Currency "Bakit ang bilis nilang nahanap?" tanong ko kay Raguel. "Ganun talaga, may mga superpowers kaya kaming mga Royal Family, hindi mo ba iyon alam?" Tumawa pa sya. Baliw! Umalis si Reynard para puntahan yung sinasabi nilang bumaril sa akin. Sino kaya sya? Gusto ko sana syang makita pero hindi pumayag si Manong Reynard. "Masakit ba talagang mabaril?" tanong ni Raguel. "Kanina ka pa tanong nang tanong kay Antoinette. Gusto mo barilin na kita para ayos ka na?" sabi ni Raviro. "Nagtatanong lang ako! Masama ba?!" sabi ni Raguel at inirapan ang kapatid. "Alam nyo ang gulo nyo," mahinang sabi ni Rafaelle. "Wala kang pake!" sabay na sabi ng dalawa. Natawa ako. Ang kukulit! Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si King Richart, si Reynard, si Reneesh at Rachim. Umayos nang tayo ang

