EPISODE 4: HE' YOUR WHAT?!

365 Words
EPISODE 4: HE'S YOUR WHAT?! At umuwi na nga sila Chichay. Pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit nila at pagkatapos nilang magpahinga pagkatapos kumain, nag-usap na sila Chichay at Joaquin ulit. Para bang wala man nangyari dati dahil hindi nawala ang pagiging magkaibigan nila. Pagkatapos ng ilang oras, habang nag-uusap sila Chichay at Joaquin, biglang dumating si Quen. Si Quen ay ang tinuturing na 2nd bestfriend ni Joaquin. Lumapit siya kila Chichay at Joaquin. QUEN: Hi. JOAQUIN: Uy! Pare, kailan ka bumalik? Para sa inyong kaalaman sa kwentong ito, nangibang bansa rin si Quen. QUEN: Kahapon lang. JOAQUIN: Ahh...sabay lang kayo ni Chichay noh? QUEN: Oo naman. Bakit naman hindi kami magsasabay? CHICHAY: Oo nga naman Joaquin. Kailan ka ba naman nakakita ng mag bf/gf na hindi sabay umuwi kapag galing ng ibang bansa? Nagtaka si Joaquin sa sinabi ni Chichay. Mahahalata mo sa mukha niya ang pagtataka sa sinabi ni Chichay. Tinanong ni Joaquin si Chichay. JOAQUIN: Anong ibig mong sabihin? QUEN: Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya? JOAQUIN: Hindi pa sinasabi sa akin ang ano? CHICHAY: Kami na ni Quen. Nagulat si Joaquin. Parang hindi na niya maramdaman ang t***k ng puso niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Chichay. Nagalit din siya kay Quen dahil siya ang 2nd bestfriend niya at alam niya kung gaano kamahal ni Joaquin si Chichay. Tapos ngayon girlfriend na niya si Chichay. JOAQUIN: A-A-An-Anong sinabi mo? CHICHAY: Kami na ni Quen. JOAQUIN: Ano? CHICHAY: Kami na ni Quen. As in mag bf/gf na kami. Boyfriend ko siya at girlfriend niya ako. Gets mo na? JOAQUIN: Hi-Hi-Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang napalitan mo na ako kaagad. Ang masakit pa dun 2nd bestfriend ko pa. Mangiyak-iyak na sabi ni Joaquin. CHICHAY: Anong ibig mong sabihin Joaquin? JOAQUIN: Tinatanong ko kung bakit napalitan mo na ako kaagad. CHICHAY: Anong napalitan? Anong sinasabi mo Joaquin? Hindi kita maintindihan. JOAQUIN: Kaya pala hindi ka na masyadong nakikipag-usap sa akin sa telepono. Kasi may iba ka nang natatakbuhan. O sige, magmula ngayon si Quen nalang ang kausapin mo. Maliwanag? Hindi na hinintay ni Joaquin na sumagot si Chichay. Bigla nalang niya itong tinalikuran at iniwan. Galit na galit siyang umalis. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD