CHAPTER 3

1082 Words
Tulala akong nakapangalumbaba sa table namin dito sa cafeteria, lunch time na kaya naman kompleto kaming apat. Sina Yannah at Jasper ang umorder ng pagkain namin habang kami naman ni Laica ang naiwan. “Hoy sish! Anong problema mo? O sino iniisip mo at kanina ka pa nakatulala riyan? Huwag mong sabihin na first day pa lang ay may nanliligaw na naman sayo? Ganda mo ah?” Pang aasar pa sa akin ni Laica. Nakangiwi ko siyang tiningnan. Anong ligaw ligaw ba? Nako wala ah! Ganda ko naman masyado siz? Wala lang ano, iniisip ko lang ang orientation kanina.” Dahilan ko sa kanya. Totoo naman kasi na iniisip ko yung orientation. Yung nag oorient rather. 1 Hour Ago Holy crap! Siya yung SSC President namin? What a coincidence! Hmmm buti na lang rin kasi ngayon alam ko na pangalan niya. Hihihi “Good morning everyone. Once again, thank you for voting me last election, thank you for putting your trust in me in handling our student body. I won’t promise anything but I’m giving you all an assurance that this school year will be an awesome year for ‘ya all.” Ngiting saad ng lalaki sa lahat. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante at kitang kita sa kanilang mga mukha ang paghanga sa lalaking nag sasalita sa harap. Well, sino ba naman kasi ang hindi hahanga sa angking kagwapohan ng lalaking ito? Makarisma ang lalaki lalo na kapag ngumingiti ito. May pagkamoreno ang kanyang balat, medyo singkit na mga mata at ka aya-aya naman talagang tingnan ang kanyang katawan na parang lahat ata ng damit na kanyang susuotin ay babagay sa kanya. Natapos ang orientation ng nakapukos ang aking paningin sa aming SSC President. Aalis na sana ako at hahanapin si Jasper ng may biglang humawak sa aking braso. Nagulat ako ng makitang si Erwin ito. Nagkatitigan kami sa mga mata ng mga ilang sigundo bago niya alanganing binitawan ang aking braso. “Yes?” Pormal kunwaring tanong ko, kahit ang totoo ay nagrarambolan na at nagkakarirahan ang t***k ng aking puso. Sinubukan kung ngumiti ng natural sa kanya na sa tingin ko naman ay aking napagtagumpayan. Phew! “Ahm miss, I’m thinking how could I make it up to you from what happened earlier? I’m really sorry.” Pakamot-kamot ng ulo niya pang saad sa akin, which I find it cute. Hihihi “Oh! That? I don’t really mind ‘bout that. You don’t have to worry. I’m good” Nakangiting saad ko habang winawagayway ang aking kamay. “Uhm, how about I treat you lunch? Please? I just want to make it up to you.” Saad niya sa akin. Naramdaman ko naman ang pag akyat ng dugo sa aking mga pisngi. Nag iinit ang aking mukha at feeling ko kokombulsyunin ako. Aw okay medyo OA na ‘yon hihihi. Mag sasalita na sana ako nang biglang may humawak sa aking balikat. “I’ve been looking for you. Let’s go.” Saad ni Jasper. Nilingon ko naman si Erwin at nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya. “Wait.” Saad ko kay Jas at hinarap si Erwin. “Uhm can I borrow your pen?” Nahihiyang tanong ko. Mabilis niya namang kinuha ang ballpen na nakasabit sa bandang dibdib ng kanyang damit at inabot ito sa akin. “Here” Saad niya, tinanggap ko naman ito at kinuha ang kanyang kamay. Naramdaman ko ang pagkagulat niya ngunit hindi ko na lamang ito pinansin. “You can text or call me if you want. I’ll surely reply. Una na ako. Bye!” Pahayag ko at mabilis na hinila si Jasper paalis roon. Bago ako lumabas ng pinto ay nilingon ko muna ang lalaki. Nakangiti itong nakatitig sa kanyang palad na sinulatan ko ng aking numero. Goshhh! Nakakahiya yun ah? “Hoy! Bruhang to nakatulala na naman. Chika ka nga kung anong dahilan ng mga tulala moments mo. Siguro may crush ka na nu?” Nakangisi pa na saad ni Laica sa akin. Sus mang-aasar na naman. Nakita ko sina Jasper at Yannah na papalapit sa table namin. As usual, seryoso nanaman ang kanilang mga fes. “Guys? What about we hang out later at Yannah’s club? Mini celebration for our first day of school. What do you think?” Suhestyon ni Laica, agad naman akong sumang ayon sa kanya. Kaya ngiwing tumango na lamang si Jasper. Si Yannah kasi ay mayroon ng sariling clubhouse, regalo ito ng mga magulang niya noong 18th birthday niya. Mayroon itong mini restaurant sa right side at play room sa left side. Kaya naman hindi talaga ma bobored ang mga tao na pupunta roon. Ang clubhouse ay mag oopen ng 7pm. Habang ang playroom naman ay 24/7. Ang restaurant ay mag coclosed ng 11pm. “Sino iyong lalaking kausap mo kanina aly?” Biglang tanong ni Jasper. Napa face palm na lamang ako sa aking isipan nang makita ko ang mapang asar na tingin ni Laica. “Ah? Wala. May tinanong lang. Ha ha ha” Awkward na tawa ko pa. “Hmmmmmm tinanong number mo?” Mapang aasar na saad ni Laica. Mabilis naman akong umiling. “Hindi ah! Ano lang iyon. Fans. OO tama! Gusto lang sana magpa picture. Ha ha ha” Awkward na pahayag ko. Mabilis kong nilagok ang isang basong tubig na nasa aking harapan. Pero teka nga? Bakit parang kinakabahan ako? Wala naman akong ginagawang masama ah? “Sinasabi ko na nga ba at hindi mo matutupad iyong pinagsasabi mo noong graduation day natin! WHAHAHAHAHAH Mukhang mananalo ata ako sa pustahan ah?” Ngising saad pa ni Laica. “Fan nga lang iyon. Mananalo ako, hindi ba lyssa?” Seryoso pang tanong ni Yannah. “Ahh hahaha oo naman hahaha” Tawa pang sagot ko. Jusme! Muntik ko ng malimutan iyong sinabi ko sa kanila sa mismong graduation day namin sa Senior High. “I swear! I will never ever ever got into relationship when mag cocollege na tayo. I swear that sa bato!” Matapang pang saad ko nuon. Duhhh matutupad ko pa rin iyon nu? Wala pa namang lalaking nanliligaw sa akin na nagustohan ko. So safe ang 100k ni Yannah. Or so I thought? Biglang nag vibrate ang aking phone, indikasyon na may nag text. Kinuha ko ito at binasa ang mensahe ng isang unknown number. “Hi. Sorry I forgot to ask your name. This is Erwin Go by the way. Are you free tonight?” Basa ko sa mensahe. Napahawak ako sa aking dibdib ng magsimula na namang lumakas ang t***k ng aking puso. Packaging tape! Text pa nga lang nag rarambolan na ang mga ugat ugat ko sa puso, paano na kaya kapag personal ko na naman siyang makita? Delikado pala talaga ang 100k mo Yannah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD