LEXIE'S POINT OF VIEW "Lexie! Lexie!" Umarangkada na naman ang boses ni Jean. Aish. Kaaga-aga, teh? "Hmmm.." I groaned at unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Dito na pala ako sa couch nadatnan ng antok ko. Nakita ko naman silang bihis na bihis na. Aalis na nga pala sila ngayon. "Aalis na kami, Lexie." Sabi ni Perry at nilapitan ako. I sat up and smiled at her. "Sige. Mag-ingat kayo ha." Sabi ko at niyakap niya naman ako. Pati yung iba ay nagsiyakap na, except kay Cloud. Okay lang naman yun dahil di naman siya aalis. Huehue. Pero ang KJ talaga nun. "Naku naman 'to si Cloud. Sumali ka na rin dito." Sabi ni Jean sa kanya. "I don't—F*CK!" Magsasalita pa sana si Cloud pero hinila na siya ni Jean sa hugging session namin. Haha. Pagkatapos ng madamdaming moment namin, hinatid namin

