LEXIE'S POINT OF VIEW After namin mag-lunch, nagtampisaw na agad sila sa tubig-dagat. Ngunit ako ay nasa may terrace lang ng beach house, nakaupo. Nag-iisip. Hindi ko alam pero wala pa sa mood masyado na pumunta sa tubig. And mag-isa ako kaya naman parang payapa ang buhay ko. Binuklat ko yung binabasa kong libro at nagbasa. Habang nagbabasa ako ay narinig ko ang tili ni Jean kaya napatingin ako sa kanila. Napangiti na lang ako nang tinatalamsikan lang pala siya ng tubig ni Cloud. Hayy naku. They totally like each other. Obvious naman eh. Ngunit hindi nawala sa paningin ko ang babaeng nakatayo sa may dalampasigan. Naka-shades siya, sun hat at naka-summer dress. Ngunit kita ko pa rin ang pamilyar na mukha niya. Nakatingin siya sa akin at nginitian ako. Pagkatapos nun ay umalis na siya. H

