CHAPTER 1

1273 Words
Alyssa’s POV Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ni Laica, sasabay ako sa kanya papuntang University. Today is our first day of school as a 2nd year college student. Yes Baby! Sa wakas ay 2nd year na kami! Nalagpasan namin ang isang taon sa kolehiyo. I may sound a little bit OA but I’m happy. Walang paki alaman orayt? Nasa harapan na ako ng bahay ni Laica, and I guess nag iimagine na naman ito habang kumakain kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin hand ana umalis. Nilagay ko ang aking dalawang kamay sa mag kabilang gilid ng aking bibig, humugot ako ng napakalalim na hininga. Here we go! “LAICA ZAYN! LAICA ZAYN! LAICA ZAYN! ANDITO NA AKO SA LABAS! KAPAG HINDI KA PA LUMABAS IN 1 MINUTE AY IKAKALAT KO SA SCHOOL PUBLICATION N’YO ANG LITRATO MO NA MAY UHOG AT ‘YONG LITRATO MONG NANG STALK KA SA KRASS MO!” Sigaw ko. “WAIT LANG! PAG TALAGA TINOTOO MO IYAN ALYSSA AH! FRIENDSHIP OBER TALAGA TAYO!” Sigaw pabalik niya sa akin. Wala pang isang minuto ay lumabas na ang aking best friend na may suklay pa sa buhok, nag susuot pa ito ng sapatos habang may kagat kagat na sandwich. “Ohmeded eleshe beket me nemen senegew yen.” Reklamo n’ya. Napahalakhak ako sa kanyang tinuran, para s’yang nag papabebe na ewan. “Don’t talk when your mouth is full Layks. Pere keng tenge.” Asar ko pa sa kanya. Ibabato n’ya na sana sa akin ang sapatos na hawak-hawak n’ya pero mabilis akong tumakbo sa kanilang garahe. “Bilisan mo, nag hihintay na si Jasper at Yannah. Maygad! Para ka talagang pagong.” Arteng sigaw ko. Padabog s’yang pumasok sa kotse at pinaandar na ang sasakyan. Hindi kalayoan sa bahay n’ya ay may isang binibini at ginoong nag uusap sa tabi ng daan. Chuss maka binibini at ginoo naman ako, parang nasa sinunang panahon lang. “Hey wadap! Arat na mga sisxzt!” Aya ko sa dalawa. Mabilis naman silang sumakay sa likod. “Good morning!” Sabay na saad ni Jasper at Yannah. Lumingon ako sa kanila at ngumiti. “Ano oras orientation n’yo Yans? Ang amin ni Jasper ay mamaya pang 10am ih. Ang sabi kasi ni Ex-convict ay hiwalay raw ang orientation ng Comm at Tourism. Ang kasabay n’yo raw ay Psychology, ang amin ay Accountancy.” Imporma ko. “I don’t know Aly, ask Laica.” Saad ni Yannah sa akin. Sungit. Tatanungin ko na sana ang driver namin today pero umatras ang aking dila nang makita ko kung gaano kasama ang timpla ng kanyang mukha. H’wag ko na pala s’yang tanungin, baka pababain ako ihy. Hihi Nakinig na lamang ako ng Music sa aking phone imbis na makipag daldalan, wala sa mood ang aking katabi habang ang dalawang mga nilalang naman sa aking likoran ay ang boboring kausap. Don’t get me wrong sa sinabi kong boring ah? Sa hinaba haba ng pagkakaibigan naming apat ay si Laica lang talaga ang karamay ko pag dating sa chikahan dahil iyang si Yannah at Jasper ay hindi mo talaga ma aasahan sa chismis, ang tahimik masyado. Yannah, Jasper, Laica and I are bestfriends since fetus pa lang kami, echoos! HAHAHA Wala pa kaming alam sa mundo ay mag kakaibigan na talaga kaming apat, dahil na rin sa iisa ang village na aming tinitirahan at kami lang naman ang mga bata doon kaya naging malapit ang aming loob sa isa’t-isa. Sabay na kaming lumaki at halos lahat ng mga kahiyahiyang nangyari sa aming talambuhay ay alam naming apat. Like how Laica become crazy with her crush na hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala. You see, lagi s’yang nagka-cutting classes noong senior high school days namin, ang dahilan? Nag lalaro daw ng arcade ang kanyang lovey. Malalaman na lang namin na nag cu-cutting s’ya dahil tuwing uwian andoon na s’ya sa gate, ih sa aming apat, section n’ya ang pinaka matagal ang uwian. Baliw na baliw talaga siya doon sa lalaki siz. Tinatanong ko naman kong sino ba ang lalaking kanyang na pupusoan, sasabihin n’ya lang. “Ipakikilala ko s’ya sa inyo kapag kami na” Pero tatlong taon na sisxzt wala pa rin. Ang hilig kasi sa creamstick ihy! Ayan tuloy hanggang imagine nalang siya na magiging sila. HAHAHAHHA Tiningnan ko sa salamin ang dalawa ko pang kaibigan na nasa likoran. Si Yannah at Jasper. Kung kaming dalawa ni Laica ang nag kakasundo sa chikahan. Ang dalawang ‘yan naman ay sobrang nag kakasundo sa tulugan. Katulad ngayon, umagang umaga ay natutulog na naman ang dalawa sa likoran. Sana ol ano po? Kung isasali silang dalawa sa isang patimpalak kung saan ang laro ay pabilisan ng pag tulog. Winner na silang dalawa. Hindi nag tagal ay nag park na si Laica sa parking lot ng school. Lumabas na kami at sabay sabay na pumasok sa gate. Ang school namin ngayon ay ang school namin noon. Ay ha? Hahahha I mean, ang aming paaralan ay nahahati sa tatlong division, Junior High, Senior High at Tertiary. Sa school na ito kami nag Junior and Senior high na apat. Yes po opo, napaka loyal namin sa school na ito. Baka pagkagraduate namin ng College ay ma bigyan pa kami ng Loyalty reward ih. “Tara tingnan natin ang schedule ng orientation.” Aya ko sa kanila. Maraming studyante ang nag kokompolan sa harap ng bulletin board, siguro ay maya maya pa namin ito ma titiignan. Nang papalapit na kami ay biglang na hawi ang mga tao na ikinabigla ko. “Parang hindi ka pa sanay” Bulong ni Laica sa akin. Nauna na s’yang lumapit sa bulletin board kaya nahihiyang sumunod na lamang ako. Hindi ko alam kong bakit pero during our freshmen year, binansagan kaming mag kakaibigan as “Elite” ang sabi ng kaklase ko ay dahil raw iyon sa aming social status, personality and class. Hindi ko nga naintindihan pinagsasabi n’ya huhuhu. Tiningnan ko ang schedule ko at pinag kumpara sa schedule ng aking mga kaibigan. “Guys, may same vacant time tayo.” Ngiting saad ko. “Oo nga nu? Ayos!” Saad ni Yannah na hindi ko namalayan na katabi ko na pala. If I know, gusto n’ya lang talaga na nakakasama kami sa vacant time kasi hinahayaan lang namin s’yang matulog sa kanyang peboret place. “Ay hala Hannah, malapit na mag simula orientation natin.” Saad ni Laica. Tiningnan ko ang kanyang tinitingnan, schedules ng mga orienatations. Ang kanilang kurso ay 9am ang orientation, which is 10 minutes from now. “Chupi na mga sis. Baka ma late pa kayo. Malayo pa naman conference room ng department n’yo dito.” Saad ko. Nag paalam na ang dalawa kong kaibigan sa amin. Kami naman ni Jasper ay piniling pumunta muna sa cafeteria upang bumili ng makakain sa orientation mamaya. Papasok na kami sa cafeteria ng biglang may lalaking nag mamadaling lumabas sa pinto, iilag na sana ako ngunit sadyang napaka bilis n’ya kaya na sagi n’ya ang aking balikat. Maa-out of balance na sana ako ngunit mabilis n’yang nahawakan ang aking kamay at inalalayan ako nito na tumayo ng tuwid. “Shyt! Sorry Miss.” Hinging paumanhin n’ya sa akin habang naka hawak pa rin sa aking kamay. Para namang may milyon milyong bultahi na naramdaman ang aking kamay sa pag kakahawak n’ya sa akin. Nang makita ko ang kanyang mata ay bigla na lamang bumilis ang t***k ng aking puso. His blue eyes make my heart beat fast na para bang may nagkakarirahan na kabayo sa loob nito. “Miss? Sorry talaga, I really need to go. Sorry ulit.” Saad ng lalaki habang masuyong hinaplos ang aking kamay, tumango lang ako sa kanya. Pinag masdan ko ang likod ng lalaking nag mamadaling nag lalakad palayo. “I think I’m inlove.” Wala sa sariling saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD