CHAPTER 4

1020 Words
DALE tried her best to concentrate in her work but she couldn't concentrate. She felt like someone is watching her. 'He's watching you ...' She suddenly remembered what Bree's husband have told her. She can't help but to think that he was right. Isang linggo na siyang nakakaramdam ng ganito na para bang laging may mga matang nakamasid sa kaniya. "Argh! Ayoko na!" Sigaw niya. Napatingin tuloy sa kanya ang nga kasama niya sa opisina. Nag-peace sign siya at nginitian ang mga ito. Nagsibalikan naman ang mga ito sa kanyang trabaho. "Okay ka lang?" Tanong ni Bree nang makalapit ito sa kanya. "I have a question." Dale told Bree. "What is it?" "Naalala mo ba ang time na sinundo ka ng asawa mo at sinabi niya sa akin na 'he's watching you' ,may alam ka ba?" Dale asked and quoted in the air. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-iwas ng tingin ng kaibigan. "W-wala, ah." Nangalumbaba si Dale at tumitig sa kawalan. "Ang ganda ng bracelet mo." Namamanghang sabi ni Bree at hinawakan nito ang bracelet niya. Pasimple niya iyong inilayo at ngumiti. "My mother gave that to when I was still a kid." "Oh, ang ganda." "Magpabili ka sa asawa mo tutal mayaman naman 'yon, eh." "Try ko." Tumatawang sabi ni Bree at bumalik sa table nito. Ngumiti na lang si Dale at wala sa sariling napatingin sa labas ng kanilang opisina. Nagulat siya nang may nakita siyang nakatayong lalaki doon at nakatingin sa kanya. One word she can say... Handsome. A man with gray eyes. And she know that behind the business suit he was wearing is a mascular—nailing ni Dale ang kanyang ulo. Kailan pa siya nag-isip ng ganito? Pagtingin niya ulit sa lalaki ay wala na ito. Napailing si Dale at binuklat ang isang folder. Lunch time... "Dale, hindi ka ba kakain?" Tanong sa kanya ni Bree. Umiling lang si Dale at nanatili ang atensiyon niya sa harap ng computer. "Hindi ka magbabasa ng libro?" Tanong ni Bree. Natawa si Dale at napailing. "Hindi muna. kailangan kong tapusin ang binigay ng head bago mag ala-una." Aniya. "Sige, dadalhan na lang kita ng pagkain—" "Excuse me, maam." Anang isang delivery boy. Sabay na tumingin si Bree at Dale sa bagong dating. "Yes? Ano 'yon?" Tanong ni Bree. "May padelivery po kay Ms. Agguirre." "Kanina po galing?" Tanong ni Dale at tumayo. "Hindi po nagsabi, eh. Pa-receive na lang po." Pinermahan niya ang ibinigay nitong papel at kinuha ang paper bag na ibinigay ng delivery boy. "Hindi mo sinasabi may secret admirer ka pala." Panunukso sa kanya ni Bree. "Tumahimik ka nga, Breeina." Aniya. Tinignan niya kung ano ang laman ng paper bag. Her lips formed an 'o'. "Ano 'yan?" Tanong ni Bree. "Oh, ayan. Tignan mo." Ibinigay ni Dale kay Bree ang paper bag at umupo sa kanyang upuan. "Uy, bigay sa 'yo. Kainin mo." Sabi sa kanya ni Bree at parang napaso na inilapag nito ang paper bag sa table niya. "Ayoko." Sabi ni Dale. "Bakit naman? Grasya na yang dumating, oh." Umiling si Dale at itinulak palapit kay Bree ang paper bag. "Pakitapon na lang. Ayokong kainin 'yan hindi ko naman alam kung kanino galing at baka may gayuma pa 'yan." "Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ni Bree at maang na napatitig sa kaibigan. Dale shrugged. "Nothing. Sige na, kumain ka na." "S-sige ..." Hindi alam ni Bree kung ano ang sasabihin niya sa kanyang kaibigan. Honey. Napatigil siya sa paglalakad ng tawagin siya ng asawa sa mindlink nila. Bakit? Tanong niya. It's King Zachary... he's shifting. I don't know what to do— I'm coming! Aniya and using her unhuman speed. Nakarating siya sa opisina ng CEO. She knocked before she entered. Nadatnan niyang nakagapos si King Zachary sa upuan gamit ang silver chain. Ang kahinaan ng mga lobo at bampira. "What happened?" Tanong ni Bree sa kanyang asawa. Layden's shrugged. "Buti nga naigapos ko pa yan bago mag-shift." Naiiling na sabi ni Layden at napahilot ito sa kanyang sentido. "Ano bang—" napatigil si Bree sa kanyang pagsasalita nang makita ang malaking screen na nasa glass wall. They can see Dale busy infront of her laptop. At mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit gustong kumawala ang wolf ni King Zachary. Napabuntong-hininga si Bree at napailing. Nahilot niya rin ang kanyang sentido. Dale, you're in trouble ... PABALING-BALING si Dale sa kanyang kama. Hating-gabi na pero hindi siya makatulog. Bumangon siya at lumabas ng kanyang kwarto. Mula sa bintana ay nakita niyang bilog na bilog ang buwan. Nakalimutan ko, fullmoon pala ngayon. Lumabas siya ng bahay at tumingala sa kalangitan. Napatingin siya sa kanyang bracelet ng bigla itong umilaw. Kumunot ang noo ni Dale nang makarinig siya ng alulong. Bigla siyang kinabahan at pumasok siya sa loob ng bahay. Bumalik siya sa kanyang kwarto at pinilit ang matulog. "Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Bree nang makasabayan niya ito papasok sa opisina nila kinabukasan. Naghikab siya bago sinagot ang kaibigan. "Kulang lang sa tulog." "Weh? Baka may dumalaw." Umiling lang siya at dumeretso sa kanyang table. "Lunch. Sabay tayo." Sabi ni Bree na nakasunod pala sa kanya. "Hindi ba kasama mo ang asawa mo?" Tanong ni Dale. Nagkibit-balikat lang si Bree at pumunta sa table nito. Napailing naman si Dale at napakunot ang noo nang may makita siyang maliit na vase sa mesa niya at may nakalagay na tatlong white rose. And there's a note that says ... 'Hope to give you a good morning, my beloved.' —ZCH ZCH? Sino naman kaya 'to? Dale shrugged. Maingat niyang itinabi ang vase. And for this time, she felt happy for receiving flowers from someone. But at the same time she felt weird dahil hindi niya alam kung kanino galing. "I want some apple." Sabi ni Bree kay Dale habang magkaharap silang nakaupo at kumakain ng lunch. "Oh, tapos?" Tanong ni Dale at sumubo. "Bilhin mo ako." Nakanguso nitong sabi nito. "Bakit ako? Magpabili ka sa asawa mo." "Ikaw nga ang gusto ko." Napatitig si Dale sa kaibigan. She can say that there is something in her face. Hindi niya lang masabi kung ano. "Hi, honey. Sorry, we're late." Humalik si Layden kay Bree. Napangiti na lang si Dale sa nakikita niya sa kanyang harapan. "Anyway, Dale." Pagharap nito sa kanya. "Yep?" "I want you to meet my friend, King— ahmmm... Zachary Hauxxon, the CEO." Pagturo nito sa kanyang likuran. Biglang tumahimik ang buong cafeteria at parang may pumasok na nagpatahimik sa kanilang lahat. Agad na tumayo si Dale at humarap sa CEO. "Nice too meet you—" hindi naituloy ni Dale ang kanyang sasabihin nang makita niya kung sino ang kaharap niya. It's him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD