(Chapter One)
Gabrielle Christian Ong
"Goodmorning Manila!" Hiyaw ko nang magising ako dahil kakauwi ko lang galing Barcelona.
Katapat ng aking condo ang isang gym at sa tabi ng gym ay isang salon.Kahapon pagbaba ko ng eroplano ay nagisip ako ng pwede kong gawin kinabukasan, sa ngayon ay kailangan ko munang magpahinga.
"Nicole!!" Sigaw ng pinsan kong si Andrea.Nakakahiya dahil ang lakas lakas ng hiyaw niya na kinailangan kong bagalan ang lakad ko upang hindi mahalata na ako ang tinatawag ni Andrea.
Nakita kong tinuro ni Kuya Jake ang cellphone niya, nakuha ko agad ang gusto niyang iparating at tama nga ako! tumatawag ang pinsan ko pati siguro sila ay nahiya sa ginawa ni Drea.
"Ey, how's Spain mi amigo" sabay halakhak ni Jacob na kapatid ni Jake na pinsan ko din nang makalapit ako sakanila.
"Ayos lang, actually gusto ko na talagang umuwi ng pinas nung november pa.Gusto ko sana na dito na lang mag birthday kaso" sabay ngisi ko.
Kumpleto ang mga pinsan ko.Sina Jake at Jacob ay magkapatid. Sina Andrea, Angelo at Angel ay magkakapatid. Habang nananahimik sa isang gilid ang pinaka close kong pinsan na lalaki na si Justice.Walang kapatid si mommy kaya't iisang side ng family lang ang mayroon akong pinsan.
Mukhang pinaghandaan talaga ito ng mga pinsan ko kaya't sumunod na lang ako.Kanina ko pa sinusuggest na iuwi na nila ako dahil pagod ako ngunit ang magkapatid na Angel at Andrea ay niyayaya akong gumala habang sila Jacob, Angelo at Jake ay nagyayaya manood ng movie sa bahay nila Justice.
Nagaway pa ang magkapatid na sina Angelo at Andrea.Inaawat na nga namin sila habang tumatawa.
"Tara na lang manood samin, ano kuya Jake? tara na samin tutal ikaw naman ang magdadrive" sabay halakhak ni Justice na kanina'y may kausap pala kaya nananahimik sa isang gilid.
"Pwede bang bukas na lang? o sa isang araw? huwag lang ngayon pagod talaga ak-" hindi ko pa tinapatapos ang sasabihin ko ay bigla na lamang akong tumakbo papalapit sa kapatid ko.
"Kuya Nathan, bakit ka late kuya!" kunwaring inis na sabi ko sakanya.
"Baka may sarili akong pamilya Nicole Reina Fernandez?" sabi niya habang pinipitik ang ilong ko.
Agad ko nalamang siyang niyakap at tinadyakan pagkatapos.
"Woy Kuya sama ka samin? manonood kami kila Jus ngayon" sabi ni Jake sa kapatid ko.
Nilingon ko siya at iniintay ang sagot ngunit bago pa siya makasagot ay bigla nalamang siyang tumakbo sa likudan ko.
Hindi kalayuan ang tinakbo ni kuya kaya't ramdam at dinig ko siya. Nakita ko ang isang di pamilyar na lalaki.Maputi.Matangos ang ilong.Maganda ang ayos ng buhok.Mala James Reid ang isang to.
"Gabrielle Christian Ong" sabay sabi ni kuya Nathan sakin.
"Uh Gab, kapatid ko si Nicole." Nagulat ako nang lakihan ako ng mata ni kuya kaya't wala akong nagawa kundi makipagkamayan sa isang lalaking mala-Anghel ang itsura.
"Nicole Reina.. uh Fernandez" Sabay lahad ko ng kamay.
Inintay kong ibaba niya ang gamit niyang nakasabit sa balikat niya para makamayan ako ng maayos.
"Gabrielle Christian.... Ong.. miss Nicole" sabi niya.
Hindi ko malaman kung ganun talaga siya magsalita o sadyang kinakabahan lang at oh my God tinawag niya akong "miss".
Magsasalita pa sana ako kaso biglang lumapit si Justice saakin at may binulong.
"Nicold, lumayo ka na jan sa Gabrielle na yan.Tignan mo si Angel kung gaano kasama ang titig niya sayo." Sinulyapan ko naman kuno ang mga pinsan ko pero ang totoo ay inilakbay ko lamang ang mata ko sakanila para makita ang mukha ni Angel.
Agad kong nilapitan si Kuya Nathan.
" Uh Kuya aalis na kami, di ka ba sasama? mukhang naiinip na si Kuya Jake"
Nakuha ko ang atensyon ni Gabrielle kaya't napalingon kaagad ako kay Angel na nagiwas ng tingin.
Mukhang nakita ni Justice ang ginawa ko kaya nagpaalam na siya kay kuya Nathan na mauuna na sila.
"Kuya Nathan, mauuna na kami.Siguro kuya ihatid mo muna si Nicole sa condo niya para makapagbaba ng gamit." sabay tingin sa mga pinsan naming walang pakealam pwera kay Angel.
"Ah oo ganun nga ang plano ko sana kasi sasabay na si Gabrielle.Sige ingat kayo. Jake, Jacob, Angel, Andrea, Angelo, Justice!" hiyaw niya sa mga pinsan namin.
"Kuya Jake magingat ka sa pag dadrive!" nakita kong umiiling si Jake habang nakangisi nang isigaw ko iyon.
Pagbalik ko ng tingin sa harap ko ay nakita ko si Gabrielle na nakatitig lamang saakin.Nagulat ako sa ginawa niya kaya't natawa siya nang makitang nagulat ako.Napalingon si Kuya Nathan sa halakhak niya.
"Tara na nga orb! baka mainis mga pinsan niyo kay Nicole pag nalate pa siya" Sabi ni Gab na ikinataas ng balahibo ko. I swear parang si James Reid ang kausap mo at sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko ay nakakainlove talaga.
(Chapter Two)
Stay
Nang makarating kami sa ibaba ng condo ko ay nabigla ako sa pagbaba ni Gabrielle.Like hello? James Reid nga diba jusko mahihimatay ka na lang talaga.Kahit wala siyang ginagawa ay mapapaluhod ka talaga sa harapan niya paano pa kaya kapag may ginawa siya sayo. Gosh ewan ko ba.
Nakita kong buhat buhat niya ang maleta kong Maroon.Yung maleta na iyon ay puno ng mga sapatos kayat mabigat iyon.Hindi ko alam kung paano niya iyon naibaba.
"Uh Nic, pwedeng...uh...pwedeng ibaba ko muna ang gamit ko sa condo mo? susunduin pa ata ni Nath yung asawa niya tsaka si Mark" Sabi niya habang nakatingin saakin.Kahit di ako nakaharap sakanya ay ramdam ko na nakatingin siya saakin para bang tumatagos yung mga titig niya.
"Sige lang.. uh...kuya? kuya Gab?" medyo natataranta na ako kasi di ko alam kung ilang taon na siya or what pero nagulat ako dahil hindi niya ako pinagtawanan.
"Its just Gabrielle, Nicole.Im just 17 and you're 16 so dont call me kuya please" sabay ngisi niya.
"Uh im sorry?" patanong kong sabi baka kasi na offend siya or something.
Magsasalita na sana siya ngunit nakita naming paparating si kuya Nathan. "So,nagkakamabutihan na pala kayo agad" sabay halakhak niya.
Nakita kong ngumisi si Gab at ako? laglag panga lang.
"Nicole Reina, ibababa lang naman ng future boyfri-" siniko na siya kaagad ni Gab sabay ngisi.
"Ibababa ko lang gamit ko dito Nicole kung okay lang sayo?" tumango agad ako. "Okay good, uhm may extra room ba sa condo mo?
" Uh yeah, dating kwarto ni kuya yon why? you're gonna sleep here?" nagulat siya sa tanong ko at pati ako ay nagulat sa dirediretso kong pagsasalita.
"Uh-I mean don mo ba ilalagay gamit mo?" pagtatama ko ngunit huli na ang lahat.
"Hmm, stay here muna." sabi niya at biglang takbo sa harapan kung nasan si kuya Nathan
Binaba ko na lang lahat ng bagahe ko at pati nadin ang kaunting gamit ni Gab.
"What? you're what!? Ohmygod Gabrielle totoo ka orb?" sigaw ni kuya na ikinagulat ko.Wala akong maintindihan kaya isinawalang bahala ko na lang.
Nakita kong papalapit si Gabrielle saakin, umayos kaagad ako ng tayo.
"Is it okay if I sleep here? just for tonight.Diba aalis ka naman? to be with your cousin?" sabi niya ng walang pag aalinlangan.
"Uhm is kuya going to stay here? to be with you? or do you want me to not go-" Napatigil ako sa sinabi ko at kaagad ngumisi si Gab.Damn it. You sexy beast.
"Uh I mean eh oo nga aalis ako pero wala kang kasama dito? hindi sa wala akong tiwala sayo pero kasi Gab wala ka ngang kasama dito? Kung gusto mo ay sumama ka na lang-tama Gab, sumama ka nalang saakin kila Justice" Dirediretso kong sabi.
Ngumisi siya bago magsalita. Lumapit siya saakin at bumulong. "I want to stay here because I want to be with you Nicole.Kaya ko sinabi sayo na aalis ka dahil sa alok ng mga pinsan mo ay akala ko magbabago ang isip mo" sabi niya sabay layo saakin. "Damn girl.Kakameet ko palang sayo pero ang lakas na ng dating mo saakin" sabi niya bago ibaba yung iba niyang maleta.
Hindi ako makagalaw.Hindi ako makakurap.Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Lalo na at isang Anghel ang nagsabi sayo na gusto ka niyang makasama at malakas ang dating sakaniya.
(Chapter Three)
Angel Patricia Fernandez
"Orb dito ka muna?basta ipangako mo na wala kang gagalawin sa gamit ng kapatid ko ha" bilin ni kuya kay Gab.
"Oo orb common sense na yon.Makikituloy na nga lang ako eh" sabi niya sabay tunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.
"Maaga ko na lang ipauuwi dito si Nico-" hindi pa mandin niya natatapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na.
"Maaga talaga ako uuwi kuya, napakatagal ng biyahe kailangan ko ng tulog at tsaka ayan lang naman yung salon sa tapat oh" sabay turo ko sa bintana "dyan na lang ako magrerela-" pinutol agad ni Gab ang sasabihin ko.
"Hala orb eto lang pala yung gym na pinapasukan namin ni kuya dati" sabay turo ni Gab sa bintana.
"Ay edi ayos, pagtapos mo palang mag gym ay pwede kang bumisita dine" Sabay kindat ni kuya saakin. Umirap na lang ako.
"Uh magbibihis lang ako kuya, pwede paki uh pakiayos naman yung kabilang kwarto para makatuloy si Gab.Sige kuya thanks" sabay halik ko sa pisngi ni kuya na wala namang ginawa kundi irapan ako.
Pag pasok ko sa kwarto ay agad akong nagpalit ng pantulog kahit uuwi naman ako.Biglang nag ring ang cellphone ko, nakita kong tumatawag ang bestfriend ko.Ang bestfriend kong si Shan.
"Hala kakauwi mo lang gagala ka kaagad sis? grabe ah tibay ng kilay mo hanggang ngayon strong padin" sabay halakhak ni gaga.
"Ayos lang, maaga din kasi ako uuwi kasi may lalaki dito na nakituloy sa condo ko, kaibigan ni kuya na kanina ko lang din nakilala sa airport.Parehas ata kaming kakauwi lang."
"O.M.G, a boy? A freaking boy!? gosh Nicole.Oh ano bet mo ba? bet ka ba? or what? Diyos ko mapapauwi ako ng Manila ng di oras dahil sayo niyan" sabay tawa ko.Ngunit kasabay ng pagtawa ko ay ang kasabay na pagkatok ni kuya. Im pretty sure it's kuya.Kaya habang kausap ko si Shan sa facetime ay binuksan ko ang pinto ng hindi kumukurap.
"Hala Nicole sino yan, OMG ka girl yung buhok mo ang hab-" di ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin ay pinatay ko na ang tawag.
"Uh yes Gab?may kailangan ka ba?" buti nasabi ko yun ng di nauutal.Gosh sino ba naman kasing di malalaglag ang panga kapag ang isang mala James Reid na ang naka topless sa harapan mo.
"Gusto ko lang naman sabihin na lumabas kuya mo para bumili ng kakainin natin bukas, wala daw pala laman ref mo." sabi niya habang nakasandal sa pintuan ko.
"Uhm sana hiniyaw mo na lang hehe" gosh awkward neto.
"Thats my point Nicole, kumatok na nga ako e kasi ayaw mong sumagot. Kaya kumatok na ako para marinig mo.Hindi ko alam na may kausap ka pala.Sorry"
"Its okay Gab uh si Shan lang naman yon. Uh Shan... kaibigan ko" sabi ko dahil gusto ko pang magusap kami kahit awkward na
"Uh-huh, maliligo muna siguro ako" sabi niya habang unti unting isinarado ang pintuan ko.
Agad kong tinawagan si Shan upang mag sorry. "Hay nako naman kase Nicole, tibay na nga ng kilay mo haba pa ng hair mo. So Gab ang pangalan ni kuya mo GUY" sabi niya sabay halakhak dahil diniinan niya talaga yung word na GUY.
"Oh just shut up, I need to call my cousins na sige na Shan. Iloveyou, kapag nagkatime ako pupunta ako jan sa Cebu"
"Hmm, sa Cebu kaya isasama mo si GUY?" sabi niya sabay tawa ng malakas. "Just kidding Iloveyoutoo mwuah mwuah sige na magenjoy ka na jan"
"Bye Shan!" sabi ko bago tawagan si kuya ngunit narinig kong tumunog ang doorbell ko kayat lumabas ako pero naunahan ako ni Gab na ngayon ay naka tuwalya lang.
Nakita kong nalaglag ang panga ni Angel dahil kay Gab. Nakita kong kasama ni Angel si Justice kaya't lumabas ako ng kwarto na nagpapanggap na may kausap para hindi maging awkward ang moment.
"Intayin niyo na lang siguro dyan, chill uh.. Justice right? just chill pumayag si Nath na dito ako matulog at di ko gagalawin lahat ng gamit ng pinsan niyo" narinig kong sinabi ni Gab.
"Sige na Shan nandito na mga pinsan ko.Sige byee!" sabi ko kunwari para mapansin nila ako.
Biglang lumapit si Angel sakin "Uh ate Nic? bat nandito si kuya Gab?" unang bungad niya saakin ngayong araw.
"Dito muna siya mag iistay ng isang araw o baka ngayong gabi lang siguro.Why?"
"Nothing" Nakatingin siya sa pintuan ng dating kwarto ni kuya Nathan na ngayon ay doon matutulog si Gab ngayon.
Nagulat siya nang mahuli ko siyang nakatingin doon sa pintuan. "Uh by the way Justice, maaga ako uuwi ah alam nadin ni kuya Nath yon" pormal kong sabi.
"Wait what?" gulat akong napatingin sa pinsan kong medyo iritado na.
"Whats wrong ba Angel? kanina ka pa ganyan sa airport ah. Ni-hindi mo man lang binati si ate Nicole mo pagkababa niya.Ang unang binungad mo sakaniya ay bakit dito matutulog si Gabrielle? eh ano ngayon ha Angel? may gusto ka ba kay Gabrielle ha?" dire diretsong sabi ni Justice na pati si Gabrielle ay napalabas ng kwarto.
"Lets just go, dont you dare tell Andrea na hiniyawan mo si Angel dahil mauulanan ka non ng sapok" sabi ko kay Justice na ngayon ay nakatingin sa likod ko. Nasa likod ko kasi ang pintuan ng kwarto na tinutuluyan ni Gab.
"Yall can go now, I promise Nath that I'll be good here don't worry.Hey Nicole, do you have an extra towel? I need it tomorrow. Pupunta ako sa gym bukas." pormal niyang sabi.
"Yeah, I have. I'll give it to you tomorrow or later." sabay tango niya.Agad akong tumalikod para puntahan ang dalawa kong pinsan na magkakapatayan na ata.Nakakatakot ang titig ni Justice habang si Angel ay nakakuyom na ang kamay.
"Lets go Angel!" hiyaw ni Justice na naiirita na kay Angel kasi panay ang kuyom nito ng kamay.