" Gusto mo ba muna magkape anak ? Ipagtitimpla kita. " - tanong ni yaya habang isa-isang nililigpit ang mga ginamit sa sugat ni sab na hanggang likod may scratch siyang malaki.
" hindi na yaya, inaantok na din ako" -pagtanggi ko.
" ikaw sab? anong gusto mo?" - tanong ni yaya kay sab . Huminto na siya sa pag iyak pero hindi pa din siya nagku-kwento kung anong nangyari. Naalala ko si miane ng unang gabi na makita ko siya parang si sab din na takot na takot, tapos hindi makausap ng maayos. Halos ilang oras na din siyang nakatitig sa isang part ng room ko.
" thankyou na lang po yaya, wala din po akong gana. Thankyou po pala sa pagpapatuloy sa akin." -malungkot niyang boses, ngumite si yaya sabay lumabas na ng kwarto na bitbit ang mga pinaggamitan kay sab.
"Gusto mo magkwento? " -tanong ko habang naka-crosshand na nakasandal sa wall na malapit sa pinto. Nawala na kalasingan ko ng makita ko si sab
" Hindi ka pa ba inaantok ?" - tanong niya, umiling ako. sabay tumapik siya sa right side ng bed para paupuin ako. Lumapit ako at humiga habang nakalapat ang dalawang talampakan sa carpet.
" nasubukan mo na ba makasakit para lang makuha yung gusto mo?" -tanong niya sabay humiga na din habang nakatingin sa ceiling.
" hindi ko kayang gawin yon " - sagot ko
"yung gitara na gift sayo ni tita bago mo makuha is nag-away pa kayo ni tito. Dahil gusto niya mag medschool ka na katulad niya ,kaya nga sabi mo mag nurse ako kahit ayoko pero sinunod kita. Sa palagay mo hindi ba nasaktan si tito sa decission mo? " -seryosong tanong niya habang hinihimas yung sugat niya sa balikat.
"but not in physical naman, katulad niyan hehe .Sinunod ko siya wag lang sirain yung gitara ko. -biro ko, tumawa siya ng mahina sabay kinurot ako. Kahit nagkikita kami before,hindi kami nagkakausap ng deep talk like now.
" Pero diba nagshift ka ng hrm ng hindi na ako pumasok.? '-pahabol ko
"yah, so your still updated ? " tanong niya
" but im not interested" -mabilis kong sagot, Natawa siya kaya natawa din ako
.
" nice joke ah hehehe" sabi niya. Tumayo ako para kumuha ng beer and para abisuhan na din si yaya.
" where you going? tanong niya habang hawak ko ang doorknob.
" kukuha ng can pampaantok lang, gusto mo ?" - tanong ko . Tumango siya kaya lumabas na ako ng kwarto.
" ya, kapag may pumunta sabihin mo wala ako ha? Basta ikaw na bahala" -sabi ko habang isa-isang nilalagay ang can sa bucket.
"Hindi ko man laang ba muna tatanongin kung sino?" - tanong ni yaya habang nanonood ng anak na palabas ni vilma santos.
" isa lang naman ang pupunta, pabalikin mo na lang bukas. Taga sa kabilang street lang naman siya kaya anytime makakabalik siya." - alam kong si jasmine lang ang pupunta. Mas okay ng iwasan siya habang maaga pa
" hala sige, Aapat na laang ang beer sa pridyider,baka magkulang sa inyo ni sab, magpapabile ka pa ba? Pwede kapag natapos na ang ate v.? -sabi niya na hindi lumilingon na nakatutok sa screen ng tv.
" hindi na po, papaantok lang naman." - sagot ko sabay pumasok na ng kwarto.
" Apat na lang 'to ,3 for me and one for you hehe"- biro ko. Umupo kami sa couch na nasa kabilang side ng bed. Kinuha ni sab phone niya tsaka pumindot sa screen.
" anong flavor ng pizza mo? pepperoni pa din ba? " tanong niya.
" oo, ako na lang oorder. " -tumayo ako para kunin yung phone sa pocket ng jeans ko.
"Shocks !"
"bakit" - nakatingin niyang tanong.
" yung phone ko naiwan ko sa kotse ni rave." -napatulala kong sagot.
" vacation ka na diba? so hindi tatawag manager mo , wait tawagan ko si rave. Panong sa kotse ka ni rave sumakay? ang layo pa naman ng bahay ni rave. Kay zy kayo nakasakay last night . " -sabi niya sabay dial ng number ni rave.
" Pinadala ni rave yung kotse niya sa driver para magpasundo. Tumirik kasi yung kotse ni zy kaya naiwan sa shell. Hinatid na lang kami ng driver pauwe." -sagot ko
" Hindi sinasagot, tulog pa yon. Ill text him na lang para aware siyang nasa kotse niya yung phone mo or if you want tawagan ko driver ko para papuntahin ng antipolo ?" -offer niya.
" hindi na, ako na lang pupunta. Makikitext na lang ako kay yaya mamaya baka kasi... Baka kasi tumatawag si miane" -pagtanggi ko. Nagpout siya sabay umorder ng yellowcab.
" who's miane? girlfriend ? " -pagsisiyasat niya.
" hindi pa, pero malapit na" - nangingite kong sagot.
" ahhh okay. " pilit na ngite niyang sabi. Umupo ako sa chair ng organ, isa-isang kinakapa ang notes habang umiinom. Nakatingin lang siya sa akin habang tinutugtog ko ang love is all that matters.
" okay sana yung kasama ko kagabi pero may pag-kapraning lang" -pag open niya ng topic kaya huminto ako sa pag pinch ng organ.
" akala ko hihintayin pa natin dumating yung pizza bago ka magkwento. what happened ba last night? Saan mo ba nakilala yung Lv butch na yon ?" - curious kong tanong tsaka bumalik sa couch kung saan siya nakaupo.
"Lv butch?" - tumaas isang kilay niya.
"hehe nevermind, sige kwento na" - nakangite kong sabi, uminom muna siya ng dalawang lunok bago siya magkwento.
"Common friends, 4months na din siyang nanliligaw. Kakabalik lang din niya ng pinas pero aalis din daw siya ulit .
.Sana wag na siyang bumalik para hindi na magcross yung way namin. Gwapo sana pero gago lang talaga.
Sabi niya sumama daw ako sa batangas just to proved na sincere daw siya pero hindi ako pumayag kasi may pictorial sana ako ng 1pm and then para na siyang nawala sa sarile. Pare-pareho lang daw kami. Buti na nga lang diyan kami nag-argue sa likod ng condo mo kaya nakatakbo ako papunta dito" -kwento niya na parang aburido.
" Saan galing yung paso ng yosi? " -curious kong tanong
"katangahan," mabilis niyang sagot
"actually hindi ko din alam, pero yung scratch sa likod ko yung paglabas ko ng kotse niya,nahatak niya damit ko kaya may punit. Yung pasa ko sa hita, ayon yung pinipilit niya akong makipagsex sakanya pero di ako pumayag, kasi naman ! sa likod talaga ng condo mo?haleer ! baka mamaya may makakita sa amin, magtrending pa ako sa social media. Kaya hinayaan ko siyang humalik sa upperbody ko kahit ang sakit niyang humalik na parang jellyfish kung sumipsip.
Kaya ang laki ng kissmark ko. Kainis diba? " -asar niyang kwento. Nagsalubong kilay ko sa inis. Parang ayoko ng marinig yung karugtong. Parang ako nasasaktan para sakanya.
" gago nga talaga, bakit hindi ka pumunta ng police station para magreklamo. Gago pala siya, tigang lang? Bakit kailangan niyang pwersahin yung tao kung ayaw." -pikon kong sabi sabay kumatok si yaya.
" anak nariyan ang picha. " -nakasilip sa pintong sabi ni yaya. Tumayo si sab para kumuha ng cash sa wallet niya. Nag-unahan pa kami sa pag-abot kay yaya ng pera pero mapilit si sab.
Siya ng libre.
"Ako na " - sabi ni sab sabay ngite
" ito ang satin, kay yaya yung isa.Kain na lang natin yung nangyare sa akin. Makakarma din siya. hahaha . Buti na lang talaga hindi ako pumayag, Ang laki sigurong sisi ko kapag hinayaan ko siyang may mangyare samin" -Sabay kagat sa pizza , halatang gutom siya kasi ang bilis niyang kumain. Nakakaisa pa lang ako pero nakadalawa na siya.
" Nexttime kilalanin mong maigi yung mga nakakasama mo para hindi na maulit yung ganyan. "pagpapaalala ko habang kumakain.
" I did ! i did a background check before ako pumayag na makipagkita sakanya. I hired a private investigator. Ilan beses na din daw siya nakukulong pero nakakalabas din daw agad. Only child siya kaya daw sobrang pasaway. Puro physical injury yung case niya based sa p.i .May ex nga daw sa laguna yon, hindi ko maalala name niya pero sabi ng p.i, Malaki daw utang ng babae kay mhadz dahil daw sa casino and ang sabi yung lot title na kay mhadz . Ang alam ko,iniipit niya yung babae " - deretso niyang kwento.
Ayun naman pala, bakit mo pa inentrtain if bad record na siya ?-singit ko
"Na'challenge ako" maiksi niyang sagot
Bitin pa ako sa kwento na mga nalaman niya about sa ex ni miane. Hindi ako nagkamali, same name . Same location and problem ni miane yung about sa utang. Mas lalo kong kinutuban, natakot din para kay miane. Mas lalo kong naintindihan lahat kung bakit siya laging tulala, kung bakit may takot sa mata niya sa tuwing babanggitin ng papa niya si mhadz, mas lalo ko siyang gustong protektahan sa ex niya, nagkaron ako ng malaking dahilan para agawin siya at magpursiging maging kami agad.
Next..