LEXIE'S POINT OF VIEW "Discharge ka na bukas, Lex." Sabi ni Jacob pagkapasok niya sa loob ng kwarto ko. Mabuti naman! Nabo-bored na ako dito eh. Feeling ko ilang taon na ako na nandito. "Yes! Mabuti naman! Inip na inip na ako rito!" I said then pouted. Jacob let out a faint chuckle. Pumasok naman sumunod sina Perry at Lay. Nginitian nila ako at saka sila naglakad papalapit sa akin. "Dun muna tayo mag-stay sa bahay nila Raven sa may Altierra, malapit lang naman 'yun sa school natin." Sabi ni Perry. "Eh? Kasama natin parents niya? 'Di ba nakakahiya yun?" Tanong ko. Grabe, makikitira pa kami sa kanila. Sobra naman yun, tsaka andami namin. "Actually, tayo lang yung nando'n. Para kasing resthouse nila 'yun." Paglilinaw ni Lay. Ganun pala. "Ah, okay." I said. "Tayong lahat do'n?" Tan

