Chester's P.O.V Inunahan ako ng mga mokong, lalo na yang si Yojer umiinit ang ulo ko sa kanya eh. Nakiss niya pa sa ilong, hayyss, ako dapat ang first kiss niya. Oo, I'm possessive lalo na kung yung taong mahal mo yun, sino ba namang hindi magiging possessive dahil dun. Pero ngayon ang araw ko, yes, it's my turn to prove myself to him, to prove that I'm deserving for his love. Papunta na ako sa dorm niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, masaya, excited, kinakabahan baka mabulilyaso ang date na 'to. Kumatok na ako. "Andiyan na!" sigaw niya mula sa loob. Maya-maya pa ay lumabas na siya at ganun na lang ako namangha dahil sa pormahan niya ngayon. Basta cute, yun yon, ayokong iexplain kasi nakakatamad okay. "Wow, gwapo natin ngayon ah.." sabi nito, nakaka-overwhelm naman

