LEXIE'S POINT OF VIEW Pagkadating namin do'n sa condo niya, ay takte lang! Nagmukha na itong tambakan ng basura. Halatang lalaki ang nakatira dito. Psh. "What the?! Kaya ka nagkakasakit, eh!" Sabi ko. Umupo lang naman siya sa may sofa at hindi ako pinansin. "Where's your medicine cabinet?" Tanong ko. "In the bathroom. Over there." Sabay turo dun sa may pinto ng CR. Pumasok naman ako sa may CR. Pero ha! Ang linis ng CR niya compare sa salas niya. Siguro napakagulo rin sa kwarto niya. Kinuha ko naman yung thermometer at gamot para sa lagnat. Pagkalabas ko nakita ko naman siyang nakahiga na sa may sofa. Hm? Mukhang tulog na. "Siege?" I called. Eh? Walang imik. Tulog nga ang luko. Hinipo ko naman ang noo niya. Ang init niya pa rin. Then, when I look at his face, he's at peace. Di m

