Marky's POV Bakit mo sa'kin nagawa 'to, Alex. Minahal kita ng buo. Minahal kita kung sino ka man. Pero bakit ganito kasakit ang ginanti mo sa pag-mamahal kong ito? Tila pati ang ulan ay nakikisalo sa pagtulo ng luha ko. Sobrang lakas ng ulan. Halos wala na akong makita sa kalsada. Kasabay din ng raindrops sa salamin ng kotse ko ang pag agos nito pababa. Mahigpit na ang kapit ko sa manibela. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Pinukpok, Sinuntok ko ang manibela. Hindi ko na alam ang gagawin. Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako niloko? Bakit niya ako sinaktan? Hi and then goodbye. May mga ganyang tao talaga. May dadaan lang sa buhay mo. Magiiwan ng isang masakit na alaala. Bumaba ako sa sasakyan at hinayaan na ang ulan ay basain ako n

