Sino
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos pakalmahin ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, bitin na bitin. Saan ako nabitin?
Nagulat ako nang magpalakpakan ang limang gwapog lalaki na nasa harapan ko ngayon.
"Woohoo! Binata na si Reynard! Congrats, bro!" sabi ng isang lalaki at tinapik si manong sa likod.
"Tumigil ka nga, Reneesh. Bibigwasan kita," sabi ni Reynard at tumingin sa akin.
Lalapitan nya sana ako nang mauna ang isang lalakeng malaki ang ngiti sa akin. Pinagmasdan nya ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tumango-tango.
"Pwede na," sabi ng lalaki.
"Tigilan mo nga sya, Raguel," sabi ni manong at hinila ako palayo kay Raguel.
"Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa kanya, Reynard?" tanong ng isa pang lalaki na seyosong-seryoso ang mukha.
Bumuntong-hininga si Reynard at napahilot sa sintido.
"Ano ba kasing ginagawa nyo rito? Magsi-upo nga kayo, ang gugulo nyo!" sabi ni Reynard.
Sumunod naman ang limang lalaki. Tumingin sa akin ni Reynard at tinuro ang pinakadulong lalaki.
"Iyon si Rachim, ang pinakamatanda sa amin, si Richart wala sya rito dahil busy sa asawa nya," sabi nya.
Kumaway ako kay Rachim na ngumiti lang din sa akin.
"Ako ang pangatlo, si Reneesh ang pang-apat," sabi nya at tinuro ang nakangising lalaki.
"Hello," bati ko at kaagad nag-iwas ng tingin. Mukhang manyakis.
"Si Raviro, kambal nya si Reneesh," sabi ni Reynard at tinuro ang isang lalaking may maamong mukha.
"Si Rafaelle at si Raguel," turo nya sa dalawang lalaking mukhang bata pa.
"Natutuwa akong makilala kayong lahat. Ako si Antoinette, uhm, kaibigan ni Reynard," sabi ko at ngumiti.
"Sus! Kaibigan daw pero nasa kwarto. Anong ginagawa nyo roon? Nagja-jack en poy?" sabi ni Reneesh at ngumisi sa amin.
Napunta yata lahat ng dugo ko sa mukha ko. Wala naman kaming ginawa ni Reynard, sya ang may ginawa sa akin! Mabuti na nga at dumating sila kung hindi ay may pinagsisisihan na sana ako mamayang umaga.
"Umuwi na nga kayo!" sabi ni Reynard.
"Ikaw naman, brother. Kararating lang namin, gutom pa kami. Wala ba kayong pagkain dyan?" sabi ni Raguel at nagpunta ng kusina.
"Oy! Raguel, sama ako!" sabi ni Rafaelle at sinundan ang kapatid.
"Binibisita ka lang namin Reynard dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag namin sa iyo. Ilang araw ka na ring hindi nagpapakita sa amin, pati si Richart at Iesha ay pinoproblema ka. Yun pala may pinagkaka-abalahan ka pala rito," sabi ni Rachim at tumingin sa akin.
Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya.
"Alam mo bang dalawang buwang buntis na naman si Iesha, hindi pa nag-iisang taon si Risha ay buntis na naman sya. Hayop talaga itong si Richart, mukhang gusto nya pang lamangan ang tatay natin. Dapat talaga ay tumutol ako noong pinapatanggal nya yung kautusan na may araw lang ang pagsisiping nilang dalawa. Alam mo bang nasa iisang kwarto na lang sila ngayon at si Risha ang nakahiwalay. Grabe talaga!" sabi ni Reneesh na hindi ko naman nakuha.
Pinag-uusapan nila ang isa pa nilang kapatid na wala rito.
"So, anong gusto nyo? Magpasalamat ako sa inyo na pinuntahan nyo ako rito. Istorbo nga kayo, eh." sabi ni Reynard.
May narinig kaming nabasag sa kusina kaya nagpunta kaming lahat doon. Nag-aaway na ang dalawa para sa isang pirasong karne na natira namin kanina.
"Ako ang nauna dito kaya sa akin ito!" sigaw ni Raguel sa kapatid.
"Ako ang unang nakakita kaya sa akin dapat!" sigaw ni Rafaelle pabalik.
Lumapit si Raviro sa karne at kinain iyon. Napahinto ang dalawa sa pag-aaway at tumingin ng masama kay Raviro na sarap na sarap sa nginunguyang karne.
"Bakit mo kinain? Sa amin iyon, eh!" sigaw ng dalawa sa lalake.
"Kinain ko na lang para wala kayong pag-awayan. Ang sarap, sinong nagluto?" tanong ni Raviro sa amin.
"Si Antoinette," sabi Reynard.
Umiling ako, tumulong lang naman ako, eh.
"Si Selena talaga ang nagluto, tumulong lang ako."
"Wala akong pakielam kung sino pa ang nagluto. Nagugutom talaga ako," sabi ni Raguel.
"Ipagluluto na ko na lang kayo," sabi ko at ngumiti.
"Ayun! The best talaga itong bata mo, Reynard!" sabi ni Reneesh at tinapik ako sa balikat.
"Don't touch her," galit na sabi ni Reynard at tinulak palayo sa akin si Reneesh.
"Possessive naman nito, hmp!" sabi ni Reneesh at inangilan si Reynard.
Pumunta na ang lima sa sala at ako naman ay hinanda ang lulutuin. Nakamasid lang sa akin si Reynard.
"Sorry about them. Magulo talaga sila," sabi nya at lumapit sa akin.
"Ayos lang, mukhang masaya naman silang makita ka. At mukhang ayos lang din sa kanila sa kung anong meron tayo," sabi ko at nahihiyang ngumiti.
Hinawakan nya ang bewang ko at inilapit sa akin ang kanyang katawan.
"Ano ang pwede kong maitulong sa iyo?" tanong nya.
"Hugasan mo na lang itong karne at gulay. Hindi naman pwedeng paghiwain ng mga sangkap dahil baka pati daliri mo ay mahiwa mo," sabi ko at tumawa.
"You're insulting me, manang," sabi nya at kinuha na ang mga gulay.
"Totoo naman ang sinasabi ko, manong," sabi ko at hindi pa rin tumigil sa pagtawa.
Naisip ko kung mag-asawa kami ay ganito pa rin kaya kami? Hindi ko nai-imagine ang sarili ko sa ibang lalaki. Lahat ng mga future plans na nasa isip ko ay nandoon si Reynard.
Kailan ko kaya masasabi sa kanya na mahal ko sya? At kailang rin kaya nya masasabi iyon sa akin?
"Ang bango naman nyang niluto mo. Patikim nga," sabi nya nang matapos kong lutuin ang caldereta.
"Dahan-dahan, mainit pa. Masarap yan sigurado ako," sabi ko.
Tumango-tango sya matapos tikman ang niluto ko.
"Masarap nga pero..." sabi nya.
"Pero?"
"Mas masarap ka pa rin," sabi nya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Ewan ko sa iyo, bakit? Natikman mo na ba ako, ha?" tanong ko.
Tumingin sya sa aking dibdib at ngumisi. Kaagad ko na namang tinakpan ang mga iyon gamit ang dalawa kong kamay.
Oo na, natikman na nya ito.
"Pero kung hindi lang dumating ang mga tugak na iyon ay malamang natikman ko na rin yung sa ibaba," sabi nya kaya sinapak ko sya.
Buti nga at dumating sila, kung hindi ay lagot talaga ako!
Hinanda ko sa lima ang pagkain at parang mga patay-gutom na hindi pinakain ng ilang taon ang itsura ng apat na iyon. Si Rachim ay pinanuod lang sila Reneesh, Raviro, Rafaelle at Raguel sa pag-aagawan sa pagkain.
Yung totoo? Mayaman naman sila, hindi ba? Pero bakit sila ganyan?
"Tapos na ba kayo, mga aso? Ako naman ang kakain," sabi ni Rachim at kumuha na rin ng pagkain.
Natawa ako sa kanila pero itong si Reynard ay parang diring-diri sa mga kapatid. Umiling sya at tumingin sa akin.
"Salamat, Antoinette!" sabi ni Raguel kaya napatingin ako sa kanya.
"Walang anuman. Kain lang kayo," sabi ko at ngumiti.
Nang matapos silang kumain ay nagsipasok silang lahat sa kwarto ni Reynard.
"Hindi kayo pwedeng matulog dito!" inis na sabi ni Reynard sa mga kapatid.
"Bakit ba? Si Antoinette naman ay matutulog doon sa guess room kaya dito na lang tayo," sabi ni Raguel.
Ano? May guess room? Bakit hindi sinabi ni Reynard?
"Dito ka rin naman matutulog sa kwarto mo kaya 'wag kang mag-alala." sabi ni Reneesh sabay tawa.
"Doon ako sa guess room. Tatabi ako kay Antoinette," sabi ni Reynard at hinila na ako palabas ng kwarto.
"Hindi pwede! Babae lang ang pwede doon. Babae ka ba? Ha? Hindi pwede, dito ka lang." sabi ni Raviro at hinawakan nilang lahat si Reynard.
"Ano ba? Bitawan nyo ako. Mga loko talaga kayo. Antoinette, tulungan mo ako!" sigaw ni Reynard na parang hayop na itinali sa kama.
Natawa na lang ako habang pinapanuod sila. Mukhang napakaganda ng relasyon nilang magkakapatid.
"Sige na, Antoinette. Kami na ang bahala dito. Goodnight," sabi ni Rafaelle at nag-thumbs-up pa sa akin.
"Okay, goodnight," sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Teka! Hindi ko naman alam kung nasaan si ang guess room. Inikot ko ang buong bahay pero banyo lang ang nakita ko.
"Dito ang guess room. Miss Antoinette,"
Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may magsalita sa likuran ko. Si Rachim iyon at nakahawak sa doorknob ng isang kwarto.
"Rachim, salamat. Kanina ko pa iyan hinahanap. Sige, matutulog na ako," sabi ko at hinintay na tanggalin nya ang kamay nya sa doorknob.
"Bakit mo pinagkakatiwalaan si Reynard?" tanong nya na narinig ko pero hindi ko naman naintindihan.
"Ha?"
"Ang sabi ko, bakit mo pinagkakatiwalaan si Reynard? Hindi mo sya kilala ng husto. Wala ka pang alam sa kanya pero nandito ka at hinahain ang sarili sa kanya. Sinong matinong babae ang gagawin iyon?" sabi nya at umiling-iling bago umalis.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay natulala ako. Huminga ako ng malalim at inisip ang sinabi ni Rachim. Naiinis ako, naiinis ako dahil tama sya.
Ganito ba ako kadesperada para sumaya? Masama bang maghangad ng pagmamahal at atensyon na kay Reynard ko lang nakukuha?
Noong hindi pa sya dumarating ay lagi lang akong naghihintay kay papa para matapos na ang pagdurusa ko sa kamay ng aking madrasta at sa anak nyang babae. Nakadungaw lang ako sa bintana, naghihintay ng taong makakapansin sa akin at tutulungan ako.
Ngayong nandito na sya, sumobra ba ako? Mali ba itong ginagawa ko?
Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Mas nauna pa akong nagising kay Selena, nakapaghanda na ako ng umagahan at nakapaglinis na rin ng bahay. Madilim pa sa labas dahil alas-kwatro y media pa lang.
Nag-almusal ako nang mag-alas-singko na ng umaga. Nakanood pa ako ng telebisyon at wala pa ring tao sa bahay ang nagigising. Humiga ako sa sofa ng makaramdam ng antok. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.
Nagising ako ng may marahang humahaplos sa mukha ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nasilaw pa sa liwanag na nanggagaling sa labas. May malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.
"Reynard." sabi ko at bumangon.
"Good morning. Bakit dito ka natulog? Akala ko ba sa guess room ka?" tanong nya.
"Ah! Nakatulog lang ulit ako. Maaga kasi akong nagising," sabi ko at tumayo na bago nya pa ako mahalikan ulit.
"Ikaw siguro ang naghanda ng umagahan kanina? Medyo malamig na noong kinain ko pero masarap pa rin. Hindi ka ba nagugutom?" tanong nya at hinabol ako dahil nagdire-diretso ako sa banyo.
Hindi pa ako nagtu-toothbrush at hinahalikan nya ako.
"Ganun ba? Pasensya ka na, maaga ko kasing niluto iyon. Sana ginising nyo na lang ako para na-init ko," sabi ko at pumasok na sa banyo para makapaghilamos.
Nagtagal ako ng ilang minuto roon dahil nag-isip pa ako. Dahil sa Rachim na iyon, gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung tama pa bang nandito pa ako. Sinubukan ko namang umalis noon pero anong nangyari? Sa kanya pa rin ako bumagsak.
Paglabas ko ay nandoon pa rin sya at naghihintay sa akin. Nagtuloy-tuloy ako sa guess room kung saan nandoon ang mga damit ko, nagpalit ako at inayos ko na rin dahil uuwi na rin naman ako mamaya.
"Antoinette?" tawag sa akin Reynard habang kinakatok ang pinto ng kwarto.
Hindi ko sumagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.
"Is everything okay? May problema ba?" sabi nya at kinatok ulit ang pinto.
"Okay lang ako, nag-aayos lang ako ng gamit," sabi ko.
Lumabas ako ng matapos at nandoon pa rin sya at naghihintay. Malungkot ang mga mata nya nang bumaling sa dala kong bag. Uuwi na kasi ako.
"Nasaan ang mga kapatid mo? Magpapaalam lang ako, uuwi na ako," sabi ko at nilagpasan sya.
"Sandali? May problema ka ba? Parang wala ka sa mood. Masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong nya at lumapit sa akin.
"Ayos lang ako, gusto ko lang talagang umuwi. Dapat naman na talaga akong umuwi, hindi ba?" sabi ko at mabilis lumabas ng bahay.
Nakita ko ang mga kapatid nyang nakaupo sa may garden at may mga kanya-kanyang ginagawa. Lumapit ako at napatingin silang lahat sa akin.
"Uuwi na ako sa amin. Natutuwa akong makilala kayo," sabi ko at tumalikod na.
"Sandali! Uuwi ka kaagad? Hindi ka pa namin nakikilala ng maayos. Magkwentuhan muna tayo," sabi ni Raguel at hinila ang kamay ko.
"Hindi na. Sa susunod lang siguro, kapag handa na kayong sabihin kung sino ba talaga kayo," sabi ko at tinulikuran na silang lahat.
Alam kong hindi ako ihahatid ni Reynard kaya mag-isa na lang akong bumaba ang burol.
"Antoinette! Sandali!"
Hindi ako tumigil at hindi rin ako nagpatinag sa galit nyang boses.
"Antoinette!" sigaw nya at marahas na hinablot ang kamay ko para maiharap ako sa kanya.
"Ano bang problema mo, Reynard?"
"Ikaw, anong problema mo? Yun ba? Dahil hindi ako nagkukwento sa iyo tungkol sa buhay ko? Yun lang?" galit nyang tanong.
"Oo, yun lang naman! Na-realize ko na tama si Rachim, bakit nga naman ako nagtitiwala sa isang taong hindi man lang masabi kung ano ba talaga sya? Kung sino ba talaga sya?"
Ngumisi sya at napasabunot sa sariling buhok.
"Si Rachim ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan," sabi nya.
"Walang kasalanan si Rachim dito. Aalis na ako, Reynard. Kausapin mo na lang ako kapag handa ka nang sabihin kung sino ka ba talaga." sabi ko at tinalikuran na sya...