LEXIE'S POINT OF VIEW
Hindi rin naman nagtagal at tumila rin yung ulan kaya nag-swimming na sila. Wala naman talaga kasi akong plano na sumama kung hindi lang talaga ako pinilit nung mga 'yun. Nasa may side lang ako ng pool area habang nagla-laptop. Sila naman ay naghaharutan sa may pool.
"Ang KJ talaga nito ni Lexie! Mag swimming ka na kasi!" Sabi ni Perry. Ang kulet? Haha.
"Oo nga, bakit ba ayaw mo?" Tanong naman ni JD.
"Red flag!" Sabi ko. Siyempre joke lang 'yun.
"Red flag? Lols. Huwag kami, Lex! Alam naming tapos ka na datnan!" Sabi naman ni Daph. Hala?Papano naman nila nalaman?
"Uhh... Red flag?" Takhang tanong ni Jacob. Pfft. Nagtawanan naman kaming mga girls. Hindi nila gets. Haha. Malamang lalaki sila, eh.
"Bakit kayo natawa? Ano ba kasi yung 'Red flag' na yan?" Takhang tanong naman ni JD.
"Red flag? You mean the monthly period?" Sabi ni Cloud. Wait, what?
"Hala ka, Cloud? Bakit mo alam?! Naku, Cloud ha!" Pang-aasar ni Jean.
"WHAT?! I have a sister! That's why I know." Depensa ni Cloud. Ang cute talaga nila.
"Haha! OMG, Cloud! Haha! Akala ko talaga- pfft. Haha!" Tawang-tawa naman si JD.
"Ul*l! Asa ka!" Sabi naman ni Cloud na medyo naiinis na at namumula sa hiya.
Sinagot ko yung phone ko muna dahil may tumawag.
[ Hi, princess. How's your vacation with your friends?] Sabi nung sa kabilang linya. Tumayo muna ako sa kinauupuan ko at medyo lumayo sa barkada.
"Who is this?" Tanong ko.
[Awe. I thought you know me. Well, you will know me soon. Have a nice weekend, princess.] Pagkatapos nun, ay binaba niya na. Kinukutuban ako ng masama rito, ah.
"Panget."
"Ay kalabaw!" Nakakagulat naman 'to. Psh.
"Hiya naman mukha ko! Kalabaw?! Psh." Si Siege lang pala.
"Ikaw kasi eh! Ba't ka kasi nanggugulat?" Sabi ko.
"Dinner's ready." He said.
"Ah. Teka, wala ka kanina. Sa'n ka ba galing?" Tanong ko.
"Diyan lang. Pake mo ba?" Sabi niya. Hala siya. Sinumpong nanaman siya ng kasungitan. Aish.
"Psh. Tara na nga." Sabi ko sa kaniya kaya pumunta na ko ro'n sa barkada. Nakahanda na rin lahat ng pagkain.
"Oh ayan na yung dalawa! Nag-date na naman ba kayo? Psh. Kayo talaga! Yiee!" Pang-aasar ni JD samin. Nabigwasan naman siya ni Siege dahil dun. Haha.
"S-sorry na, boss. Eto naman! Hindi mabiro." Pahabol niya.
"Yiee,ApollStrid for the win!" Isa pa 'to si Jean eh! Sinamaan ko siya ng tingin hindi naman nagpatinag ang luka at ngumiti lang. Aning talaga. Hays.
"Aish! Kumain na nga lang tayo. Dami niyong dakdak." Sabi ko. Nagsitawanan lang sila.
Pagkatapos naming kumain, nag-decide na kami na pumunta sa mga kwarto namin. Dalawa yung kwarto, yung isa ay sa aming mga girls at yung isa ay for the boys.
Nag-aayos na kami ng mga gamit namin ng biglang nagtanong si Perry, "Hey, Lexie. What's the deal about you and Siege?"
"H-ha? Wala. Ba't mo naman natanong?" Nagulat naman ako dun sa tanong niya. Pero napaisip din ako ro'n, ah. Ano nga bang meron samin ni Siege?
"Wala nga ba talaga?" Sabi ni Lay na may panghahalong asar. Binato ko naman siya ng unan at diretso naman yun sa mukha niya.
"HAHAHAHA DIRETSO SA---" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi binato niya na rin ako ng unan at diretso sa mukha ko. And that's where it starts... nagbatuhan na kami ng mga unan. Haha. Pillow Fight.
"Hello girls, anong--" napatigil naman kami nung biglang pumasok ang mga boys. Nabato naman namin ng unan yung kaninang nagsasalita na si Jacob. Haha.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong naman ni Cloud.
"Pillow Fight!" Sagot namin.
"Ang daya niyo ah! Di man lang kayo nangsasali diyan!" Sabi ni JD kaya naman natawa kami.
"Psh. Haha. Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ni Daph.
"Maglalaro daw tayo sabi ni JD." ani Raven.
"Ano namang laro?" Tanong ko. Umupo na kami sa sahig ng mga girls. Ganun din yung mga boys. We formed a circle.
"Truth or dare!" Sabi naman ni JD.
"Call kami!" Sabi naming mga girls.
"Okay. Let's start." Naglagay ng isang bottle si Jaydon sa gitna namin at pinaikot ito. Tumapat naman ito kay Jacob.
"Truth or dare." Tanong ni JD.
"Dare." Sagot ni Jacob.
"Okay! Uhh.. I-kiss mo sa cheek ang pinakamagandang babae rito para sa'yo." Utos ni JD.
"Hala! Bakit ganun?!" Pag-protesta ni Jacob.
"Wag kang KJ, bro. Kaya mo 'yan!" Sabi ni JD.
"Oo nga kaya mo 'yan!" Sabi ko.
Mukhang kilala ko na kung sino, eh. Haha.
Napakamot naman ng ulo si Jacob at sinimulan nang lumapit sa kung sino man ang iki-kiss niya. Which is Perry. Nagulat naman si Perry kasi hindi niya inasahan na siya pala ang pipiliin ni Jacob.
"Yown oh! PereCob forever!" Sabi naman ni Jean. Haha. Gumagawa na ng ships itong babaitang 'to, e.
Jacob gave Perry a light peck on the cheeks. Nag-blush naman ng matindi si Perry. Haha. Cute.
Si Jacob din ay nagkaroon ng light blush dahil sa hiya, but mabilis din siyang naka-recover. Si Jacob naman ang nag-spin ng bottle at tumapat ito kay Jean na ikinagulat naman nito.
"Truth ako!" Sabi ni Jean.
"Haha. Okay! Sino ang pinaka-cute sa'ming mga boys para sa iyo?" Sabi ni Jacob.
"Uhh.. s-si ano... Uhh.. s-si C-cloud." Sabi niya. Mahina lang pagkakasabi niya ng pangalan ni Cloud pero narinig pa rin namin. Umiwas lang ng tingin si Cloud at nag-tch. Haha. Kunwari pa, kinikilig din naman yan.
"Woot! ClouJean na naman! Yeah!" Pang-aasar naman ni Jacob. Haha. Ginantihan na si Jean.
"Tse! Ako na!" Sabi ni Jean sabay kuha nung bote at pina-ikot. Tumapat naman ito kay Raven.
"Truth or dare?" Jean.
"Truth." Sabi ni Rave.
"Uhh.. Hmm. Para sa iyo, sino ang pasok sa type mo na gusto mong babae sa aming lima?" Tanong ni Jean.
"H-ha? A-ah. S-si a-ano.. Si Daph." Sabi niya. Pero di namin narinig yung huli.
"SINO?!" tanong namin. Kahit na alam na namin yung sagot. Haha.
"Si Daph! Si Candice Daphney! Ayan?! Narinig niyo na?! Psh." Haha. Ang kulit ni Rave. Nagulat si Daph sa sinabi niya at nag-blush siya ng kaunti.
Kinuha na ni Rave yung bote at pinaikot, tumapat naman ito kay JD. OMG. Haha.
"Dare." Sagot agad ni JD.
"Haha. Okay. Sige nga! I-hug mo yung babaeng gusto mong ligawan. Sa kanilang lima lang ha." Sabi ni Rave.
Bigla namang niyakap niya si Lay. Katabi ko si Lay at medyo narinig kong may binulong si JD sa kanya na halata namang nagulat si Lay sa mga sinabi niya.
"Okay na! Ako naman!" Sabi ni JD. Pinaikot niya na yung bottle at tumapat kay Siege.
"Psh. Truth ako!" Sabi naman ni Siege.
"Sige, Siege! Haha. Sino sa kanilang lima ang may pag-asa na sumungkit ng puso mo?" Sabi ni JD ng nakangisi. Haha. Baliw talaga 'to.
"S-si... Bakit kasi yan yung tanong?! It's unfair!" Sabi ni Siege.
"Hindi naman ah! Wag kang KJ, bro. Dali na! Sus naman." ani Jaydon.
"Psh. Si Lexie." Sabi niya sabay walk-out.
'Si Lexie...'
'Si Lexie...'
'Si Lexie...'
Bakit paulit-ulit nagre-rewind yung mga sinabi niya sa isipan ko? At saka ang lakas ng t***k ng puso ko? Ano bang nangyayari sa'kin?