Pabalik na ulit kami ngayon sa Pinas. Nakakapagod dahil wala akong kapalitan, pero kailangan kong mag-trabaho. Napapaos na nga ako dahil kailangan talaga ay malakas ang boses kapag nagde-demo kami sa harapan ng lahat ng passengers. Para mas maintindihan nila ng mabuti. Dahil ang iba ay first time travelers. Mas mabuti na rin na paalalahanan ang iba pang pasahero para hindi nila makalimutan. As for Mr. Baguio Guy or Caden Reiss, hindi ko na siya pinansin pa. What a total weirdo. Mukha tuloy siyang isang bata na tumakas o naglayas sa bahay nila tapos walang mapuntahan na bahay. Kaya ang ginawa na lang niya ay magpahinga sa ere. Nasa tabi rin siya ng bintana ng eroplano. Nang madaanan ko siya kanina ay nakikinig lang siya sa headset niya. Tapos nakatingin lang din siya sa mga ulap na nadada

