Alex's POV "I'll fetch you!" Napaawang ang bibig ko. Nanlaki ang mata. Bigla akong nataranta. Pumasok ako ng bathroom at tiningnan ang sarili. "Sh*t!" Sabi ko nung nakitang magulo ang buhok ko at may mga muta pa. Inamoy ko rin ang hininga ko. "Waaah! Anong gagawin? Yung kumag na 'yun talaga napaka epal sa buhay!" Sabi ko. Minadali ko ang pag ligo. Ano ba at natataranta ako? Date? Date ba talaga? With Marky? No! Ano bang nangyayari? Gusto ko ba? Ano bang susuotin kapag nakikipag date? Bakit parang nakalimutan ko na? Inilapag ko yung pang boyish na damit at yung pambabae na damit. Naka twalya palang ako at namimili ng susuotin. Waaah! Bakit ganito ako kinakabahan? Hindi ito date. Bakit may pangbabae diyan? Hindi na naman 'yan ang mga sinusuot ko ha? Tss. Pinili ko nalang 'yun sinusuo

