Kinabukasan ay agad na kumalat ang usapin tungkol sa sumpa. Halata ang takot sa mata at galaw ng mga estudyante ng Lidjah International School. Halos mapuno ng kilabot ang bawat sulok ng eskwelahan dahil sa mga usap-usapan. Marami ang naniwala sa mga sinabi ni Hailee. Idagdag pa ang mga nagkalat na pictures ni Janeen sa internet na mas nagpatibay sa konklusyon ng mga estudyante. May mga estudyante rin na ipinagkibit balikat na lang ang nasabing sumpa at may iba naman na halos ayaw nang pumasok dahil baka sila na ang sunod na target ng sumpa ni Aynna. Dumami ang mga estudyante na sundo at hatid ng kanilang driver. May mga bodyguards din na nagkalat at nagaabang sa mga estudyante o anak ng kanilang amo. Fully guarded na nga halos ang buong campus dahil sa mga nagkalat na bodyguards n

