Kasal Tinaas ko ang makapal na kumot hanggang sa aking hubad na dibdib. Pinantay ko ang aking hininga habang si Reynard ay pinapanuod lang ako. Tumingin ako sa kanya at kaagad ding nag-iwas dahil hindi ko kinakaya ang mga emosyon nya sa kanyang mga mata. Hinapit nya ako at tumama ang mukha ko sa kanyang hubad na dibdib. Alam kong katatapos lang namin pero bakit parang gusto na naman nya? "Anong sagot mo sa kondisyon ko, Antoinette? Payag ka ba?" tanong nya at hinaplos ang balikat ko. "Kapag ba pumayag ako, titigilan mo na ang Paz? Hindi mo na sisirain ang bayan namin?" tanong ko. "Yes." "Paano ang hari?" "Ako na ang bahala sa kanya. Kung ganoon, payag ka?" sabi nya at hinaplos pataas ang leeg ko. "Oo, pero may kondisyon ako," Unti-unti akong lumayo sa kanya. Kumunot ang noo nya a

