran. Hindi maikakailang mahalaga si Silver sa lahat lalo na sa mga bestfriends at sa kasintahang si Chester. Habang tahimik na kumakain ay biglang sumulpot ang babaeng ginto, si Goldy. "Hey guys, can I join?" tanong nito sa lahat, wala siyang nakuhang sagot. "Okay, I'll take that a

