Flight
(Chapter Thirteen)
"Matulog na tayo Nicole" dagdag niya.
Susundan niya ako? May gusto siya saakin? bakit hindi ko nararamdaman? Bukas na bukas ay aalis kami ni Justice.Hindi ko na isasama si Gabrielle since hindi naman niya alam na pupunta ako sa Cebu at lalong hindi niya alam ang kila Shan.
Sila Shan ay may ari ng isang enggrandeng hotel doon sa Cebu pero sa Batangas sila nakatira.Doon lang siya pinagstay ng magulang niya at doon mag aral ngayong school year.Pinipilit ko siyang sa Manila na lang din siya mag aral para schoolmates kami.Baka sa mga minor subject lang kami magkaklase dahil magkaiba kami ng strand na kukunin.
Buisness Ad ang kukunin ni Shan na course habang ako ay mag La-Law.
"Uhm sige Gab, Goodnight." sabi ko sa kaniya habang nakangiti tsaka pumasok sa kwarto ko.
Agad kong hinablot ang cellphone ko at tinawagan si Justice.Mabuti na lang at sinagot ka agad niya.
"Hello Justice, mag impake ka ngayon.Punta tayo Cebu bukas.Hindi tayo tatakas, magpapaalam tayo." sabi ko sakaniya.
"Hindi tatakas huh, bakit ka bumubulong?" sabi niya.
"May feeling ako nasa labas lang ng kwarto ko si Gabrielle.May feeling ako na nakikinig siya ngayon." sabi ko. "Magimpake ka na, mga tatlo hanggang apat na araw tayo doon.I need to freshen up.Buti nga at isasama pa kita eh." dagdag ko
"Alright, anong oras tayo aalis?"
"Maghahanap ako ng flight na hindi lalagpas sa 6 am ang flight" agad kong sabi.
"What? ang aga Nicole."
"Oo, mas maaga mas makakapagtagal tayo doon." sagot ko na lang dahil pati ako ay hindi pa nakakapag impake.
"Uhm yeah okay, susunduin kita?"
"Oo, tatawagan kita kaagad kapag may flight akong nahanap. Sige byee!" putol ko agad.
Agad kong kinuha ang ipad ko at tumingin ng flight na mas maaga sa 6 am.Lucky me, may nahanap akong flight mamayang alas tres.Agad akong nag book ng dalawa at tinawagan si Justice.
"Hello? alis tayo ng alas dos Justice. May flight ng alas tres.Mag impake ka na at wag maging mabagal." sagot ko dahil naeexcite ako dahil makikita ko na si Shan after almost a year.
"Yeah yun nga din yung nakita kong flight, sige Nicole gumising ka ng mas maaga sa 2 am ah sige bye." putol niya.
Agad kong kinuha ang maleta ko at nag impake na, wala akong dadalhin na pantalon siguro mga dress ganon lang. Pagkatapos kong mag impake ay nagset ako ng alarm na 1:30 at natulog na.
Bago ako matulog ay nakatanggap ako ng isang text kay Angel.
Angel:
Can we talk tomorrow Ate Nicole.
Hindi patanong yung sinabi niya.Pautos talaga yon.Oh well bahala na.Wala naman na ako sa Manila bukas.Ipinikit ko na lang ang mata ko at natulog na.
Narinig kong may tumatawag sa cellphone ko, nakita kong si Justice ito.
"Wow you're awake, you're really excited." sabi niya sabay tawa.
"Idiot, nag set ako ng alarm ng 1:30 at tumatawag ka ng alas dose ng umaga.Natutulog ako b***h" sabi ko sakaniya.
"b***h ka diyan.Dalian mo dyan at nandito ako sa Mcdo malapit sa condo mo." sabi niya.
"Hala b***h ka talaga ang aga aga pa, isang oras lang tulog ko." Sabi ko sabay tayo.
"Ako hindi natulog.Tinapos ko yung movie na pinapanood namin ni Riella.Tagal eh, tatlong oras yung love story nila." sabay halakhak niya.
"Oh sige na, bilhan mo na lang ako ng pagkain diyan" Sabi ko habang papunta sa cr.
"Luh, neknek mo Nicole." pangaasar niya.
"b***h ka talaga, nilibre kita ng plane ticket.Baka gusto mong paglanguyin kita sa dagat papuntang Cebu?" sagot ko pabalik.
"Hehehe joke lang nandito na nga ako sa drive thru eh.Ano gusto mo your highness?" sabay tawa niya.
"Kuha mo ako ng something na may chicken at fries okay bye gagayak na ako." agad kong pinatay yung tawag at naligo na.
Mabilis lang akong naligo.Nagsuot ako ng isang jogging pants na black at hoodie na orange lang.Hindi na ako nag ayos since si Justice lang naman ang kasama ko.
Pasakay na ako ng elevator ng biglang tumawag si Justice "Shh eto na nasa elevator na pababa na ako" bungad ko sakaniya.
"What? Hala wait b***h nga ata ako" sabay tawa niya "Paalis palang ako ng village, oh chill eto na binibilisan na" sabi niya.
"Oh God Justice, bilisan mo." Nagulat na lang ako dahil biglang namatay ang tawag at narinig ko siyang tumatawa sa bandang likuran ko.
"b***h na ba ko neto?" tawa niya
"Tara na nga, aga aga mo gago!" sabi ko habang papunta sa sasakyan niya.
"Bilisan mo ang pag dadrive at may sasabihin ako sayo" sabi ko sakaniya habang nag mamanyobra siya palabas ng parking sa condo ko.
Reply
(Chapter Fourteen)
Naalala ko na kailangan ko palang mag paalam, agad kong kinuha ang cellphone ko at nagdalawang isip kung tatawagan ko sila o text na lang.Napag isipan ko na text na lang at baka makagambala pa ako kapag tumawag ako kila Mom.
Me:
Mom we are going on a trip to Cebu.I'm with Justice po.Mga 3-4 days lang kami doon, I need to freshen up bago po mag final exam sa Spain.
Sent 12:28 A.M
Yan ang sabi ko kay Mom, siguro naman ay sasabihin din ni Mom kay Dad yun.Now for the lsm for my brother.
Me:
Kuya we're going to Cebu.Like right now.Im with Justice and I need to freshen up Kuya and I know you know that.Nagpaalam ako I swear kaya please wag niyo kami susundan doon at gusto lang naming magpakalayo layo sa mga gulong nangyayari sa kaniya kaniya naming isip ngayon.Kuya I hope Mark is doing fine and dadalhan ko na lang siya ng something pagbalik ko.Sige kuya nakakatamad na mag type.Iloveyou po.
Sent 12:29 A.M
Hays gusto ko lang naman maging sweet pero I sound so bitter and sarcastic sa text message ko kay kuya.
"Nagpaalam ka ba kila tita Joy at tito Brod, Justice?" tanong ko sakaniya at baka mamaya eh takas talaga tong ginagawa namin.
"Ah yeah, I'm not like you." nagkibit balikat siya. "Bakit? Hindi ka nagpaalam? Nanaman ?" tanong niya.
"Hoy kakapaalam ko lang ngayon.As you can see, nagpapaalam naman ako ah-"
"Nagpapaalam ka nga, mali naman ang paalam mo.Sasama lang daw kila Andrea pero nakita ko sa isang club." putol niya sa sinabi ko.
"Hey! That was a year ago" inis kong sabi sakaniya.
That time, I was just 15 and nag aya yung "friend" ko na mag club at sabi niya kaming dalawa lang daw naman. Alam kong di ako papayagan mag club kasi a week before ako pumunta ng club ay kakauwi ko lang ng pinas.
"Dont be so kill joy Nicole" sabi ni Natasha.
Si Natasha ay isang plastik, manggagamit at backstabber.Nakilala ko siya noong umuwi kami nila mommy sa pinas noong grade 3 palang ako.
Ka batch ni Justice si Natasha kaso ay hindi pala-usap si Justice sa ibang tao.Lalong lalo na sa mga nagkakagusto sakaniyang babae.
Sumama ako kila Justice noon dahil sabi din ng Mom ni Justice ay mag shoshopping kami after ng enrollment ni Justice.
Biglang lumapit si Natasha kay Justice.Magkatabi kami ni Justice sa accounting sa school niya at si Tita Joy (Mom ni Justice) nandoon sa cashier (katabi lang ng accounting) para makuha na ang schedule ni Justice.
"Hey Jus, why can't you notice me huh.Taon taon kaya ako nagsesend sayo ng sweet messages." ani Natasha.
"Stop it. You're embarassing me." tumayo si Justice at hinila na ako palayo doon.
"Who's that?" tanong ko kay Justice
"Mga ka batch ko.She is Natasha.Hindi ko siya nakakasalamuha, actually ngayon ko lang nalaman na sakaniya galing yung mga love letters na binibigay niya saakin tuwing valentines.Pero base sa ipinakita niyang asal sa harap ko, she is desperate." sabi ng inis na si Justice.
"Ah okay" yan na lang ang nasabi ko dahil mukha ngang desperado si Natasha.
Beside sa pagiging desperada niya.Nagagawa niya pang mangbackstab, mamplastik at manggamit. I didn't know the whole story pero base sa pagkukwento ni Justice kay Jacob tungkol sa pinaggagagawa ni Natasha sa school nila ay talagang maiinis ka.
"Well I think you changed naman.Like a lot" sabi niya habang nagbabayad sa tolgate malapit sa airport.
"Kung sinabi mong hindi ka matutulog ay sana kanina mo pa ako sinundo sa bahay at sainyo ako umidlip." sabi ko para maiwala ang usapan.
"Uhm malay ko din" sabi niya habang papasok kami ng NAIA.
"Wala kang dalang maleta?" tanong ko sakaniya dahil isang backpack lang ang dala niya.
"Yeah,sabi mo kasi apat na araw lang tayo doon kaya" nagkibit balikat siya.
"Gago ka kasi Jus, ala una palang oh maliligo palang sana ako nito.Oh nasan na yung mcdo?" tanong ko dahil ayokong bumiyahe ng gutom.
"Eto" sabay turo niya sa tiyan niya.
"What the heck? Nasaan nga?" inis kong tanong habang siya ay tawa ng tawa.
"Chill tol,eto na nga" sabay abot niya sa paperbag.Akala ko ay walang laman pero madaming nuggets ang nasa loob at isang bff fries.
"Mhm okay.Thanks" sabi ko.
"So ano na nga ulit yung sasabihin mo kamo?" tanong niya. Muntik ko pang makaligtaan yun ah.
"Ah eto" sabay pakita ko sa text message ni Angel kanina saakin.
"Bakit hindi ka nag reply?" tanong niya.
"Dahil wala naman ako dito sa Manila kinabukasan." sabi ko sabay subo sa fries.
Habang kumakain ako ay may naalala ako.Sasabihin ko kaya kay Justice yun? Like right now? Siguro sasabihin ko na lang sakaniya kapag nasa airplane na lang kami para naman di kami tahimik sa biyahe.
Mr and Mrs Ong
(Chapter Fifteen)
"Justice wala ka bang pwedeng ikuwento dyan?" sabay tawa ko dahil nabubusog na ako sa kinakain ko.
"Actually madami dami." eka niya sabay ngisi
"Seryoso? ano ano?" tanong ko dahil na curious ako.
"I thought you wanna freshen up? Baka ma stress ka sa sasabihin ko." sabi niya na ikina taka ko lalo.
"Eh walang clue?" tanong ko.
"Uhm sige bibigyan kita ng clue." sabi niya habang nagsusuot ng earphones.
"Then what is it?" sabi ko.
"Just one.The clue is Gabrielle Ong." Sabi niya sabay pikit.
Gabrielle? si Gab? bakit? siguro alam na ni Justice na may koneksyon sila Angel at Gab. Isinawalang bahala ko na lang yon at nanood muna ng isang movie sa ipad ko.
Habang nasa kalagitnaan ako ng panonood ng movie ay biglang nagsalita si Justice.Lumingon kaagad ako dahil akala ko ay ako ang kausap niya,nun pala ay may katawagan siya.
"Oh yes kuya? Uh-huh. Nasa airport pa-what? baka next week.Teka nga, did Nic told you?" sabay lingon saakin ni Justice. "So what is the purpose of calling me kung nagpaalam naman siya- oo kaninang 10 pm lang siya nag yayang mag Cebu buti nga at gising pa ako non-ha wag na.Ako nga lang ang isinama susunod pa kayo-huwag nga at magagalit si Nicole.Eh wag ako ang kausapin mo kuya Nathan, yung kapatid mo na lang.Gege bye natutulog ako eh." sabay pikit niya ulit.
Maya maya ay nag ring ang cellphone ko.Nakita kong si kuya Nathan ang tumatawag.Kinalabit ko si Justice.
"Ano ba sabi ni kuya? Bakit tumawag sayo?" ungol lang ang sagot niya at lumingon sa kabilang side niya para tumigil na ako sa pangungulit. Wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag ni kuya Nathan.
"Nicole Reina, what the heck are you thinking? Going to Cebu? Last minute ka daw nag decide sabi ni Justice.Anong oras flight niyo? Susunod kami ni Julia-"
"Huwag na kuya.Freshen up nga diba tsaka sinama ko lang naman si Justice kasi gusto ko silang magkausap ulit ni Shan." putol ko sa sasabihin niya.
"Kelan ang uwi niyo?" mahinahon niyang tanong.
"Mga apat na araw lang din kami doon dahil kapag nag limang araw kami ay hindi kakayanin ng katawan ko.Dapat sa ika-anim na araw ay ang flight ko pabalik ng Spain.Uuwi ako ng maaga." dire-diretso kong sagot.
"Alam ba to ni Gabrielle-" pinatay ko na agad ang tawag.Ayokong malaman ni Gabrielle kaso magkaibigan sila ni kuya kaya alam kong malalaman at malalaman padin niya yon.
Natapos ko na ang movie at saktong alas dos na.Nakita kong bumukas ang mata ni Justice.Tumayo siya at aakmang maglalakad ngunit pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Cr lang ako,wait lang Nicole" sagot niya tsaka nagdire diretso paalis.
Habang nag iintay kay Justice ay naisipan kong sorpresahin si Shan sa pamamagitan ng voice message.
"Shan pupunta ko dyan ngayon! surprise! alam mo bang miss na miss na kita.Nagbreakdown ako kanina at napag desisyunan na pumunta sayo para naman maramdaman ko na may tao pading sasalo saakin kapag down na down na ako.I need to freshen up Shan.3 am ang flight namin so mga 6 to 7 am nandyan na kami sa hotel niyo.Andami kong ikukwento sayo.Sige na Shan sana ay matuwa ka sa aking pagdadating." sabi ko sabay send ng voice message.
Nakita kong papalapit na si Justice kaya nag ayos na din ako.
"Grabe akala ko ang haba na ng tulog ko.Akala ko nga eh iniwan mo na ako dito kaya pagkadilat ko medyo natuwa pa ako dahil katabi padin kita." sabay pitik sa ilong ko.
"b***h ka masakit.Talagang medyo natuwa ka lang ha.Ako bumili ng ticket mo mister Fernandez." sabi ko sabay tingin ng matalim sakaniya.
Tumawa siya habang nakahawak sa tiyan. "Yan lagi panlaban mo sa pang aasar ko sayo noh.Kaya kong bayaran yung ticket na binili mo sakin miss Fernandez" sabay balibag niya ng tissue sa mukha ko.
"Yuck! b***h ka talaga Justice! Saan mo pinunas to?! basa ito Justice.Kadiri ka!" sabi ko sakaniya sabay balibag ng nilukot na tissue.
"Shh ingay mo.Tubig lang yan I swear" sabi niya sabay tawa. "Tubig sa bowl" halakhak niya sabay bato ulit saakin ng tissue.
Nakita kong may mag asawa na nasa 30's na yata sila.Nakangiti sila saamin ni Justice.Nakita kong lumapit yung babae saamin ni Justice.
"Alam niyo bang dyaan kami ng umpisa ng asawa ko?" sabay ngisi niya at tingin sa asawa.
What the f**k? "Mag pinsan po kami.Uhm mukha naman pong masaya kayo hehe" sabi ko na lang pero deep inside nandidiri ako.
"Mag pinsan po kami miss" sabi ni Justice. "First degree cousins." dagdag pa ni Justice.Seryoso si Justice habang ako ay nandidiri.
"Ay naku pasensya na.Akala ko ay hindi kayo related kasi hindi kayo magkamukha-"
"Hindi nga ho kami magkamukha dahil siya ay may lahi at ako ay purong pinoy.If you mind,please excuse us.Kakain muna kami bago kami sumakay ng eroplano." sabi ni Justice sabay kuha sa gamit niya at maleta ko.
"Gago ka, saan naman tayo pupunta nito?" sabi ko sakaniya.Seryoso padin siya.
"Tol kasi naman napagkamalan tayong mag on.Kailangan nating lumayo doon.Nginang yan, pasalamat siya at gumamit pa ako ng po at opo sakaniya tsaka tignan mo nga yung oras oh. Hindi na tayo kakain dahil ilang minuto na lang ay boarding na." sabi niya. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong 2:45 na.Gosh tagal pala naming nag eechusan ni Justice doon.
"Ano nga pala sinabi sayo ni kuya kanina? bakit tumawag pa eh nagpaalam naman ako sakaniya." sabi ko habang kinukuha yung maleta ko sakaniya.
"Did you check your phone?" sabi niya at umiling ako. "Thats why. Hindi ka daw kasi nagrereply sakaniya kaya nag overthink yung kapatid mo at ako ang binungangaan" sabi niya sabay kibit balikat.
"Naka do not disturb kasi ang phone ko.Naka auto yon.From 1 am to 6 am.Madalas kasi ganyan oras nanggugulo si Natasha.Alam niya kasing sa ganoong oras ay free time ko.I mean nung nasa Spain ako." sabi ko.
"So nag uusap pa pala kayo nung Natasha na yon."
"Hindi na, I block her na.Minsan nga ay nasa classroom ako ay nagagawa niya pang tumawag saakin kaya ang ending na kukumpis yung cellphone ko." bigla akong may naalala. "Naalala ko nga minsan, sa sobrang inis ko sakaniya minura mura ko siya in spanish" sabi ko sabay tawa.
"Miss Fernandez, why is your phone ringing again?" Sabi ng english teacher ko.
"Some stalkers from my country is still finding a way to contact me,Maam." sabi ko.
"Uh-huh, one more ring and I'm taking your phone" Sabi ng aking guro.Tumango na lamang ako at tinry iairplane mode ang cellphone ko ngunit bago ko pa magawa yon ay nag ring ang impaktang cellphone.
Nakita kong nanlaki ang mata ng teacher ko dahil narinig niya ang ring.
"Give me your phone miss Fernandez or I will call your parents." wala akong nagawa kundi ibigay ang cellphone ko sakaniya.Nakita kong pinower off niya yung cellphone ko at thank God binalik din ng teacher ko yung cellphone ko after ng klase niya and ang mas maganda doon is last subject na ang English.
Nakita kong merong 13 miss calls from Natasha the b***h. Kailangan ko na talagang mag palit ng sim card pero bago ko gawin yon ay kokomprontahin ko muna si Natasha.
Agad kong tinawagan si Natasha and guess what? sinagot niya kaagad.
"God bakit ngayon mo lang sinagot Nicole?" galit niyang sabi.
"Vete a la mierda Natasha, eres una perra y una usuaria oh y también una traidora (f**k you Natasha .You're such a b***h and a user oh and also a backstabber)" sabi ko dahil hindi ko na nakayanan.
"Ha? Ikaw ba yan Nicole?" sabi niya.
"Eres una usuaria. Desearía no confiar en ti, hijo de puta (you're such a user.I wish i didnt trust you, you motherfucker)" sabi ko sabay halakhak.Well uhm evil laugh.
"Minumura mo ako Nicole?"
"Estùpido (stupid)" sabi ko sabay baba ng tawag.
"What?That's cool Nicole.Good Job" tumawa siya "Teach me some spanish words Nicole, I only know is estùpido dahil yun ang tinatawag saakin ni kuya Nathan dati kapag natatalo ako sa nilalaro namin" sabi niya sabay tawa.
"Oo sige.Boarding na Justice.Tara na" sabi ko sakaniya sabay hila papunta sa entrance papunta sa eroplano.
Pagkaupo ko sa eroplano ay nagsuot na lang ako ng earphones. Nasa window seat si Justice habang ako ay nasa tabi ng aisle.Sabi ko ay may sasabihin ako kay Justice ngunit nakatulog ako sa eroplano.Naalimpungatan na lang ako nang narinig ko si Justice na tinatawag ang pangalan ko habang nag aayos ng sapatos.
"Hmm?" sagot ko.
"Hoy gising na at nandito na tayo sa Cebu" sabi niya.
Agad akong umayos at tinignan ang oras.5 am palang.
"Diretso na tayo kila Shan o kakain muna tayo malapit dito sa airport?" tanong ko sakaniya habang nag aayos ako ng sling bag.
"Diretso na tayo sa hotel nila.Doon na lang tayo mag breakfast." aniya sabay sinop ng earphones.
Tumango na lang ako at inintay lumapag ang eroplano sa sahig.Nang inannounce na maari na daw bumaba ay nagpauna ako.I swear kapag nakita ko si Shan ay maiiyak talaga ako.Yayakapin ko siya ng sobrang higpit.
"Hoy Nicole mag intay ka, yung maleta mo dalhin mo ah, abay!" sabi niya sabay sugod saakin.
"Aray naman Justice.Tara na sa hotel" sabi ko at tumango naman siya.
"Kuya sa Takashi's po" sabi ko sabay labas ng camera ko dahil ang ganda ng sunrise.
"What would you do kapag nakita mo na si Shan?" pabirong tanong ni Justice.
Serseryosohin ko yung tanong niya. "Syempre I wanna tell her what I feel nung nagbebreakdown ako kahapon tsaka kapag nasa Spain ako." sabi ko sabay patuloy sa pagkuha ng litrato.
"Nagbreakdown kahapon? Is that the reason why we are here?" Tanong niya habang paliko sa gate ng hotel nila Shan.
"Ofcourse dummy.What would you think is the reason kung bakit tayo nandito ngayon?" tanong ko sabay baling sakaniya.
"Uhm si Gabrielle? Si Gab lang naman nakasama mo this past few days and you're acting very weird and strange.Thats why I agree to be with you right now-"
"Tagalog kase JC, TA.GA.LOG. Tagalog tayo dito Justice Claye." sabi ko sabay tawa habang iniirapan niya ako.
"Nandito na ho tayo maam, sir" mukhang nahihirapan pang mag tagalog si kuya.Ngumiti na lang ako nagbayad.
"God this is paradise Nicole." sabi niya habang papalapit kami sa entrance para mag check in.
"Yeah so lets go para makakain na tayo.I wanna see Shan.Like right now."
Habang papalapit kami sa lobby kung saan mag checheck in ay nakita ko ang dalawang matanda kanina.Nakita kong nanlaki ang mata ni Justice sa nakita.
"God they are here." sabi ni Justice ng pabulong.
"Thank you Mr and Mrs Ong! I hope you enjoy here at our hotel and resort" sabay ngiti ng babae sa dalawa.
Mr and Mrs Ong?