Chaper 9 ( TAFT)

1080 Words
- Mas delikado buhay ko kapag kasama ko si mhadz sa isang bubong. Nagmadali akong kunin ang sweatshirt, susi , cellphone at wallet ko sa kwarto. Tumakbo ko papapalabas ng talyer para alisin ang cover ng sasakyan ko. Kinuha ko ang plastic na may kape, pinasok ko sa loob ng kotse. Nagdrive ako papunta kay tita sa kabilang block. Mabuti na lang at gising pa yung dalawa kong pinsan na may mga kainuman. Bumaba ako ng kotse at pumunta sa tapat ng gate nila. " couz naligaw ka? Shot tayo? "-aya ni kuya albert. " Putcha pre, pinsan mo yan si miss suplada? small world !hahaha " -sabi ng isang epal na lalakeng kainuman nila sabay umapir sa isa pa nilang kainuman. " ah hindi kuya , papakisuyo ko lang sana yung bahay . Aalis kasi ko e, nandon si mhadz natutulog or kung gusto mo doon ka na lang matulog mamaya after mo uminom." -sabi ko sabay inabot ang susi ng bahay. " may cupnoodles ba don?" - tanong niya sabay ngumite ng nakakloko. " oo meron, ikaw na bahala ha? paki lang kuya ha? uuwi din ako mamaya kapag nakaalis na si mhadz." - pakiusap ko. "pre paupuin mo naman si bea alonzo ng village natin, maluwag dito sa tabi ko oh. " -sabi ng isa pang kainuman nila. " Gago pre hindi talo to" -sabi ni kuya albert "Sige ako na bahala, advance merry christmas couz hehe, regalo ko ha? hehe " - nakangiteng sabi niya sabay bumalik na sa upuan niya. Tumalikod na din ako at nagpaalam tsaka sumakay ng kotse. Saan ba ako pupunta? Sino bang workmates or kilala ko na gising ng 3:30am. I start the engine,bahala na kung saan ako dalhin ng tadhana basta huwag lang mag-cross landas namin ni mhadz. Habang nasa slex. Tumunog ang cellphone ko. Nagpark ako sa isang tabi para tignan kung sino nag-missedcall na isang ring lang tapos binaba agad. *dj missed call* Napangite ako , siya na lang lagi ang sagot sa mga tanong ko. Sinubukan ko siyang tawagan, nagbabakasakaling sagutin niya pero isang ring pa lang sinagot niya agad. " ang oa naman sumagot ng tawag" -bungad ko na napapangite " syempre baka makawala pa. Bakit gising ka pa? -tanong niya na may music ang background niya. " iniisip kasi kita ! hehehe charot lang ! Nasan ka? pwede bang kape tayo?" - tanong ko , napakagat na ko sa pointed finger ko habang hinhintay sasabihin niya. " akala ko pa naman totoo,lilipad na sana ko papunta diyan. Gusto mo magkape? Kanina inaaya kita ayaw mo, Ngayon ikaw nag-aaya? ayoko din " -sabi niya. Nagfade agad yung ngiti ko kanina. " ah ok" -sabi ko sabay end ng call. Nagdrive ako, nagmaneho hanggang makarating sa exit. Tumawag ng tumwag si dj pero hindi ko sinasagot. Nakarating ako ng taft, nagpark sa tapat ng 7/11 at bumile ng colt. Uminom ako sa loob ng kotse. Uminom ako hanggang lumipas ang oras, uminom ako habang sinasabayan ang tictoc ng relo ko. Hanggang kailan ba ako tatakas? Hanggang kailan ba ako matatakot kay mhadz. Nagsimula ng pumatak ang luha ko. Nagsimula ng magtanong ang isip ko ng "bakit". Sa tuwing pumapatak ang luha mas lalo akong nasasaktan. Mas lalong sumisikip dibdib ko. Sino ba kasing may sabi na nakakabawas ng pain ang pa-iyak? Ano bang scientific method ang kailangan para maging masaya na lang. Ang hirap, sobrang hirap na gusto mo ng sumuko pero hindi pwede kasi may anak ka. May utang ka na binabayaran kahit hindi naman ikaw ang nagpakasasa sa sugal. Buong buhay mo kailangan mo magtrabaho kasi may utang na loob ka sa magulang mo dahil binuhay ka nila. Hindi madaling maging anak at magulang. Hindi madaling mapunta sa lugar ko dahil punyeta buhay ko. Tapos may punyeta pa akong ex. Ano ba. Ang hirap ! Sobrang hirap naman. Sinagot ko tawag ni dj dahil sobrang nakukulitan na ko. Inabot na ako ng sikat ng araw sa tapat ng 7/11. "baket? "-masungit kong bungad " sorry na oh" -sabi niya " tapos ?" - tanong ko " lasing ka ba? Nasan ka? pupuntahan kita ?" -nag-aalala niyang tanong "pake mo?"- " sabihin mo kung nasan ka ! pupuntahan kita! -bulyaw niya " bakit mo ko sinisigawan?" " ano ba ! " -pasigaw niyang sabi " 7/11 vito cruz" sagot ko. " ok sige magbook lang ako sa grab, wag kang aalis diyan ! tawag ako ulit" -sabi niya sabay nag end call. Sinandal ko na ang ulo ko sa manibela hanggang mapapikit ako. Nakatulog dahil sa alak na dumadaloy sa katawan ko. Naipahinga ko ang isip ko na pagod sa kakaisip. Naipahinga ko yung puso ko na kanina pa gustong magwala. Naipahinga ko ang luha kong malapit na maubos. Maya-maya nagising ako na pinapaypayan ni dj habang nakahiga sa passenger seat, ang hirap huminga.Ang sakit sa dibdib. Parang kulang ang hangin.Umiikot ang paligid. Na parang may nakadagan sa dibdib ko. Ang hirap igalaw ng katawan. " miane gumising ka, malapit na tayo sa hospital. " -Sabi niya habang tuloy sa pagmamaneho at haplos ng haplos sa mukha ko. Pinilit kong idilat mata ko kahit ang hirap. Humingang malalim at hinawakan kamay niya. " oi? " - sabay humingang malalim. Hinawakan niya pisnge ko sabay tumingin sakin. Huminto siya sa tapat ng ER ng pgh. Nagmadali siyang bumaba para subukan akong kargahin pero pinigilan ko siya. Madami ng nakatingin samin. Sinisilip ako. May lumapit na din na nurse na may dalang stretcher. " lumaban ka miane, please" - halos tarantang-taranta na siya. Ang bilis kumilos. " bakit mo ko dinadala dito? Kumalma ka nga ! Ano ba ! bitawan mo ko, ayos lang ako. " -sabi ko kay dj na pilit tinatanggal ang braso niyang nakasalo sa pwetan ko. " nurse pasensya po, false alarm " - sabi ko sa nurse na nakaabang sakin. Ngumite ako at tinanggal kamay ni dj. Tumingin lang sakin si dj na takang taka. " dj pwede bang umuwi na tayo? Nakakahiya na to. " - sabi ko sabay bumalik na si dj sa driverseat at nagdrive na palabas ng hospital. Nagdrive siya papuntang condo. Tahimik kaming sumakay ng elevator hanggang makarating sa inuupahan niyang condo. Umupo ako sa couch sabay tumawa ng malakas na malakas, yung nakakalokong tawa. Masakit sa tyan at sa panga hanggang sa maglock ang jaws ko. Sobrang nakakahiya. Pero sobrang nakakatawa talaga, ang sakit sa tiyan. Pakiramdam ko napuno na ng hangin ang tiyan ko kakatawa. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD