EPISODE 6: TULAK NG BIBIG, KABIG NG DIBDIB

353 Words
EPISODE 6: TULAK NG BIBIG, KABIG NG DIBDIB Nang nakalayo na sila kila Chichay, tinanong ni Amanda si Joaquin. AMANDA: Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinabi yun? JOAQUIN: Eh kasi naman...ahh...ehh...kasi...ahh... AMANDA: Kasi ano? JOAQUIN: Eh kasi... AMANDA: Ano? Hahampasin kita nito kapag hindi ka pa--- JOAQUIN: Eh kasi hindi ko na kayang nakikitang masaya sila Chichay at Quen tapos ako, parang asong nakabuntot sa kanila. AMANDA: Eh bakit naman? Hindi ka ba makatangi kay Chichay? JOAQUIN: Ang totoo...hindi eh. AMANDA: Bakit naman? Mas gusto mong nasasaktan ka kaysa maging masaya ka? JOAQUIN: Ha? Anong ibig mong sabihin? AMANDA: Ang ibig kong sabihin mas gusto mong nasasaktan ka dahil sumasama ka sa kanila kaysa maging masaya ka, magpaiwan ka nalang. Edi, wala ka ng poproblemahin. JOAQUIN: Eh mas malulungkot at masasaktan lang ako kapag hindi ako sumama sa kanila. AMANDA: Ha? Bakit naman? JOAQUIN: Siyempre, kasi hindi ko alam kung anong ginagawa nila, kung nasaan sila, kung...kung...kung... AMANDA: Mahal mo ba si Chichay? Natahimik at nagulat si Joaquin sa tinanong ni Amanda. JOAQUIN: Ba-Ba-Bakit mo naman natanong 'yan? AMANDA: O tignan mo nauutal ka pa. Eh kasi concern na concern ka kay Chichay. JOAQUIN: Siyempre. Bestfriend ko yun eh. Dapat lang na concern ako sa kanya. AMANDA: E kung makaasta ka parang ikaw yung boyfriend e. Matanong nga kita. Bestfriend lang ba talaga ang tingin mo kay Chichay? JOAQUIN: Oo naman. Bestfriend lang. AMANDA: Sigurado ka? Alam mo ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang ‘Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib’ JOAQUIN: Bakit ba pinagdududahan mo ang tingin ko kay Chichay? Sinabi ko bestfriend ko siya. Bestfriend ko lang siya. AMANDA: Eh bakit naiinis ka? Guilty ka e. Atsaka parang higit talaga sa bestfriend ang tingin mo kay Chichay eh. JOAQUIN: Bakit ba ang kulit mo? Paano mo nasasabi 'yan? AMANDA: Wala lang. Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko o kung anong nahahalata ko. JOAQUIN: Alam mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin. AMANDA: Ok. Saan na pala tayo pupunta? Dahil sa naiinis si Joaquin ay naglakad na lamang ito palayo kay Amanda. Pero sinundan naman siya ni Amanda. ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD