Home Tahimik kaming lahat habang naghahain ang mga Royal Maid ng pagkain. Hindi ako makatingin sa kanila, nakayuko lang ako habang hawak-hawak ni Reynard nang mahigpit ang mga kamay ko. "Kumain na tayo," anunsyo ng hari kaya nagsimula na kaming kumain. Pinagmasdan ko ang mga pagkaing hindi ko kilala at hindi ko rin gustong kainin. Naduwal ako nang isang beses. "Reynard," tawag ko sa katabi kong abala sa pagkain. "Bakit? May problema ba?" Binalingan niya ako at tumingin sa pinggan ko na wala pang laman. "Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya habang nakakunot ang noo. "Ayoko yung mga pagkain," sabi ko at yumuko. "Masarap ang mga ito. Dito lang sa Royal Palace sine-serve ang mga pagkaing ito." Nilagyan niya ng isang putahe ang aking pinggan. "Pero ayoko talaga, nasusuka ako," Napa

