Kabanata 27

2193 Words

Ikamamatay Wala kaming imikan habang kumakain. Kanina habang inaayos nya ang mga pagkain ay inayos ko naman ang sarili ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago sumubo ulit ng isang kutsarang kanin. "Gusto mo ng tubig o juice?" tanong nya. "Tubig na lang," mahinang sabi ko. Tumango sya at inabot sa akin ang isang basong tubig. Kaunti lang ang nilagay nyang pagkain sa plato ko pero hindi ko pa maubos-ubos. Wala akong gana. "Halos hindi mo naman nagalaw ang pagkain mo. Hindi ba masarap ang pagkain? Gusto mong mag-order ulit ako ng iba?" sabi nya. Umiling ako. "Wala lang talaga akong gana. Gusto ko na ring umuwi," sabi ko at binaba ang kutsara. "Dapat ay sa susunod na araw pa tayo uuwi pero sige, uuwi na tayo. Ipapaayos ko na ang sasakyan natin bukas," sabi nya at kinuha ang kutsara ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD