—SUMMER RAYNE’s POV— Kasalukuyan akong nakatuntong sa hagdanan at inaayos ang drapes. Habang nakatalikod ay rinig ko pag-uusap ni Greyson at Alyana sa gitna ng malaking living room. “Really? A vacation with you in a private island? Of course, I’ll go!” “That’s good then. We will leave at dawn.” He said with a cold voice. Narinig ko ang papaalis na hakbang ng dalawa at sumunod ang ingay ng sasakyan. Malamang ay papasok na sila ng opisina. Buti nalang at magbabakasyon ang dalawa, makakahinga ako at magiging payapa ang paligid. Lumubog ang araw at agad akong pumunta sa silid ni Heaven. Sa mga susunod na araw ay naka-schedule ang medical check-up niya at nais ko na naroon ako. Naabutan ko ang personal nurse niya na nilalagay sa report ang kanyang vitals at ini-inspect ang life support ni

