LEXIE'S POINT OF VIEW "H-How did you get in?" Tanong niya sa amin na mukhang naguguluhan. Nakatutok ang lahat ng b***l sa kaniya kaya hindi siya makagalaw. Mukhang hindi niya inaasahan ang pagbisita namin sa kaniya. "Because we could do everything right now." Sabi ko at nilapitan siya. Ngunit hindi ko alam na nasa likod ng pinto ng kwarto niya ay nandoon si Dylan. Hinablot niya ako at tinutukan ng b***l. "Ibaba niyo ang mga b***l niyo o papatayin ko ang pinakamamahal niyong prinsesa." Pagbabanta ni Dylan. "Oh, look at that! Ano na ang gagawin niyo ngayong nasa kamay ko na naman ang pinakaiingatan niyong babae?" Pang-aasar ni Ingrid. Pero mukhang wala lang kela Kiel ang pang-aasar sa kanila at mukhang hindi naman sila nagpa-panic sa ginawa sa akin. Napatingin sa akin si Ingrid nang

