“Ayi! Nami-miss ka na namin ng sobra sa aircraft! Hindi talaga masaya magtrabaho kapag hindi ka namin kasama roon,” malungkot naman na sambit sa akin ni Bry nang magkita kami. Ngayon lang nagkatugma ang schedule namin. Wala pa namang isang buwan na ‘di ako nagtatrabaho sa aircraft bilang flight attendant, pero para bang miss na miss na nila ako ng sobra at matagal na talaga nila akong ‘di nakakasama. “Miss ko na rin kayo. Ang boring ng trabaho ko dahil hindi kayo ang nakakasalamuha ko,” sagot ko rin sa sinabi niya sa akin. Nasa isang coffee shop kami ngayon at nakatambay lang para mag-chill kahit papaano. Ngayon lang nagsabay ang rest days naming tatlo. Kaya sinusulit na namin na magkakasama kami. Kahit naman noong flight attendant pa ako ay hindi rin namin nagagawa ‘to. Dahil masiya

