“I came all the way here in this weather. I think I deserve to see you now. I already waited for too long,” sambit pa ng babae. Pero bago ko pa marinig ang iba pa niyang mga sasabihin ay hinila na ako ni Caiden palabas muli sa bahay ko. Sinubukan ko pa nga na magpumiglas sa hawak niya, pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Kaya naman ay ‘di ako makawala sa kaniya. Mas lalong ‘di ko naman magawa na sigawan siya para pigilan na hilahin ako. Dahil kapag sinigawan ko siya ay maririnig ng babae na nasa loob ng bahay namin at malalaman niya na may ibang tao rito. “What the hell are you doing to me? Bakit mo ako hinila palabas ulit ng bahay namin?” nagtataka na tanong ko agad kay Caiden nang makalabas na kami sa gate. Pinapayungan pa rin niya ako. Ang maleta ko pa nga pala ay nasa loob n

