Kabanata 4

1670 Words
Nagising ako sa liwanag ng ilaw na nakatapat mismo sa aking mukha. “F*ck! Bakit sa mukha ko talaga?” Napamura ako habang hirap na imulat ang aking mga mata dahil sa sinag na sumasalubong sa aking paningin. “Anak, gising ka na?” I heard my Dad's voice na sobrang lapit kaya napabalikwas ako ng bangon. My forehead hit into something I don’t know. Lalo akong nagulat nang sa pag-angat ko ng aking mukha ay makita ang aking mga kaibigan na nakatalungko at tila naghihintay sa isang patay na milagrong mabubuhay. “Hoy! Anong nangyayari sa inyo?” tanong ko agad sa kanila pero ni isa ay walang sumagot pero tila iisang tao silang lahat kasama na ang aking ama na tumingin sa pintuan. Iniluwa no’n sina Mama at Yuehan na puno nang pag-aalala. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang lalaking kasunod nila. Ang bestman sa kasal ni Cath. Suot pa nito ang barong na kagaya ni Cel na suot pa din ang gown na ginamit sa kasalan. “Anak, gising ka na pala!” Si Mama na agad akong niyakap. Grabe sila! Nawalan lang yata ako ng malay akala mo ang mga reaksiyon nila parang namatayan tapos nabuhay. Pero dito ko nasukat na maraming nagmamahal sa akin, na ayaw nila akong mawala. Dahan-dahan akong bumangon pero napatda ako nang biglang sumulpot sa aking harapan ang bestman sa kasal ni Cath. “Sean, how's your feeling now?” tanong niya. My mouth is in agape because he is so close to me. His masculine scent is penetrating into my nose. Amoy na parang nakakawala ng katinuan. I shakes my head slightly para tanggalin ang kakaiba kong nararamdaman. “I'm fine now. Thank you!” wikang ganti ko sa kanya. “I’m Leo, Leo Wang,” sabi niya sabay lahad ng kanyang palad. Napatingin ako nang bahagya sa kanyang likuran nang makita kong halos mga nandoon ay nakanganga na nakikinig sa usapan naming dalawa. Pinandilatan ko silang lahat kasama na ang aking mga magulang. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga reaksyon nila. “Mamaya kayo sa ‘kin!” sa isip ko. “Hi...hi, Leo,” medyo nautal kong tugon at tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay. Napaigtad ako nang pisilin niya ito ng bahagya sabay bawi sa tila nakakapaso na init ng kanyang palad. Dinig ko ang impit na tili ni Agnes kaya tinapunan ko siya ng tinging singtalim ng punyal. Napatakip naman ito ng bibig at napakapit sa braso ng katabi niyang kapatid ko na si Yuehan. Ngumisi din ang loko sabay thumbs up sa akin. Pinandilatan ko din siya ng mata. “Uhm...Leo,” tawag pansin ko sa lalaking nasa harapan ko na tila yata walang balak umalis. “Sorry, but I need to get down. If you'll just excuse me?” wika ko. Akala ko aalis na siya pero bigla niya akong hinawakan sa aking mga braso at inalalayan pababa ng kama. “Eeehh...kilig!” dinig na dinig ko ang impit na tili nina Cel at Agnes. Kinikilig yata ang mga bruha. I held my breath nang inalalayan ako ni Leo pababa. Halos magkadikit ang aming katawan at lalong nanunuot sa aking ilong ang kanyang amoy na na nagduloy ng gulo sa aking katinuan kaya medyo nabuwal pa ako sa aking pagtayo. Agad niya akong sinalo at halos magkayakap na kaming dalawa. “Anak, andito kami ng Mama mo baka nakalimutan mo,” biglang tikhim sabay sabi ni Papa. Ano kayang iniisip ng mga ito? Tanong ko sa aking isipan. Pati ba naman sila. Naitulak ko nang bahagya si Leo at inayos ang aking suot at naglakad papalapit kina Papa. “Nasaan nga pala tayo? At bakit nandito kayong lahat? ‘Di ba dapat nasa reception na kayo ng kasal ni Cath?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Si Mama ang agad na sumagot. “Nandito tayo sa reception. Dito ka na lamang namin itinakbo pagkatapos mong mawalan ng malay kanina sa simbahan,” wika niya. Biglang tumunog ang aking tiyan at naalala kong wala pa pala akong kain simula almusal. “Kaya ka nawalan ng malay sabi ng doktor kasi sa sobrang pagod at sabi ni Cel, eh hindi ka pa kumain ng almusal,” dagdag pa’ng wika ni Mama. Bago ang kasal ni Cath, halos araw-araw, gabi-gabi kong pinaglamayan ang lahat ng gowns na isinuot ng mga abay sa kasal niya kasali na ang kanyang gown. Minsan nalilipasan pa ako ng kain dahil nawiwili ako sa ginagawa ko kaya siguro nawalan ako ng malay. Bumigay ang aking katawan sa sobrang pagod. “Kuya, pogi ‘di ba?” si Yuehan na kanina lang ay tahimik ay biglang tumayo at bumulong sa akin. Alam kong si Leo ang tinutukoy niya kaya napalingon ako sa lalaking ngayo'y tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Napatitig ako sa mukha niya. Totoong gwapo nga siya, may maliit na hugis ng mukha, singkit na mata na may magagandang pilik-mata, matangos ang ilong, at may mapupula at medyo manipis na labi. Mukha palang halos perpekto na pero wala itong ka-ekspre-ekspresyon. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya napaangat siya ng balikat para siguro magtanong kung anong problema pero hinayaan ko na lang at ibinalik ang tingin ko sa mga magulang ko at mga kaibigan na huling-huli kong sarap ang mga pagkakangiti. Kumapit ako sa braso ng kapatid ko at sabay na nagpatiunang maglakad. “Tara kain tayo, gutom na ako. Gutom na gutom,” wika ko na halos hilahin na si Yuehan. “Ikaw na bata ka umayos ka ha!” sermon ko sa kanya habang naglalakad kami. Hindi ako lumingon man lang kung nakasunod ba sila Mama kasama ang Leo na ‘yon. “Bakit kuya?” kunwari'y hindi alam ang sinasabi ko. Kinurot ko siya sa tagiliran. “Huwag kang magkunwaring walang alam dahil meron, meron,” mariin kong sabi. “Totoo naman, Kuya. Ang pogi niya at maasikaso. Bagay kayo,” banat pa ng kapatid ko. Bigla akong napatigil sa paglalakad at hinarap ang kapatid na nandidilat ang mata at pinameywangan siya. “Hello! You just met that person today and you are telling me na maasikaso siya? I agree na pogi siya kahit sambakol ang mukha but sorry, hindi ko alam kung na-hypnotize kayo o anumang gayuma ang pinakain ng lalaking ‘yon sa inyong lahat.” Wika ko sa kapatid ko na may kasamang singhal. I don’t understand why pero nairita ako sa isipin na nakuha niya agad ang loob ng pamilya ko at mga kaibigan. “Kuya, I think you need to eat right now!” tanging sinabi ni Yuehan at agad akong inakbayan then we both get inside the dining hall and find our seat para kumain. I looked around. May mangilan-ngilang pang guest na kumakain. Sina Cath at ang napangasawa niyang si Ralph ay busy sa pag-asikaso ng mga bisita. I sit on one of the chair we found at the corner of the dining hall while my brother voluntarily takes our food. Hindi pa din pala siya kumain sa sobrang pag-aalala sa nangyari sa akin. While waiting for Yuehan, napalingom ako sa direksyon na aming pinanggalingan. Kakapasok lang nila Papa at Mama kasama ang aking mga kaibigan at ang lalaking nagpakilalang Leo. I smirked. “If you manage to fool my family and friends, well, not me!” wika ko sa sarili. Yuehan came back with two plates full of food. When my parents saw him, they followed him to come to our direction but Leo makes his way to the newlyweds. “Son, okay ka na?” agad na tanong ni Mama pagkatapos maupo sa hinilang upuan ni Papa. “Yes, Ma!” tugon ko pero bigla akong may naalala. “Ma, sinong bumuhat sa akin papuntang sasakyan kanina? Ang alam ko wala kayo sa tabi ko kanina nang mawalan ako ng malay?” usisa ko sa kanya. “Si Leo, anak. Mabuti nga at nasalo ka niya sabi ng mga nakakita. Si Cel ang agad lumapit ang patakbo ka nilang dinala sa sasakyan mo. Si Leo na rin ang nag-drive,” pagpapaliwanag ni Mama na may halong kakaibang ngiti habang binabanggit ang pangalan ng lalaking ‘yon. “He is a gentleman, anak,” singit naman ni Papa. “And we found out that he is the model who will wear one of your creations sa event natin soon,” dagdag pa ni Papa. I was surprised. He is taking about the upcoming fashion runway show that our company sponsored to showcase all of my creations. I nodded slightly several times but didn’t say anything to my Dad. Then continue munching my food to fill my hungry stomach. Halos mabuo na ang araw na wala akong kinajn kaya naubos ko ang isang platong pagkain na kinuha ng kapatid ko para sa akin. A few moments later after I've done eating, Agnes who serves as the master of the event came to announce something. “Attention everyone, we have set an activity later on to have fun with the newlywed couple. We will be having the wedding bouquet and garter toss. Lahat po ng single are invited to join. Binata at dalaga. And we have a “sabitan” while the couple is doing their first dance as a newlywed couple. “Mamang, sali ka!” nagulat pa ako nang biglang nagsalita si Tin sa tabi ko. I didn’t notice her arrival kasi nakatuon ang pansin ko sa mga sinasabi ni Agnes. “Oo nga naman, Kuya!” hirit din ni Yuehan. “Magsitigil kayo,” I said while fixing the shoulder of the gown I am wearing. Nalalaglag kasi ang strap nito exposing my shoulders. Mabuti hindi nila ako hinubaran ng suot kanina. “You can join, anak. I think mas maganda kapag sa tossing of bouquet ka sasali,” wika ni Mama na hinawakan pa ang palad ko. “I wanted to see you catching the bouquet,” dagdag pa niya. Napangiti ako at natuwa sa sobrang pagiging supportive ng mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD