EPISODE 2: CHICHAY'S PROMISE
*PHONE CONVERSATION*
BETCHAY:Hello?
CHITO:Hello? Mama?
BETCHAY:Oh, papa, napatawag ka.
CHITO:Excited na kasi akong makita kayo ni Chichay. Sabik na sabik na akong makita,mahalikan at mayakap kayong mag-ina ko. Handa na ba kayo sa pag-alis niyo sa susunod na buwan. Basta mama, nandito lang ako ha. Naghihintay sa inyo at inaasahan ang pagdating ninyo.
BETCHAY:Ahhh...Ehhh...
CHITO:Oh, bakit? May problema ba?
BETCHAY:Kasi...Ano raw...
CHITO:Kasi…Ano? Mama ano ba talagang gusto mong sabihin? May problema ba? May problema ba tayo?
BETCHAY:Ahhh...Wala papa. Walang problema. Wag ka nang mag-alala diyan. Ayos lang kami. Naghahanda na kami. Excited na excited na nga rin kaming makita ka ulit diyan.
Pagsisinungaling ni Mama Betchay kay Papa Chito.
CHITO:Mama, okay ka lang ba?
BETCHAY:Ahhh...Oo naman papa. Okay lang ako. Okay lang kami dito.
CHITO:O sige na mama, konting oras lang hiningi ko sa boss ko eh. Sige Bye! I Love You !!! See You Soon !
BETCHAY:Ok Papa, Bye!!! I Love You!!! See You Soon Too!!!
Biglang dumating si Chichay.
CHICHAY: Mama, sino po yung tumawag sa inyo? Sino po yung kausap ninyo?
BETCHAY: Ang papa mo Chichay.
CHICHAY: Bakit daw po mama? Ano nanaman pong sinabi ni papa?
BETCHAY: Ahh...Wala naman anak. Nangangamusta lang.....at nagtatanong.
CHICHAY: Ahh...ok po.
Aalis na sana si Chichay nang bigla siyang may maalala.
CHICHAY: Ay! Mama.
BETCHAY: Ano yun anak? Bakit Chichay?
CHICHAY: Saan po pala kayo galing? Bakit bigla po kayong nawala?
BETCHAY: Ahh...Wala anak. May pinuntahan lang akong importante.
CHICHAY: Ahh...ok po. Kain na po tayo. Baka lumamig pa po yung ulam eh.
BETCHAY: O sige, tara na, kain na tayo.
At kumain na nga sila Chichay at Mama Betchay.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna sila bago matulog.
Pagkalipas ng dalawang linggo, pasukan na naman.
Unang araw sa paaralan nila Chichay at Joaquin. Sa susunod na linggo na ang alis nila Chichay ngunit hanggang ngayon wala pang naiisip na magandang paraan sila Mama Betchay at Mama Juliana para mapigilan ang balak ni Joaquin at hindi masyadong magtampo kay Chichay. Maging si Chichay ay hindi niya sinasabi kay Joaquin na aalis sila dahil alam niyang masasaktan at baka magtampo ito sa kanya. Eh si Joaquin na nga lang ang kakilala niya sa paaralan na kanilang papasukan mawawala pa hindi ba?
Pagkatapos ng isang linggo, dumating na ang linggong kinatatakutan nila Mama Betchay, Mama Juliana at Chichay.
Dahil wala na talagang maisip na magandang paraan sila Mama Betchay at Mama Juliana para pigilan si Joaquin sa balak niya o kaya'y maiwasan ang pagkakaroon nila ng tampuhan ni Chichay, napagdesisyunan na nilang sabihin ang totoo kay Joaquin. Nilakasan na nila Mama Betchay at Mama Juliana ang loob nila para sabihin kay Joaquin ang totoo.
Pagkauwi nila Chichay at Joaquin nasalubong nila ang mga mama nila sa tapat ng bahay nila Chichay.
Nagulat sila Mama Betchay at Mama Juliana dahil maaga yata sila Chichay at Joaquin.
JULIANA: Oh, Chichay, Joaquin, nakauwi na kayo.
CHICHAY: Oo nga po eh. Maaga po kaming dinismiss ng teacher namin ngayon kaya maaga po kaming nakauwi.
BETCHAY: Oo nga.
CHICHAY: Ano po palang ginagawa niyo dito Tita?
JULIANA: Ahhhmmm…Ma-May pinag-uusapan lang kami ni Mama Betchay mo Chichay.
JOAQUIN: Ahhh...Ano naman pong pinag-uusapan ninyo?
BETCHAY: Sa amin na munang dalawa yun.
JOAQUIN: Bakit naman po? Hindi po ba lagi niyo naman pong sinasabi sa amin kung anong pinag-uusapan ninyo?
JULIANA: Ahhh...
Nagtinginan sila Mama Betchay at Mama Juliana.
BETCHAY: O sige na. Sasabihin na namin sa inyo ang pinag-uusapan namin.
Bumulong si Mama Betchay kay Mama Juliana.
BETCHAY: Mars, sabihin mo na.
JULIANA: Joa-Joa-Joaquin, ma-ma-may sasabihin ako sa'yo ha.
JOAQUIN: Ano po 'yon mama? Bakit utal-utal po kayong magsalita?
JULIANA: Ahhh...kasi anak...
JOAQUIN: Ano po ba talaga gusto niyong sabihin? Diretsuhin niyo na po ako.
Hindi makapagsalita si Mama Juliana dahil natatakot siya sa pwedeng gawin ni Joaquin. Pero hindi niya kayang magsinungaling sa kanyang anak. Kaya nilakasan na ni Mama Juliana ang loob niya.
JULIANA: O sige anak. Didiretsuhin na kita. Didiretsuhin ka na ni mama.
JOAQUIN: Ano po ba talagang pinag-uusapan ninyo at hirap kayong sabihin samin? Sakin?
JULIANA: Nag-iisip kasi kami ni Tita Betchay mo ng paraan para hindi mo ituloy ang balak mo sa oras na...
JOAQUIN: Sandali lang po! Bakit ko naman po itutuloy ang balak ko?
JULIANA: Kasi anak...sa darating na sabado...
Biglang sumingit si Chichay.
Si Chichay na ang nagsabi ng totoo kay Joaquin.
CHICHAY: Aalis na kami sa Sabado. Pupunta na kaming Canada.
Nagulat si Joaquin at hindi maipinta ang mukha.
JOAQUIN: Ano? Aalis na kayo ngayong Sabado? Pupunta na kayong Canada? Nang hindi niyo sinasabi sa akin? Nang hindi niyo man lang pinapaalam sa akin?!
Mataas at pagalit ang boses ni Joaquin sa bandang huli niyang sinabi.
CHICHAY: Ahhh...Joaquin wag ka naman ganyan...
JOAQUIN: Bakit? Bakit hindi ako magkakaganito? Akala ko ba bestfriends tayo? Diba ang bestfriends walang secrets?
BFF, Best Friends Forever, ang tunay na magkaibigan walang iwanan, mapasaya man o malungkot walang iwanan, walang secrets, always honest to each other.
CHICHAY: Dinagdagan mo?
JOAQUIN: Oo. Ito ang meaning ng BFF ngayon.
CHICHAY: Joaquin sorry na. Ayaw ko lang naman sabihin sa'yo kasi ayaw kong masaktan,malungkot at lalong-lalo na ayaw kong magtampo ka sa akin habang nandito pa ako sa Pilipinas.
JOAQUIN: Ang sabihin mo wala kang pakielam sa akin.
CHICHAY: Joaquin hindi totoo 'yan. Please Joaquin, sorry na... Joaquin wag ka nang magtampo sa akin.
Si Joaquin habang palayo umiiling-iling.
JOAQUIN: Magmula ngayon wala na akong bestfriend. Tandaan mo 'yan.
CHICHAY: Joaquin! Joaquin! Joaquin...sorry na...
Pagsapit ng Sabado sinubukang kausapin ni Chichay si Joaquin ngunit hindi ito lumalabas ng kwarto niya. Kaya mula sa labas ng kwarto ni Joaquin, doon nalang sinabi ni Chichay ang gusto niyang sabihin kay Joaquin.
CHICHAY: Joaquin, aalis na kami. Sikapin mong maging masaya araw-araw kahit wala na ako ha. Maging matatag ka. Isipin mo nalang kasama mo ako palagi. Paalam! Basta Joaquin may isa akong panghahawakang pangako at ikaw rin. Basta pangako ko babalik ako. Pwedeng matagalan, pero sisiguraduhin kong babalik ako. Pangako 'yan. At ikaw kailangan kapag bumalik na ako napatawad mo na ako. Aasahan ko ang pagpapatawad mo sa akin kapag bumalik na ako ha. Pwedeng hindi mo ako makilala agad pero panghawakan mo ang pangako ko. Isipin mo muna na New Moon muna ako sa buhay mo. Kaya hindi mo ako nakikita. Pero sabi ko nga sa’yo, hindi nawawala ang moon. Minsan, hindi lang natin siya nakikita, pero nandiyan lang siya. Kaya sa ngayon, New Moon muna ako sa buhay mo. Hindi mo muna ako makikita. Pero hindi ibig sabihin nun wala na ako. Basta isipin mo lang lagi, New Moon lang yan. Konting hintay lang babalik rin siya. Babalik rin ang moon. Basta Joaquin, Babalik ako. Basta siguradong babalik ako.
Pero hindi parin lumabas ng kwarto si Joaquin.
Umalis na sila Chichay at Mama Betchay niya.
Tulad nga ng iniisip nila Mama Betchay at Mama Juliana hindi tinuloy ni Joaquin ang balak niya bagkus ay nag-aral pa itong mabuti.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------